CHAPTER 32

24.7K 732 16
                                    

CHAPTER 32






DALAWANG araw ang lumipas nang makatanggap ako ng masamang balita galing kay Tita.





Sinugod raw sa hospital si Mamita kaninang madaling araw, inatake raw sa puso nang malaman ang nangyari sa kapatid ni Ashtar na si Tyrell.





"Opo, Tita, isasama ko po sila Icarus para makita nila si Mamita." Wika ko.





"Thank you, ija. Alam kong may prinoproblema ka rin, nakwento sa akin ni Ashton ang nangyari noong isang araw. Why don't you visit a Cardiologist in the hospital?" Suwestyon ni tita, inipit ko ang cellphone sa aking balikat at tenga upang maayos na maipitan ng buhok si Arachne.





"Ashton contacted Dra. Alvarado, sakto raw po at magbabakasyon silang mag-asawa rito sa Pilipinas. She'll check on me tomorrow." Sagot ko, narinig ko siyang bumuntong hininga mula sa kabilang linya.





"Ashton told me that you met Asmodeus already, mind telling me what happened, Joanna?" Pag-uusisa niya.





Tumikhim ako bago sumagot, "Just like what I expected him, Tita. He's angry at me, but it's okay. Alam ko naman po na kasalanan, I have nothing to be proud of what I did." Tugon ko, ramdam ko ang tensyon sa kabilang linya.





Siguro ay nandoon rin si Tita kasama niya, "Ako na ang humihingi ng tawad para sa anak ko, Joanna... You know, those years... It's really hard for him to endure the pain, lalo pa't pinili mong hindi ipaalam sa kanya ang kalagayan mo sa Italy. But if you want, I will talk to him para naman magka-ayo--" agad akong tumanggi.





"No, Tita. It's fine, ako na lang po ang bahala sa lahat. Besides, napagplanuhan naman na po namin ni Ashton ang lahat noong pauwi pa lang dito sa Pilipinas. I'll just give what he wants to get para naman makabawi ako sa ginawa ko sa kanya noon." Pilit akong ngumiti, nakikita ko ang repleksyon ni Arachne sa Vanity mirror, pinagmamasdan niya ako habang kausap ko si Tita sa telepono.





"Thank you, Ija. Ipapasundo ko na kayo para hindi na kayo mahirapan sa taxi." Aniya, sumang-ayon na lang ako at hindi na sumalungat pa dahil wala rin naman akong magagawa.





Isa pa, hindi pa sanay sila Arachne dito. Siguradong nag-a-adjust pa sila kaya kailangan ko silang gabayan.





"Icarus, Percy!" Tawag ko sa pangalan ng dalawa ko pang anak.





Nag-uunahan naman silang pumasok ng kwarto kung nasaan kami, agad silang lumapit sa amin. Ang gwapo ng dalawang anak ko, manang-mana sa tatay nila.





"We'll visit Mamita in the hospital so you have to wear masks." Sinuotan ko ang dalawa at inayos ang nagusot nilang t-shirt.





"Remember, hospital is not a playground so behave. Kapag naglikot kayo, ipapatawag ko si kuya Ashton niyo para pagalitan kayo, okay?" Nilagyan ko rin ng mask si Arachne, ang cute-cute niya sa suot niyang dress na katulad sa akin.





"We'll behave." Ani Icarus.





"Good, let's go?" Binuhat ko si Arachne at nakahawak naman si Icarus at Percy sa magkabilang laylayan ng dress ko.





"Ate, may lakad kayo?" Tanong ni Sweet nang makita kaming palabas ng unit.





Ngumiti ako sa kanya, "Bibisitahin namin ang grand-grandma nila sa hospital." Sagot ko, sinabihan pa niya kami ng ingat bago pumasok sa unit nila. Pasara na ang elevator nang may isang kamay na pumigil doon.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon