CHAPTER 39

28.9K 792 138
                                    

CHAPTER 39








"MOM, BA'T IIKA-IKA KA?" Halos mapaigtad ako nang marinig ang boses nila Icarus na sumalubong sa akin pagkauwi ko sa Condo unit namin sa Makati.




"I slipped on the wet floor, baby." Tugon ko. Binigyan ko sila ng halik sa kanilang pisngi.




"By the way, where's your kuya Ashton?" Tanong ko sabay lingap sa paligid ngunit wala ni-anino ni Ashton ang nagpakita.




"He left early, sinabi niya darating ka na raw kaya pinagbilin niya kami kila tita Caramel." Sagot ni Arachne.




Tumango na lamang ako at dumiretso sa sofa ng living room, ilang araw simula nang may mangyari sa amin ni Ashtar.




After that night, I woke in bed alone. Walang bakas niya ang naiwan at kung iisipin ay maniniwala pa akong nagkaroon lang ako ng wet dreams pero dahil nga masakit ang pagitan ng nga hita ko ay nasisiguro kong totoong may nangyari sa aming dalawa.




Ni-hindi ko na nga nakita kahit anino niya sa buong resort pagkatapos ng araw na 'yon.




I hate myself for giving up, kung saan ay hindi ako nagpadala sa tukso at tawag ng laman ay walang mangyayari ng gabi na 'yon.




At isa pa, I can't be pregnant. My doctor warned me one last time.




Makakasama na sa akin ang susunod na pagbubuntis kaya kung maaari ay iwasan ang unprotected sex.




But I broke it, we had a hot and steamy unprotected sex.




I will lie if I tell to myself that I didn't enjoy that. I enjoyed that night. Kahit na pagkapilay ko ang naging kapalit ay hindi ako nagsisisi na may nangyari sa amin.




"Mom, are you okay?" Tanong ni Percy, ngumiti ako sa kanya at tumango.




"I love you, mom..." Napangiti ako nang marinig ang pagmamahal nila sa akin.




"I love you too, my babies." Tugon ko.




Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dala ng sobrang pagod sa byahe.




NAPAMULAT ako nang mata nang marinig ang boses ni Ashtar sa unit ko.




Nakita ko ang tatlong anak ko na bihis na bihis at halatang isasama ni Ashtar.




"No! I don't want to go with you, I'll stay with my mommy!" Rinig kong sigaw ni Arachne habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng isang lalaki na sa pagkakaalala ko'y isa sa mga kaibigan ni Ashtar at Jegudiel ang pangalan.




Agad akong naalarma, akma ko silang lalapitan nang pigilin ako ng dalawang body guard.




"Saan niyo dadalhin ang mga anak ko?!" Mariing sigaw ko, pilit na nagpupumiglas sila Arachne sa pagkakahawak ng ibang mga lalaki na mukhang body guards rin.




"Kukunin ko na ang mga anak ko." Rinig kong sagot ni Ashtar sa malamig na tono.




"No! I want to stay with my mommy!" Sigaw muli ni Arachne.




"No, hindi ako papayag!" Pilit kong nilalabanan ang dalawang body guard na nakahawak sa braso ko upang pigilin ako sa paglapit sa kanila.




Nakita ko ang pagpasok ni Serene sa unit, "Everything is settled." Tugon nito habang nakatingin kay Ashtar.




Nang magtama ang paningin namin ng babae ay agad siyang nagbaba ng tingin na parang nahihiya sa nangyayari.




PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon