CHAPTER 17

25.7K 725 56
                                    

CHAPTER 17





KINABUKASAN ay napagpasyahan kong sumama kila Nads nang maisipan nilang pumunta ng Mall. Bibili daw muna siya ng pang-linis niya ng mukha bago kami pumunta ng Mehan para kitain sila Grace.





Kakain kami sa labas, literal na labas dahil sa fishball-lan lang, nalaman nilang pumunta si mama kahapon sa apartment dahil sa kadaldalan ni Grace.





"Nepe, sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ni Nads nang mapansing tahimik ako. Marahan akong tumango sa kanya ngunit hindi ko na inabala ang sarili ko na magpilit ng ngiti.





"Joanna, nandito lang ako. Hindi kita pipiliting magkwento, basta lagi kong tatandaan na ready akong makinig." Ani Lorenz, ngumiti ako sa kanya at tumango.





"Jo, anong skincare mo?" Tanong ni Nads, nasa watsons kami at namimili siya ng bibilhin.





"Kelangan ba no'n?" Tanong ko, napairap siya at napanguso nang mapansing wala ang gusto niyang product.





"Tara, kumain na nga lang muna tayo." Aya niya.





"Hoy, wala akong pera," Tugon ko nang makapasok kami sa isang sikat na fast food restaurant, agad na pumila si Nads at nakasunod lang kami ni Lorenz sa kanya.





"Ayoko di——"





"Libre ko." Sagot niya kaya napangiti ako.





"Ayokong tumanggi." Umayos ako ng tayo at pasimpleng lumingap. Oorder na sana si Nads nang makita ko kung paano tapunan ng coke ng isang panget na babae ang isang crew.





"Anong nangyari?" Tanong ko sa isang babae na mukhang high school student, nakamasid rin siya sa nangyayari.





"Kanina pa po 'yan, pinapahirapan niya yung crew sa sobrang daming reklamo. Ang sama po ng ugali." Bulong pabalik ng babae, hindi rin siya chismosa ano?





"You're wasting my time!" Tila barok ang ingles na sigaw ng babaeng nambuhos ng coke.





Agad akong lumapit nang mapansing walang taong handang magtanggol sa crew. Tila hawak nila ang kanilang mga cellphone at walang sawang kumukuha ng video at litrato.





"Excuse me, hindi mo naman kailangang gawin 'yon." Pagsisingit ko sa usapan nila, napansin kong may mga kasama pa siyang mga babae din na kung gaano kinaganda ng suot ay ganoon kinapanget ang mukha.





"This is none of your business, bitch." Madiin at baluktot ang ingles na sagot niya, napaawang ang labi ko.





Pinilit ko siyang haltakin ang buhok ngunit nahawakan ni Nads at Lorenz ang braso ko.





"Eh gago pala 'to e!" Bulyaw ko, inangatan niya ako ng one line niyang kilay.





"Attitude ka, kala mo maganda ka?!" Tanong ko pa ng pasigaw, dumoble ang taong nakapalibot sa amin para kumuha ng video at litrato.





Pilit kong hinahablot ang kanyang mahabang buhok ngunit pinipigilan ako nila Nads kaya hindi ko maganda.





"Kung gaano kinaganda ng suot mo, 'yan kinapanget ng mukha mo!" Magsasalita pa sana ako nang may matangkad at naka-suit na lalaking humawak sa balikat ko.





"What's happening here?" Otomatikong napukaw ng isang maganda at matangkad na babae ang aming atensyon. Napatulala ako sa kanya at 'di makapaniwalang makatagpo ng ganong kagandang mata, kulay berde ang mata niya.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon