CHAPTER 22

24.8K 822 357
                                    

CHAPTER 22






NANLAKI ang mga mata ng mga kapatid ko nang makita nila ako pagkababa ko ng sasakyan ni Ashtar.





"Ate!" Sunod-sunod nilang sigaw at nagtatakbo patungo sa kinalalagyan ko.





Sinalubong ko sila ng mainit na yakap, pinagkasya ko silang tatlo sa bisig ko at binigyan ng tig-iisang halik sa pisngi.





"Na-miss ka namin, ate!" Sigaw ni Caramel. Napangiti ako at pinisil ko ng bahagya ang kanyang ilong.





"Na-miss rin kayo ni ate, mga bunso ko." Tugon ko.





Naghiwalay kami ng yakap nang dumako ang kanilang paningin sa matangkad na lalaki na nasa likod ko, literal na napaangat sila ng ulo dahil sa tangkad nito.





"Ate, sino po siya?" Tanong ni Sweet.





"K-Kaibigan siya ni ate, siya si kuya Ashtar." Pakilala ko.





"Ashtar, heto ang nga kapatid ko. Si Maria Caramel, si Vanilla Leonora at Sweet Theresa. Triplets sila," pakilala ko naman sa mga kapatid ko.





"Hi, kuya Ashtar! Ang gwapo niyo po," Papuri ni Vanilla sa kanya.





Yumuko si Ashtar at ginaya ang posisyon ko na naka-squat sa harapan ng mga kapatid ko, "You're cute too, little girl." Puri niya pabalik.





"Tangkad-tangkad niyo po, kuya. Bagay po kayo ni ate Anna." Wika naman ni Caramel.





Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay ni Sweet sa kanya, "Matanda ka na po, ayaw kita para kay ate." Aniya, agad na nanlaki ang mata ko sa tinuran ng pinakabata kong kapatid.





"Sweet!" May otoridad sa tono ng pananalita ko.





"It's fine, Astéri mou. You're still mine after all." Wika niya at inakbayan ako. Tumayo kami at bahagya ko pa siyang siniko.





"Naintindihan ko ang sinabi mo!" Salubong at mataray na wika ni Sweet, agad siyang sinuway ni Caramel at Vanilla.





Sa kanilang tatlo ay si Sweet ang pinakamatalino, iba't-ibang medalya ang nakukuha niya taon-taon at walang school year na hindi ako aakyat ng stage para bigyan siya ng parangal.





Matalino rin naman si Caramel at Vanilla pero yung kakayahan nila ay tago at puro sa ibang bagay nakalaan.





"Sweet, maging mabait ka. Bisita pa rin natin si kuya Ashtar mo." Suway ko sa kanya, rumolyo ang kanyang mata at sinamaan ng tingin si Ashtar.





"Anna," Napalingon ako kay Nana Selda na iika-ikang palapit sa amin.





Agad akong lumapit sa kanyang at sinalubong ng maiinit na yakap, "Pumasok na muna kayo sa loob nang makapag-pahinga." Aniya.





Sinenyasan ko si Ashtar na lumapit sa akin at agad na rumehistro ang naniningkit na mata ni Nana.





"Sino siya, Anna?" Tanong ni Nana Selda.





Agad na naglahad ng kamay si Ashtar sa kanya, "I'm Ashtar Montavius Deustri Vigneroux, Ma'am. It's nice to finally meet my girlfriend's grandmother." Nanlaki ang mata ko sa pakilala ni Ashtar kay Nana.





Ang singkit na mata nito ay mas lalong naningkit, "Gerlpren?" Barok na ingles na tanong nito.





Agad kong siniko si Ashtar, "Ano bang pinagsasabi mo?" Bulong ko, nagkibit-balikat siya at nginisian ako.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon