CHAPTER 36

26.9K 716 105
                                    

CHAPTER 36






NAGISING ako na sobrang sakit ng ulo, nagulat pa ako nang mapansing nakahiga ako sa isang single bed.





Lumingap ako at nakita sa magkabilang side ko si Nads at Karen, mga tulog na tulog at walang halatang mga nalasing din.





Tinadyakan ko ang hinihigaan ni Nads upang itanong kung nasaan kami ngunit wala akong nakusang sagot kung hindi mura.





"Tangina mo, tulog pa ako 'di ba?" Wika niya at tinakpan ng unan ang mukha.





Sunod ko namang tinadyakan ang kama ni Karen, "Nasaan tayo?" Tanong ko.





"IGMTK." Tila padaing na sagot niya, tinakpan pa niya ng unan ang mukha niya ngunit agad kong hinablot 'yon at tinignan siya ng masama.





"Anong IGMTK?" Tanong ko.





Salubong ang kilay niyang pinukol ako ng nakamamatay na tingin.





"I-google mong tangina ka!" Wika niya at hablot muli ng unan at sabay takip ng mukha.





"Tanginang 'tong mga 'to." Napakamot ako ng ulo at tumayo. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng side table at tinignan ang mensahe ni Ashton.





Ashton,

Hey, how's your sleep?

Still asleep?

Reply if you wake up.

Take care.






Agad kong ni-dial ang number ni Ashton at lumabas ng kwarto na kinalalagyan namin, agad na bumungad sa akin ang papasikat na araw at ang mapuputing buhanginan sa tapat ng kulay krystal na tubig ng dagat.






"Hello, Ash.." Bungad ko.






"Hey, how's your sleep?" Tanong niya sa malamyos na tinig. Mukhang kanina pa siya gising, siya kase ang naiwan sa unit upang bantayan sila Icarus, Percy at Arachne.






"It's fine, masakit lang ng kaunti ang ulo ko." Tugon ko, naglakad ako papunta sa dalampasigan at dinama ang malamig na simoy ng hangin na humahaplis sa aking balat.






"You drank too much?" Tila naiinis ang tono ng pananalita niya kaya natawa ako.






"No, I promised, konti lang ininom ko." Pagsisinungaling ko.






"Don't drink again, Joanna. Makakasama sa'yo 'yan, wait, I'll pass the phone to Icarus." Narinig ko ang boses ni Icarus sa kabilang linya.






"Hello, mom." Wika nito.






Napangiti ako.






"Hello, how's my baby? Are you taking care of your siblings?" Tanong ko, narinig ko siyang natawa.






"Mom, Percy and Arachne is fine. How about you? Are you okay there? I told you to not drink again, mom. Your friends are bad influence." Tila nafu-frustrate na aniya, napailing ako at natawa.






"Yes, they are but I love them. Just like you and your siblings, you're all pain in the ass but I love you that's why I'm still fighting." Nakangiting tugon ko.






"Joanna?" Napapilig ang aking ulo nang narinig kong nagsalita sa aking likod.






Nanlaki ang aking mata nang dahil sa nasa harapan ko.






PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon