CHAPTER 27

24.7K 678 189
                                    

CHAPTER 27





NAPAPIKIT ako ng mariin nang tawagan ni kuya Trius si Ashtar. Wala akong nagawa dahil ayaw namang pumayag ni kuya Trius na pabayaan akong umuwi na hindi nalalaman ni Ashtar na buntis ako.




"Where is she?" Rinig kong boses niya na parang hingal na hingal, agad akong napatingin sa kanya.




Hindi ito ang unang beses na makita ko siyang naka-uniporme na pang-sundalo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa angkin niyang lakas ng dating.




Dagdag mo pa ang tangkad niya na halos tingalain ko pa dahil sa taas.




"Fuck, what happened? May masakit pa ba sa'yo? Tell me where it hurts." Sunod-sunod niyang turan nang makalapit sa akin. Hinawakan niya ang aking pisnge at pinagsiklop ang aming kamay.




"Okay na 'ko," tugon ko.




Agad niyang sinamaan ng tingin si kuya Trius at ang kasama nito, "Why didn't you fucking transfer her on a fucking private room?" Madiin at pagalit na tanong niya rito.




"Hindi naman siya na-confine, sumakit lang ang tyan niya dahil sa pagbubuntis." Tugon ni kuya Trius, agad na natigilan si Ashtar at nilingon ako.




"Y-You're pregnant?" 'Di makapaniwalang tanong niya.




Napalunok ako dahil sa takot, "O-Oo daw sabi ng doktora na tumingin sa akin." Sagot ko, ang akala ko ay mabibigla siya at sasabihing ipaglaglag ko ang baby ngunit nagkamali ako. Hindi ba ganoon naman sa mga drama?




"Oh thanks, God." Mabilis niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit, pinaghahalikan pa niya ang noo at pisngi ko na parang tuwang-tuwa.




"Thanks, God.. You don't know how happy I am." Mahinang bulong niya.




"I love you, Joanna. I love you.." Sunod-sunod na turan niya.




Eh kung lokohin ko kaya siya at sabihing it's a prank? Magagalit kaya siya?




"H-Hindi pa naman sure, Ashtar. Ang doktor pa lang ang nagsabi, magpi-PT muna ako para sigurado." Tugon ko, hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Mukhang tuwang-tuwa talaga siya.




"I don't care, I still love you." Aniya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.




"Pwede na raw akong umuwi sabi ni doktora," tugon ko.




Kumalas siya sa yakap at sinapo ang dalawang pisngi ko gamit ang kanyang maiinit na mga palad.




"I think it's time for you to live in my condo, it's for you and our baby's safety." Suwestyon niya. Agad akong napaalma.




"H-Hindi pwede." Tugon ko.




"It's for your safe——" 'Di ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin at agad na inunahan.




"Safe rin naman ako sa apartment namin ng mga kaibigan ko." Tugon ko.




"I know, but it's still not enough." Aniya. Agad akong umiling at nagmatigas.




"Siguradong magugulat sila kapag bigla akong umalis, Ashtar. Tiyak na mag-uusisa at magtatanong ang isang 'yon. Kakaalis lang ng isang kaibigan ko dahil buntis tapos aalis din ako, siguradong magtataka ang mga 'yon." Paliwanag ko.




PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon