CHAPTER 16

25.5K 824 41
                                    

CHAPTER 16


NANG MATAPOS ang dalawang klase ay nagmamadali akong umuwi, sa lahat ng pwedeng maiwan bakit cellphone ko pa?


Akma akong papara ng jeep pauwi nang may humaltak sa akin papunta sa hindi mataong lugar.



Isinandal niya ako sa pader habang takip-takip ng kanyang palad ang aking bibig.



Naka-hoodie at mask na itim siya at tindig pa lang ay alam ko na kung sino, nagpumiglas ako at pilit kiyang itinutulak palayo ngunit walang nangyayari.



"Joanna," May diin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Halatang wala sa mood at galit.



Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakatakip sa bibig ko ngunit nanatiling dikit ang aming katawan.



"You're not answering my calls, not even replying to my messages." Nagtatagis bagang na aniya, ginantihan ko ang masamang tingin na pinupukol niya sa akin.



"Wala kang pake kung gustuhin ko na 'wag kang replyan o sagutin ang mga tawag mo. Choice ko 'yon." May diin ring tugon ko. Bahagya siyang lumayo at kinalma ang sarili.



Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri kaya kagat-kagat ang pang-ibabang labi at mukha talagang galit.



"Maayos tayo bago 'ko umalis, Joanna. What did I do wrong?" Pagalit ang tono ng pagtatanong niya, gusto ko siyang sapakin habang nagsasalita siya.



"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Maayos tayo? Talaga?" May sarkastiko sa boses ko na mas long ikinainit ng tingin niya sa akin.



"Is this about what happened yesterday night? I told you, Chelsey is just my frien——" agad kong pinutol ang sasabihin niya.



"Hindi ko tinatanong at wala akong pake alam kahit girlfriend mo pa siya!" Pasigaw na tugon ko, nagtatagis ang bagang na ikinuyom niya ang kanyang kamao. Tila nagtitimpi siyang saktan ako.



"Joanna, listen to me. Chelsey is just my friend, ikaw ang girlfriend k——" Umismid ako at buong lakas siyang tinulak dahilan upang mapalayo siya sa akin ng kaunti.



"Hindi mo 'ko girlfriend, Ashtar. Walang tayo at kahit kailan, hindi naging tayo. Kaya layuan mo na 'ko, ayaw na kitang makita pa." Wika ko, 'di makapaniwala siyang tumingin sa akin.



"Can you hear yourself? Walang tayo? You're everything to me, Joanna! Ikaw ang lahat sa akin kaya paanong walang tayo?" Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at marahang iniyugyog.



"Ayokong sumugal sa taong walang goal sa relasyon namin, kung ayaw mo rin pala 'kong pakasalan, edi maghiwalay na tayo. Mas mabuti 'yon." Binaklas ko ang pagkakahawak niya sa aking braso ngunit hindi ko man lang matanggal 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.



"Magpapakasal tayo pagkatapos mong maka-graduate, anong hindi mo maintindihan do'n?" Dire-diretsong aniya, inismiran ko siyang muli.



"Hindi na. Nagbago na ang isip ko." Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin ngunit wala talaga akong magawa.



"Stop being immature, Joanna. I'm serious about you, I want to take everything slow because I don't want to pressure you." Paliwanag niya, ngumisi ako at nakakalokong tumingin sa kanya.



"Really? Serious about me? Ni-hindi ko nga alam ang totoong pangalan mo, hindi ko alam kung anong trabaho mo o wala akong kilala sa pamilya mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ang mahulog sa taong miski pangalan ay kwestyon at hindi ko alam!" Sigaw ko, natigilan siya at 'di kalauana'y kumunot ang noo habang nakatitig sa akin.



PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon