CHAPTER 35

27.1K 740 183
                                    

CHAPTER 35




PAGBALIK namin sa lamesa ay halos manigas ako sa kinauupuan ko nang makita si Ashtar sa kabilang table.




Ngayon ko lamang siya napansin ang presensya niya dahil nakikipag-usap ako kay Karen habang papunta sa table namin.





Pinakilala kami ni kuya Nathan sa kanila at pinakilala rin naman sila sa amin, napansin ko ang pagiging tensyunado ni Ishay habang kanina pa nag-iiwas ng tingin sa mga kasama ni Ashtar.





Wait, hindi naman ito ang unang pagkikita namin, tanging si Ishay lang ang wala noon nung nagkita kami sa restaurant. Hindi ba sila nakikilala nila Nads?





Pero kung sabagay, kung di ko kilala si Ashtar ay talagang hindi ko siya makikilala.





"Ang gwapo 'no?" Rinig kong bulong ni Nads sa akin. Inirapan ko siya, kung alam mo lang, Nads.





Sa una lang magaling ang mga gago na 'yan. Lalo na yung isa 'dyan, tangina niya.





Kung hindi lang talaga dahil sa mga anal ko ay hindi na ako babalik dito sa Pilipinas, baka kunin ko pa sila Nana papuntang Italy.





"Laro tayo, tangina ang boring e." Pag-aaya ni Grace, sumali sa amin sila ate Pearl at kuya Nathan. At kung mamalasin ka nga naman, sumali pa ang grupo nila sa amin kaya pinagdikit nila ang dalawang table.





Nagmagsimula ang laro at lahat sila ganadong-ganado sa pagsunod sa bawat dare at pagsagot sa bawat truth.





May time pa na pinaghuhubad nila ang pumipili ng dare.





"Truth," Sagot ko nang tumapat sa akin ang nguso at kay Marvin ang puwetan ng bote.





"Tanginang 'yan puro truth, alam na namin ang buhay mo, Joanna. Mag-dare ka naman," Tugon ni Marvin, inirapan ko siya at sinamaan ng tingin.





"Kapag nag-dare ako ikaw ang gagawa," Sagot ko.





Agad siyang napangiwi at sinimangutan ako, "Sige, tangina ka sasagot ka ng maayos ah." Wika ni Nads, tumawa sila Ishay sa sinabi niya.





"Sino tatay nila Arachne?" Tanong niya, natawa ako at napailing sa kanya.





"Ikaw na lang, gusto mo ba?" Pagbibiro ko, nagtawanan sila ngunit umarko lang ang kilay ni Nads sa akin.





"Tanginang sagot 'yan, pang-lasing sa kanto amputa." Komento ni Nads, "Ako na ang magtatanong." Wika ni Marvin sabay agad ng bote kay Nads.





"Naging crush mo ba ako noong high school?" Tanong niya, nagtawanan sila Grace sa kanya at isa-isa siyang nakatanggap ng batok.





Umarte akong nasuka.





"Ang kapal ng mukha mo." Tugon ko, tumawa siya at hinawakan pa ang tyan. "Joke lang, heto na talaga.." Bahagya siyang tumigil sa pagsasalita.





"Sino yung crush na tinutukoy mo noong high school?" Tanong niya, agad na uminit ang pisngi ko sa tanong niya.





"Matagal na 'yon, ba't kailangan pang itanong?" Tila wala sa mood na sagot ko, umiling si Marvin. "Sagot." Utos niya.





"Si Lorenz." Sagot ko.





Agad na nagtilian sila Nads, "Pero wala na sa amin ngayon 'yon, maayos na kami tsaka may nililigawan na 'yan." Paghahayag ko, agad na tumingin sa akin si Lorenz na parang nagmamaawang huwag kong sabihin kila Nads ang pangalan ng nililigawan niya.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon