CHAPTER 37

28.1K 712 94
                                    

CHAPTER 37






NANG MATAPOS ang kasal nila kuya Nathan at ate Pearl ay napagpasyahan naming makisali sa gimik ng mga pinsan ni Nads, nagpaiwan sila Andrea, Grace at Ishay sa cabin nila kaya kami-kami lang nila Karen ang kasama.




"Keri na 'yan, ghorl." Wika ni Nads sabay hatak sa akin palabas ng cabin namin.




Napailing ako at hinayaan na lang, puro kase kinulang sa tela ang mga suot namin at kung titignan ay talagang mukha kaming nilalamig sa suot.





Kahapon ko lang rin nalaman na invited rin si kuya Trius dahil siya ang Civil Engineer na gumawa ng dream house ni ate Pearl at kuya Nathan.





Tapos kaya rin nandito si Hugo dahil ang banda niya ang kinuha nila kuya Nathan para tumugtog sa kasal sa mga late night events katulad ng pupuntahan namin ngayon na club na sila Hugo rin ang tutugtog.





Matagal na palang umalis si Lorenz ng banda, hindi naman nila sinabi sa akin ang dahilan kaya hindi na rin ako nagtanong.





"Ano ba 'yang mga suot niyo? Parang mga baliw 'to, lalo ka na! Ano 'yan? Sana naghubad ka na lang!" puna ni Ejay sa suot namin pagkatapos ay bumaling kay Nads at dinuro pa ang suot nito. 





"Luh jowa ka, ghorl?" Natatawang tanong ni Isabel sa kanya.





Bumusangot si Ejay at napailing na lang, "Nag-aalala lang kami, paano kung mabastos kayo doon? Puro lasing ang mga tao sa pupuntahan natin." Wika ni Lorenz at pinukol rin kami ng masasamang tingin.





"Relax, kaya nga nila tayo kasama e." Tugon ni Marvin sabay akbay kay Lorenz at Ejay.





"Nandito naman tayo, takot lang nila sa kamao ko." Dugtong ni Ervin sabay pakita pa ng kanyang kamao.





Napailing na lang kami at kanya-kanyang lakad papunta sa boogaloo kung saan ang ginaganap ang night party.





"Oh my god, mukhang masaya dito!" Tili ni Karen habang umiindak sa ritmo na pinapatugtog ng DJ.





"Anong oras daw tutugtog sila Hugo?" Tanong ko kay Lorenz.





"Twelve raw." Tugon niya. Napatango na lang ako at kumuha ng drinks sa dumaang waiter na may dalang tray na may lamang mga wineglass na may alak.





Iba-iba ang kulay ng ilaw na sumisilaw sa aking mata, binalingan ko sila Jona na ngayon ay may kanya-kanya na ring hawak na kopita at sumasabay sa indayog ng musika.





"Joanna!" Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan. Nakita ko si Hugo na papalapit sa akin kaya nakangiti ko siyang binalingan.





"How's the start of your night?" Nakangiting tanong niya pagkatapos ay sumimsim rin ng kanyang alak. Bahagya pa kaming nagsisigawan dahil sa lakas ng tugtog sa buong paligid.






"It's fine, nothing strange happened." Sagot ko, natawa siya at napailing sa sinabi ko.





"You're staying until midnight?" Tanong niya.





"As long as I can still stand on my own feet." Pagbibiro ko, sabay kaming tumawa. Ang corny ng joke ko pero bumibenta sa kanya.





"Ikaw ah, crush mo 'ko 'no?" Pagbibiro ko, kahit na nakakasilaw ang mga ilaw na tumatama sa kanyang mukha ay hindi ko maiwasang makita ang pamumula ng kanyang pisngi kaya nagtataka ko siyang tinignan.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon