CHAPTER 8

33.4K 1K 230
                                    

CHAPTER 8




NAPATANGA ako nang maihatid niya ako isang kanto mula sa apartment namin, alas dose na ng gabi at halatang tulog na sila Nads dahil patay na ang ilaw sa first floor.



Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at nang mabuksan ko, unang sumalubong sa akin si Ace. Ang aso ko na half Japanese Spitz at half pinoy.




"Bakit ngayon ka lang?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Lorenz mula sa sofa.



Binuksan ko ang ilaw ng first floor at nakita siyang prenteng nakaupo doon habang nagkalat ang mga papel at libro sa center table na nasa tapat ng TV.



"Gabi na ah? May t-test kayo bukas?" Paglilihis ko sa usapan, salubong ang kilay niyang nag-angat ng tingin.




"Matulog ka na, maaga pa ang schedule natin bukas." Aniya at muling binalik ang paningin sa mga binabasa, nakanguso ako at mabilis siyang nilapitan.



"Lorenz," tinusok ko ang braso niya ngunit parang wala itong narinig.



"Uy, 'wag mo nang sabihin kila Nads yung tungkol kanina ah. Siguradong mag-uusisa sila kapag nalaman nilang nagkita tayo nila kuya Trius sa club, at ang malala ay malalaman nilang muntikan na 'kong mabastos. Mag-aalala ang mga 'yon." Wika ko, napailing siya at sa wakas ay tinignan na ako.



"Yung lalaking naghatid sa'yo, sino 'yon at bakit ka niya kilala?" Pag-uusisa niya, agad akong umiling.



"Wala lang 'yon, huwag kang mag-alala sa akin at kaya ko ang sarili ko." Wika ko, napailing siya at inangat ang kamay upang guluhin ang buhok ko.




"Matulog ka na. Sigurado akong napagod ka kanina," Aniya at muling inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro.



"Ikaw? Gabi na ah, hindi ka ba matutulog?" Tanong ko.



"May test kami bukas, kailangan kong mag-review. Matulog ka na, Joanna." Utos niya, napatango na lamang ako at tumayo upang magtungo sa kwarto namin sa itaas.




Habang paakyat ay magaan ang paa ko upang walang makarinig, nang makapasok ako sa kwarto namin ay napabuntong hininga ako.




"Kumusta date niyo?" Halos lumabas ang kaluluwa ko nang marinig ang boses ni Nads.




Hawak-hawak niya ang cellphone niya at mukhang may ka-chat na namang bago.




"Date?" Tanong ko, nakita ng mata ko si Karen na tulog na tulog sa kama niya.



"Oo, date niyo ni Lor--" Agad ko siyang binato ng unan upang hindi na matapos ang sasabihin.



"Hindi kami nag-date, gago." Sagot ko, inismiran niya lang ako.



Ibinaba ko ang cellphone ko sa side table ng kama ko at nagtungo sa cabinet ko upang humanap ng pantulog.



Nang makahanap ng maluwag na T-shirt ay agad akong nagtungo sa CR upang magpalit at maghilamos, nang matapos ay lumabas na ako at naupo sa kama ko.



Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang text ni sir Ashtar.



My psycho patient,

That was the best night of my life, Astéri mou.




Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko kung saan niya ako hinalikan kanina. Ang gago, sa kanya pa napunta ang first kiss ko. Agad akong tumipa ng mensaheng ipapadala sa kanya.



PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon