CHAPTER 33

25K 820 169
                                    

CHAPTER 33




"THANK YOU sa paghatid, Hugo." Pasasalamat ko ng may ngiti sa labi, inabot niya sa akin ang kanyang cellphone kaya naguguluhan ko siyang tinignan.



"Para saan 'yan?" Tanong ko.



Natawa siya, "Can I get your number?" Tanong niya.



Ako naman ang natawa sa sinabi niya, "Sure." Nakangiting wika ko pagkatapos ay kinuha ang kanyang cellphone at ni-dial ang aking number sa kanyang cellphone.



Natatawa ko itong binalik sa kanya, "Don't text me at night, I'm busy with my kids." Payo ko, tumawa siya at ginulo ang aking buhok.



"Noted, I'm going." Kumaway pa siya sa amin bago sumakay sa kanyang sasakyan at nag-drive palayo.



Nang humarap ako kila Icarus ay masama ang kanilang tingin sa akin.



"I hope you feel that I don't want that man for you, mom." Wika ni Icarus, tumawa ako sa kanya at napailing.



"He's just a friend to me, baby." Tugon ko, magkakahawak si Icarus, Percy at Arachne habang papasok kami sa hospital. Nasa gitna ng dalawa si Arachne samantalang ako ay naglalakad sa kanilang likod.



"Dad, I'm not really agree on that. Alam mo naman ang pinag-daanan ni Mamita, she doesn't want to feel pain anymore. She wants to rest..." Rinig kong wika ni Ashton nang makaakyat kami sa floor kung nasaan naka-ICU si Mamita.



Nang makita siya nila Arachne ay agad silang tumakbo sa direksyon nito, "Kuya!" Tawag ng mga ito, napalingon si Ashton sa aming direksyon at malapad ang ngiti nang salubungin ng yakap ang aking mga anak.



Naka-squat siya upang magpantay sila ng mukha at pagkatapos bigyan ng halik sila Arachne ay tumayo siya ng maayos upang halikan ang aking noo.



"You should have called me to fetch you, nahirapan ba kayong mag-taxi?" Tanong niya.



"Okay lang, may naghatid naman sa amin dito. Yung kaibigan ko dati noong college." Nakangiting sagot ko, kumunot ang kanyang noo.



"Male?" Tanong niya.



"Yup." Tugon ko.



Nakarinig kami ng pagtikhim at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na sa tingin ko'y nasa mid forty's.



Natawa si Ashton, "Dad, this is Joanna Alquizar. Uncle Asmodeus' woman." Napatango-tango ang lalaki, at pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan.



"You're gorgeous, Ija." Papuri niya, ngumiti ako at nagpasalamat.



"Joanna, this is my dad. He's uncle Asmodeus' cousin." Pakilala ni Ashton sa lalaki na kanya palang ama.



Binati ko siya, pagkatapos ay dumako ang kanyang tingin sa aking mga anak na nakatingin din ng mariin sa kanya.




"Oh, so that's my niece to that son of a bitch?" Nakangising wika ng dad ni Ashton. Ang bata pa nito at halatang nasa ayos pa rin ang katawan dahil sa nakabakat na muscle sa kanyang braso.




"Dad, there's a kids." Panunuway ni Ashton sa kanyang ama.




"They're cute, kamukha ni Asmodeus lalo na ang isang 'to." Puri niya sabay turo kay Icarus.




Si Icarus kase ang nakakuha ng malaking resemblance sa kanyang ama, samantalang si Arachne naman ay nagmana sa akin. Miski ang tangos ng ilong at ang hubog ng kilay ay gayang-gaya ng akin. At pinaghalo naman namin ang itsura ni Percy.




PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon