CHAPTER 13

27.5K 806 44
                                    

CHAPTER 13






"SA'N PUNTA MO?" Rinig kong tanong ni Grace nang makitang bihis na bihis ako.






"Biglaang groupings." Tugon ko.







"Tangina mo, hindi ka na high school." Sagot ni Nads at abot sa akin ng shot glass at baso.






Tinanggap ko 'yon, "Babalik din ako agad, tangina niyo. 'Di pa 'ko nakakaalis miss niyo agad ako." Panunudyo ko.






"Gago, mamaya ka na umalis. Inom ka muna." Ani Ejay, napatingin ako sa cellphone ko. Wala pa naman siyang reply kaya dito muna ako.






"Tangina niya, ayaw sa capslock yung tawa tapos kumpleto pa mag-type." Mangiyak-ngiyak na wika ni Andrea, may tama agad ang loka-loka.






"Bakit? Paano pa magtype yung bago niya at mukhang galit na galit ka 'dyan?" Tanong ni Karen.






Ipinakita niya sa amin ang conversation nila ng side chick ng jowa niya, halos humagalpak kami ng tawa ng makita ang paiba-ibang capitalizations at mga punctuation ng babae na mas lasing pa kaysa kay Andrea.






"Ew, jejemon." Komento ko.







"Tangina niya, binigay ko lahat. Sinunod ko lahat ng luho niya tapos nakuha pa akong pinagpalit sa ibang lalaki. Gago siya," pagdadrama ni Ervin, napailing ako.






Ang aga-aga mukhang may mga tama na ang mga gago, paano ba naman ang taas ng tagay ni Nads.






"Mahal mo pala, ba't 'di mo pinaglaban?" Tanong ni Jona sa kanya. Umiling si Ervin at ininom ang shot na para sa kanya.






"Bagay sila, anong laban ko do'n?" Iling-iling na aniya, tumawa ako at kumuha ng fishball na nasa plato.






"Tangina mo, 'di kita trinopa para iwan lang ng kung sino-sino. Kapag alam mong mas bagay sila, sapakin mo." Suwestyon ko, nakatanggap ako ng batok kay Grace.






"Suggestion mo mapanaket." Aniya.






"Tsaka 'wag ka nagsasabi ng lahat ng babae pare-pareho. Si Joanna lang ang ka-pederasyon ng ex mo." Tinignan ko ng masama si Grace nang dahil sa sinabi niya.






"Tangina mo, kahit 'di ka tinatanong ang daldal mo." Komento ko, tumawa siya at inirapan ako.







"Totoo naman, gold digger ka rin e. Naalala mo si sir Henry? Yung ex mong thirty-four, pagkatapos kang bilan ng cellphone bigla mong pinagtaguan." Pagpapaalala niya.








"At isa pa, si George. Yung ex mong halos kwarenta na, yung pagkatapos tayong bigyan ng grocery worth twenty-thousand bigla mo ring pinagtaguan." Dugtong pa niya, hinawakan ni Marvin ang kanyang kamay na parang proud na proud pa sa jowa niyang pinaglihi sa megaphone sa lakas ng boses.






"Mayroon pa, iyong si Zan——" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya.






"Hindi ko siya pinerahan." Pagtatapos ko sa sasabihin niya.






Tumawa si Nads, "Ay oo nga pala, ikaw pala ang niloko ng isang 'yon." Aniya. Bigla akong nawala sa mood nang dahil sa sinabi niya.






"Oo, yung pinagpalit siya sa pinsan niya." Dugtong pa ni Grace.






Inirapan ko sila, "Tangina niyo." Pagmumura ko.






PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon