CHAPTER 30

26.5K 759 61
                                    

CHAPTER 30






NANG matapos ang isang gabing stay namin sa apartment ay sinundo kami ni Ashton, tinawagan ako ni Tita na dadalhin daw kami ni Ashton sa tutuluyan naming condo unit sa Makati.





Hindi daw nila kami maaasikaso ng ilang linggo dahil tambak ang problema sa negosyo nila sa France. Sinabi ni Tita na nasa Mindanao raw si Ashtar para sa isang misyon, ilang linggo pa raw ang itatagal bago ito makauwi rito.





"How's my cousins' first time stay here in the Philippines?" Nakangiting tanong ni Ashton sa mga anak ko. Natawa ako, ang panget pakinggan na magpinsan sila ng anak ko kahit yon naman ang totoo dahil nga pamangkin siya ni Ashtar.





"It's fine, kuya Ashton. I had a new friend, her name is Lucia. She's months older than us but I won't call her ate." Kwento ni Arachne sa kanya habang magkakatabi sila ng dalawa niyang kuya sa passenger seat sa likod.





"She's a brat, Arachne. Bagay kayong magkaibigan." Komento ni Icarus at sinabayan ng tawa ni Perseus, agad silang sinamaan ng tingin ni Arachne.





"Judgemental!" Singhal niya, nasa gitna siya ng dalawa niyang kuya kaya malayo niya itong napapalo sa braso.





"Mom, is it true? You're going to boracay next week?" Tanong ni Perseus sa akin.





"You're going?" baling ni Ashton ngunit nananatili ang tingin sa daan.





Invited raw kami sa kasal nila kuya Nathan at ate Pearl next week, beach wedding raw at sa isang resort sa Boracay ang venue. Five days kami doon at fully paid na lahat, kami na lang ang hinihintay.





"Uh yes, I just want to breath. Hinihingan na kase ako ng publisher ko ng update sa fifth book nung unang Psychological Series ko. I think that maybe I just need some inspiration to be able to continue the story." Iwinagayway ko ang aking daliri kung nasaan ang singsing na ibinigay sa akin ni Tita at Mamita.





It was my fifth month being pregnant that time when I found out the meaning of that ring. It was made to continue the legend, it symbolized the continuation of life being the mother of every first born child of the Vigneroux's.





Pero ang sabi ni Mamita, may mas malalim pa raw na meaning ang singsing ngunit tanging ang asawa lamang ang pwedeng magsabi no'n sa akin.





Malalaman ko pa kaya 'yon?





"We're here," Nakangiting wika ni Ashton, bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Nang makababa kami ay hawak-hawak ni Ashton ang kamay ni Icarus at Perseus, samantalang nasa akin naman si Arachne.





Pumasok kami sa Condominium Building ng mga Vigneroux dito sa Makati, umakyat kami ng fourty-fifth floor kung nasaan ang lahat ng presidential units.





"Do you like here?" Tanong ni Ashton sa akin, ngumiti ako sa kanya.





"Ang ganda dito. Mas maganda pa 'to kaysa sa unit namin sa Sicily." Komento ko, lahat ng kasangkapan at mga kagamitan ay halos mga babasagin at mukhang mamahalin.





"Pwede mo bang matanong sila Mamita kung saan nakatira ang mga kapatid ko? Sabi kase nila Nads ay lumipat raw sila sa Manila." Pakiusap ko kay Ashton, naupo siya sa Sofa at humilata doon na parang pagod na pagod.





Nilibot nila Arachne ang buong unit na parang manghang-mangha.





"They're not in Manila." Maikling tugon ni Ashton. Napakunot ang noo ko, "Nasa probinsya pa rin sila?" Tanong kong muli.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon