CHAPTER 4

34.6K 1K 158
                                    





CHAPTER 4




NAGISING ako ng hapon, sobrang sakit ng ulo ko at talagang hindi ako makakilos. Akala ko ay hindi ako tatamaan pero nagkamali ako.



"Tangina, ang sakit." Daing ko.



Narinig ko ang pagtawa ni Karen, siya ang kasama ko sa kwarto pati si Nads na hanggang ngayon ay tulog pa rin.



"'Nakapagluto na si Isabel at Jona sa kusina sa baba. May sabaw 'yon, kumain ka na." Nakangiti at iiling-iling na aniya.



Tumango lamang ako at pinusod ang aking buhok, naligo muna ako at nagbihis ng pang-bahay bago ako bumaba ng kusina upang kumain.



Naaabutan ko sila Ejay, Lorenz, Marvin at Ervin na nakahiga sa carpet ng sala, mukhang hindi pa rin nagigising ang mga 'to simula kaninang umaga.



Naabutan ko sa kusina si Jona, "Anong niluto mo? Nagugutom ako." Daing ko habang nakahawak pa sa aking sikmura.



Nakarinig ako ng dahak na nagmula sa CR ng kusina kaya napatingin ako doon at nakita si Ejay at Marvin na nag-uunahan sa pagsuka sa inodoro.



"Ayan tangina niyo, mga sugapa sa alak pero sa ambagan walang silbi." Nakarinig naman ako ng dahak na nagmula sa lababo ng kusina at nakita ko naman doon si Grace at Andrea na nag-uunahan rin.



"Tangina niyo ah, ginawa niyong picnic yung pulutan." Komento ko at pinagbabatukan sila isa-isa.



Tumawa si Jona at inabutan ako ng mangkok na may lamang lucky me beef maanghang. Napanganga ako.



"Seryoso ka sa pagluluto tapos heto lang pala ang niluluto mong tangina ka. Ang akala ko naman tinola o kung anong matinong may sabaw." Wika ko, tumawa siya ngunit inirapan lang ako.



"Ang demanding mo e 'di ka nga nagbigay ng rente noong nakaraang buwan. Tsaka mas effective 'yan, pang-mayaman lang yung tinola. Lowkey lang tayo." Tugon niya at tinalikuran ako. Inirapan ko lang siya at lumabas ng kusina habang dala-dala yung bowl.



Palabas na sana ako upang magtungo sa bakuran nang tawagin ako ni Karen at iabot ang cellphone ko.



"Kanina pang umaga tunog ng tunog 'yan." Aniya.



Kinuha ko 'yon at nagtungo sa bakuran, naupo ako sa monoblocks at pinatong ang bowl sa lamesang bilog na pinag-inuman namin kagabi.



Nakita kong nagbubulungan yung mga chismosa naming kapitbahay, nagbubulungan pa e rinig na rinig ko naman.



"Ang babata pa, mga tanggero't-tanggera na." Rinig kong bulong ni aling Perla. Ang tanda-tanda yung energy ng bibig sa pakikipag-chismisan ay dinaig pa ang akin.



"Narinig ko inumaga na naman ang mga 'yan sa kakainom. Nakakahiya, sa unibersidad pa naman mga nag-aaral." Wika naman ni aling Murdie. Kesa naman sa anak mong inuumaga kakahanap ng lalaki.



"'Di na mga nahiya, sayang ang perang pinang-aaral ng mga magulang nila." Wika ni aling Kurding. Ang dakilang palengkera ng baranggay na punong-puno ng chismosa.



"'Wag mo nang pansinin, ipapatawag ka na naman ni kap kapag pinatulan mo ang mga 'yan." Suway ni Karen nang mapansing sasagot na 'ko.



"Sumusobra na e. Isang sapak lang, ta's titigil na 'ko." Wika ko, napailing siya habang tumatawa.



"Gago." Aniya.



PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon