CHAPTER 28

24K 723 101
                                    

CHAPTER 28 | END OF BOOK 1


"ANO, HINDI ka pa ba naniniwala ngayon?" Tanong niya sa akin nang makita ang hindi makapaniwala kong reaksyon.


"Tatawagan ko siya," wika ko.


Tumawa siyang muli, "As what I've expected, matigas ka nga." Aniya.


Kumuha siya ng hindi pamilyar na cellphone at inabot sa akin, agad ko 'yong kinuha.


"Ayain mo siyang magpakasal, kapag pumayag siyang pakasalan ka niya ngayon, ako mismo ang magdadala sa'yo sa Pilipinas para ipakasal kayo. Pero kapag wala siyang maisagot sa'yo kung hindi masyado ka pang bata, hiwalayan mo ang apo ko." Utos niya, tinignan ko siya ng masama.


"Huwag mo 'kong utusan." Tugon ko, tumawa lamang siya at napailing.


Agad kong tinawagan ang nag-iisang contact na nasa cellphone, mukhang bago ito at halatang pinaghandaan ng matanda.


Ilang ring ay sumagot ito.


"Who's this?" Agad nitong bungad sa baritono at magaspang na tono.


"Ashtar," Tawag ko sa pangalan niya. Agad naman itong natigilan at parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.


"Fuck! Where the hell are you, Joanna? I'm gonna lose myself while finding you!" Agad niyang wika sa mataas na boses.


Bumuntong hininga ako.


"Where the hell are you? Pupuntahan kita! I fucking heard what happened, may masakit ba sa'yo? Malaki ba ang sugat mo? Ang baby natin? How is he?" Sunod-sunod niyang tanong, pinigilan kong mapahikbi sa tono ng pagtatanong niya.


"Magpakasal na tayo," wika ko.


"Joanna, sabihin mo sa akin kung nasaan ka. Mababaliw na ako sa pag-aalala sa'yo, pinuntahan ko ang probinsya niyo pero wala ka! Tinanong ko si Trius kung alam niya kung nasaan ka pero hindi rin niya alam! Ginamit ko na ang lahat ng pwede kong lapitan pero hindi ko malaman kung nasaan ka! Tell me now, where are you?" Bulyaw niya.


Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilin ang marahang pag-hikbi.


"B-Bakit hindi mo 'ko mapakasalan?" Tanong ko, natigilan siya at sunod-sunod na napamura.


"I already told you, Joanna! Magpapakasal tayo pagkatapos ng graduation m——"


"Marry me right now or let's break up." Alam kong masasaktan siya sa desisyon ko pero hindi pwedeng ganito.


May asawa siya, ginawa niya akong kabit.


"Astéri mou, listen to me, I want you to enjoy your life before we get married. Gusto kong magpakasal tayo kapag handang-handa ka ng matali sa akin. Kaya please, sabihin mo sa akin kung nasaan ka, pupunta ak——"


"I've made up my mind, Ashtar. Marry me right now or let's break up." May diin sa bawat salitang lumalabas sa labi ko.



"Don't do this, Joanna. May anak tayo, please don'y say that." Pakiusap niya, mapakla akong natawa.



"Oh bakit hindi ka makapili?" Tanong ko. Natigilan siyang muli.



"Magkaka-anak na tayo, Joanna. Please 'wag namang ganito, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Please 'wag mo 'kong iwan.." narinig ko ang mahinang paghikbi niya sa kabilang linya.



"I'm sorry..." Mabilis kong wika at pinatay ang tawag.



Humagulgol ako sa harap ng lola niya, sapo-sapo ko ang aking mukha. Basang-basa ang aking kamay dahil sa luhang nanggagaling sa aking mata.



PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon