CHAPTER 11

28.6K 958 233
                                    

CHAPTER 11




NAPASINGHAP ako habang pinagmamasdan ang maganda at magarang laptop na nasa harapan ko ngayon.



"Ang ganda, mukhang mamahalin." Bulong ko habang pinapasadahan ng aking kamay ang screen nito.



"Astéri mou, food is ready." Tawag pansin ni Ashtar nang matapos siya sa pagluluto. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko papunta sa kanya ay umalingasaw na ang mabangong amoy ng pagkain.



"Italian Spaghetti and medium rare steak." Aniya habang sinasalinan ng pagkain ang plato ko, nakangiti pa siya habang nagsasalin.



Nang mapuno ang pinggan ko ay may hinanap ako sa spaghetti ng bagay na paborito ko. Nang hindi ko makita ay agad na kumunot ang noo ko at binalingan siya.



"Nasaan yung hotdog?" Tanong ko, kumunot rin ang noo niya sa tanong ko.



"Anong hotdog?" Naguguluhang tanong niya sa akin. Hinalungkat ko ulit yung spaghetti.



"Bakit walang hotdog?" Tanong ko, napasapo siya sa kanyang noo habang pinagmamasdan akong naghahanap ng hotdog sa spaghetti.



"Italian Spaghetti doesn't have a freaking hotdog on their recipe, Astéri mou." Nakukunsiming aniya. Mas lalong kumunot ang noo ko nang may mapansin.



"'Di ba uso sa'yo ang tomato sauce? Bakit may buo-buong kamatis?" Pag-uusisa ko, sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri na parang timping-timpi na batukan ang katangahan ko.



"Astéri mou, it's Italian Spaghetti. That's how it should be, a freaking processed tomato sauce will spoil the original taste." Paliwanag niya at nilagyan ng piraso ng steak ang pinggan ko.



Tumango na lamang ako at sinimulang kumain, unang subo ay masasabi kong sobrang sarap.



"Marunong ka palang magluto, pwede ka ng mag-asawa." Pagbibiro ko, sumimangot siya at binalingan ako.



"Hindi pa pwede." Tugon niya.



Kumunot ang noo ko, "Anong hindi pa, ang sarap kaya ng luto mo. Siguradong swerte at sagana sa hotd—– ay pagkain pala ang magiging asawa mo." Tapos masarap ka pa, gusto kong idugtong 'yon pero syempre hindi pwede.



Dalagang pilipina pa rin ako.



Bahagya siyang tumawa at napailing, "Hindi pa nga pwede." Pamimilit niya.



"Anong hindi pa? Pwede na kay——" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko.



"You're still young, you're not ready to get married at the age of twenty-one." Putol niya sa sasabihin ko, pinamulahan ang pisngi ko at halos tambulin ng maraming beses ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog.



"K-Kwento mo sa pagong." Pag-iiwas ko sa sinabi niya.



Bahagya muli siyang tumawa, "You're cute, I bet you'll be cuter on top of me." Pinag-ngitngit ko ang ipin ko sa inis, bakit kailangan niyang sabihin 'yon?



"Gago ka." Minura ko siya ngunit tumawa lang ito. Bakit kapag yung ibang babae sa napapanood kong palabas, kapag nagmumura yung babae ay hinahalikan ng bidang lalaki?



Pero kung sabagay kung hahalikan niya 'ko sa tuwing magmumura ako, magmumura ako ng magmumura. Aba, advantage 'yon.



Ano kaya sasabihin ni Hershey kapag malaman niyang nakabingwit ako ng mayaman na ang gwapo pa?



PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon