CHAPTER 20

29.1K 737 66
                                    

A/N: Series #3 will be a little bit longer than the rest.






CHAPTER 20






NANG makalabas kami ng cubicle ay todo ayos ako ng suot kong uniporme, lukot-lukot na ang laylayan ng blouse ko at gusot-gusot rin ang kwelyo.






"Are you okay?" Tanong niya habang pinagmamasdan akong maghilamos sa sink.






Marahan akong tumango.






Naramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa aking braso, hinarap niya ako sa kanya at sinalubong ang aking paningin.






Naglabas siya ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang basa kong mukha, "I love you." Wika niya.






Sasagot na sana ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa bag, agad ko 'yong kinuha at sinagot nang makita ang pangalan ni Lola, ang nag-aalaga sa tatlong triplets kong kapatid na nasa probinsya.






Nana Selda calling...






Sinenyasan ko si Ashtar na huwag mag-ingay. Marahan siyang tumango ngunit nanatili ang titig sa akin.






"Kumusta, Nana? Napatawag po kayo?" Bungad ko, narinig ko ang sunod-sunod niyang pagbuntong hininga.






"Anna.." Pa-daing niyang tawag sa pangalan ko. Napakunot ang aking noo.






"Nana, may problema po ba?" Tanong ko.






"Anna, ang mga kapatid mo kase..." Agad akong naalarma sa binanggit niya. Otomatikong napaayos ako ng tayo kaya nag-aalalang tumingin sa akin si Ashtar.






"Ano pong nangyari sa kanila?" Tanong ko.






"Gabi-gabi na naman kaseng umiiyak ang mga kapatid ko nang ibalita ng pinsan mong nakauwi na ang mama niyo rito sa Pilipinas. Mga sigaw ng sigaw at ayaw tumahan, baka pwede kang umuwi kahit isang linggo lang?" Pagbabaka-sakali ni Nana Selda, agad akong mariing pumikit at napahawak sa sentido.






"Titignan ko po, Nana. Magpapaalam po ako sa mga prof ko para makauwi 'dyan, pwede ko po ba makausap sila Caramel?" Bumuntong hininga ako, naramdaman ko ang pagyakap ni Ashtar sa akin na parang pinapakalma ako.






"Caramel, Vanilla, Sweet! Nasa linya ang ate niyo, gusto kayong makausap!" Sigaw ni Nana mula sa kabilang linya, nakaramdam ako ng konting kirot sa ibaba ko nang bahagya akong gumalaw.






Narinig ko ang mabibigat nilang damba patakbo kay Nana Selda.






"Ate!" Sabay-sabay nilang humahangos na tawag sa akin.






"Si ate 'to, kumusta ang mga bunso ko?" Malambing kong tanong, "Okay naman po kami dito nila Sweet, ate. Ikaw po ba?" Magiliw na wika ni Caramel, ang unang lumabas sa kanilang tatlo.






"Okay lang ako, Caramel. Umiiyak na naman daw kayo sabi ni Nana?" Nag-aalalang tanong ko, narinig ko ang pagbuntong hininga nila.






"Ate, miss na miss na namin si Mama at Papa. Kailan po ba namin sila makikita? Babalik naman po sila, hindi ba?" Paninigurado ni Vanilla. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.






"Caramel, Vanilla, Sweet, hindi ba napag-usapan na natin 'to? Masaya na sila sa mga buhay nila, tapos ilang buwan na lang ay magkakasama na tayong apat. Kukunin kayo ni ate 'dyan, dito na tayo sa Maynila titira." Malamyos ang aking tinig habang nagpapaliwanag.






PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon