CHAPTER 7

32.5K 1K 249
                                    

CHAPTER 7


NARIRINIG ko ang bulong-bulungan ng mga babae sa ibang table, may natutuwa pero mas maraming naiingit.


Nag-cheer ako ng nag-cheer sa kanila habang sila ay kumakanta, kapag dumadako ang paningin ng isa sa kanila sa akin at agad akong ngingiti ng matamis at iaangat ang aking kamay upang mag-thumbs up.



Nilalantakan ko ang inorder na pagkain ni Hugo para sa akin nang tumunog ang cellphone ko.




Nakatanggap ako ng text message.


My psycho patient,

You look beautiful even if you're acting stupid.




Agad akong napalingap sa paligid upang hanapin siya ngunit kahit saan ko ipalig ang ulo ko sa baway table ay walang siya na nakita ko.




Agad akong tumipa ng mensahe.



Ako,

Nasaan ka?



Sumimsim ako mula sa juice habang nag-hihintay sa sagot niya. Nang tumunog ang cellphone ko ay akala ko siya na ngunit nagkamali ako.


Kuya Trius,

Anong ginagawa mo sa Club?


Agad na napakunot ang noo ko, paano niya nalamang nasa club ako? Si Ishay ba ang nagsabi? 'Di ba wala naman siya sa apartment?


Ako, (To: Kuya Trius)

Paano mo nalamang nasa club ako, kuya?


Mabilis ang naging pag-reply niya sa sinabi ko, akala ko ay siya lang ang nag-reply ngunit pati rin pala ang pasyente ko.


My psycho patient,

Look up.


Kuya Trius,

Look up.



Agad akong nag-angat ng tingin at nakita siyang nakadungaw mula sa railings ng second floor, napanganga ako. Nakadungaw sila sa magkabilang side at parehong madilim ang mukha na nakatitig sa akin.


Agad na nangunot ang noo ko sa kanila, si Sir Ashtar ay nasa kaliwang side at si Kuya Trius ay nasa kanan.


Nagkatinginan ang dalawa at matalim ang tinganan na pinukol sa isa't-isa. Magkakilala sila?


Agad akong tumipa ng mensahe para sa kanila.


Ako, (To: Kuya Trius)

Anong ginagawa mo rito, Kuya?



Ako, (To: My psycho patient)

Anong ginagawa mo rito, sir?



Wala pang ilang segundo ay sabay na naman silang sumagot.



Kuya Trius,

Ikaw dapat ang tinatanong ko 'nyan, anong ginagawa mo rito?


My psycho patient,

I should be the one asking you that, what the hell are you doing in this kind of place?


Pareho lang naman ang reply nila, english lang ang sa pasyente ko at tagalog naman ang kay kuya Trius.



Ako, (To: 2 contacts)

Sinama po ako ng kaibigan ko para manood ng gig nila. Pero isang kanta na lang, uuwi na rin na po kami.


PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon