CHAPTER 15

26.7K 680 93
                                    

CHAPTER 15






GABI na nang marinig ko ang muling pag-ri-ring ng cellphone ko hudyat na may tumatawag.





Agad kong tinignan 'yon at nakita ang pangalan niya sa screen.





My psycho patient calling...





Napasinghap ako bago mapagdesisyunan na sagutin ang tawag.





"Hello," Bungad ko sa malamig na tono.





"Astéri mou, are you mad at me?" Tanong niya sa kabilang linya.





Sinadya kong hindi pansinin ang kanyang tanong.





"Nasaan ka ba? I missed you.." Tugon ko sa mababang tono. Totoo, limang araw ko na siyang hindi nakikita at limang araw na rin kaming walang maayos na komunikasyon.





"I'm gonna visit you soon, Astéri mou." Sagot niya ng may pagtatapat. Mas lalo akong napasinghap at napabuntong hininga.





"Have you already think about my proposal?" Tanong ko.





"Astéri mou, you're too young. Wait till I'm the one who'll propose to you." Dire-diretsong sagot niya na may otoridad ang tono, bagsak ang balikat kong naupo sa aking kama.





Ilang segundo kaming natahimik ngunit nang magsasalita na ako ay may narinig akong lagabag sa kabilang linya at ang pagtawag ni Ashtar sa pangalan ng isang babae.





"Chelsey?" Tawag niya rito.





"Chelsey? May kasama ka bang babae, Ashtar?" Tanong ko. Hindi agad siya nakasagot at akmang magtatanong muli ako nang magsalita siya.





"She's one of my friends, Astéri mou. I'm gonna call you again. I love you." Pagkatapos no'n ay pinatay na niya ang tawag. Mahigpit ang kapit ko sa cellphone ng dahil sa ginawa niya.





Nakakainis, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko siyang saktan ngayon mismo.





May pasabi-sabi pa siyang wala akong pagseselosang babae hanggang sa huling kurap ng mata niya.





Gago ka, kung masaya ka 'dyan kasama ng babae mo, sana huling tawa mo na 'yan.





Nanggigigil ako sa kanya. Sino ang Chelsey na 'yon? Bakit magkasama sila? Batchmate niya ba 'yon? Kung sa bagay mas bagay sila dahil tama lang ang edad nila.





At siguradong mayaman rin ang babae na 'yon.





Nakakainis, bakit ba ako nagseselos? Wala namang kami.





Pero naglalandian kami. May nickname kami sa contact ng isa't-isa kaya may karapatan akong magselos. Nagkakatawagan kami at hinalikan niya ako kaya may karapatan talaga akong magselos.





"Sino ba kase ang Chelsey na 'yon?" Tanong ko sa sarili ko.





Tumayo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin na nasa likod ng pintuan, tinignan ko ang buong katawan ko.





"Mas sexy ba 'yon sa akin?" Hinawakan ko pa ang kurba ng katawan ko. Nakakainis, naiinis talaga ako.





"Mas maganda ba 'yon sa akin?" Hinawakan ko pa ang mukha ko na parang kinikilatis kung saan ang may mali.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon