CHAPTER 12

29.2K 881 143
                                    

CHAPTER 12






ILANG araw na ang nakalipas nang magtapat siyang mahal niya raw ako, sa una ay hindi ako naniniwala dahil 'yon ang napag-aralan ko.





Pero kung ibe-base sa nararanasan kong pagtrato niya sa akin, paniwalang-paniwala na 'ko.





Psychopaths are capable of falling in love.





"Hoy, ambag niyo!" Sigaw ko sa kanila, napag-usapan naming uminom dahil kaalis lang ni Ishay kahapon pauwi sa probinsya nila. Kinidnap ang gaga at napagsamantalahan pa.





"Aray, ang sakit ng tyan ko." Palusot ni Ejay, agad ko siyang binatukan.





"'Dyan ka magaling, tapos mamaya ikaw pa mauunang tatagay, ang lupit mong gago ka." Wika ko, tumawa lamang siya at nag-piece sign.





"Pass muna sa ambagan. Wala 'kong ipon e." Aniya. Inirapan ko lang siya at dumiretso na sa mag-jowa naming kaibigan.





"Hoy, ambag niyong dalawa!" Sigaw ko.





Binunot ni Marvin ang pitaka niya at naglabas ng bente, tapos ay inabot sa akin.





"Saan aabot ang bente mo?" Ibinalik ko sa kanya 'yon.





"Tangina mo, sa'yo na 'yan at mag-cornetto kayong dalawa. Kulang pa yang bente mo sa lakas mamulutan ng jowa mo." Pang-iinis ko, sunod ko namang nilapitan sila Andrea at akmang magsasalita ako nang magsalita si Ervin.





"Libre ko na." Aniya at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Problema ng isang 'to?





Nagkatinginan kami ni Nads at nagkibit balikat lang siya na parang napansin rin ang pagbabago ng mood ni Ervin.





Naglabas siya ng limang daan sa wallet at inabot sa akin, "Tawagin mo na lang ako kapag simula na." Aniya at umakyat sa taas.





"Problema no'n?" Tanong ko.





"Nakipag-break ata yung jowa niya, taga-AU kase yun, nakita ko may kasamang iba. Kaya siguro ay break na." Paliwanag ni Jona.





Tumango lamang kami, "Oh, bili na kayo. Baka ako pa bumili, hindi naman nakakahiya sa inyo." Pag-paparinig ko at inilapag ang five hundred sa center table.





Naupo ako sa sofa sa tabi ni Nads at pinatong ang paa ko sa center table, agad akong tumipa ng mensahe kay Ashtar upang tanungin kung anong ginagawa niya.





Ako,

Anong ginagawa mo?





Wala pang ilang segundo ay nagreply na siya kaya napangiti ako.





My psycho patient,

Working, you?





Ako,

Iinom kami hehe





My psycho patient,

You'll drink again? I think it's time for you to find another friends.





Alam kong nagbibiro lang ito ngunit wala sa sariling napairap ako.





Ako,

Eh kung humanap ka kaya ng bagong jowa.





My psycho patient,

Just kidding. I love you for who you are, no need to change. Gotta go, call you later. I love you, Astéri mou.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon