CHAPTER 21

27.1K 716 97
                                    

A/N: Malapit na po sa main plot, konting tiis na lang :))



CHAPTER 21





NAPASINGHAP ako habang nakaupo sa passenger seat, kinabukasan kase ng pagpunta namin sa mall para bilhan ng mga pasalubong sila Caramel ay sinabi niya sa aking siya na ang bahala sa lahat.





Miski raw ang pagpapaalam ko sa mga prof ko ay siya na ang bahala.





"Are you hungry? We should stop over to buy foods and snacks." Suwestyon niya, tumango ako.





"Ikaw ang bahala," tugon ko. Hawak niya ang aking palad habang nagmamaneho.





"I'm excited to meet your siblings, I'm sure they're cute." Papuri niya pa, tumawa ako.





"Syempre, cute ang ate nila e." Tugon ko, bahagya rin siyang tumawa.





"Ang hangin, Joanna." Natatawang wika niya, rumolyo ang aking mata sa kanya.





"Totoo naman." Tugon ko.





Napailing siya, "Well, I can't argue with that." Bahagya niya pang pinisil ang ilong ko kaya mas lalo akong napanguso.





"Wait, I'll call someone for the cake." Saglit niyang itinigil ang sasakyan upang kunin ang kanyang cellphone gamit ang kamay na nakahawak sa manibela.





"Bitawan mo na lang muna kaya ang kamay ko para hindi ka na huminto sa pagda-drive?" Suwestyon ko, agad siyang umiling.





"If I'm not with you, I'll definitely do that. But because you're here beside me, nope. I won't put your life in danger." Diretsong ingles na wika niya, tinitigan ko lang siya habang tumitipa ng kung anong mensahe sa cellphone.





Bahagya pa siyang sumulyap sa akin at kumindat bago itapat sa kanyang tenga ang cellphone, "Yes, ready the cake tomorrow... What? The design? Is that a problem?" Tumingin siya sa akin na parang sinasabing okay lang ang lahat.





"Fine, I'm gonna make her choose a design... Just fucking make sure that you can deliver it tomorrow... Yes, I'll pay you triple to the orginal prize... Send me the design, she's with me." Pagkatapos ay ibinaba niya ang tawag at inabot sa akin ang cellphone.





Agad ko 'yong kinuha, "Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.





"Check my email, choose a design for the cake." Utos niya, agad kong sinunod 'yon at nakita ang maraming choices para sa design ng mga cake.





Puro mga pambata at maraming cartoon theme cakes ang nandoon, katulad na lang nila Mickey Mouse, Hello Kitty, Scooby Doo, Spongebob, Sofia the first at marami pang iba.





Ngunit ang nakapukaw ng aking atensyon ay ang two layered cake na may Frozen theme.





"Ashtar, mayroon bang one layer lang nito?" Tanong ko sabay pakita sa kanya ng napili kong design.





"That will do. It's beautiful, they will surely like that." Tugon niya, agad akong umiling.





"Masyado kaming magarbo 'yan, maganda nga pero mukhang 'di ko afford." Paliwanag ko, agad siyang dumukwang upang halikan ang noo ko.





"It's fine, I'll pay for it. Don't worry." Tugon niya.





"Ang dami mo na ngang biniling laruan para sa kanila e, pati si Nana Selda binilan mo pa ng mga damit. Nakakahiya na," Naiilang na wika ko, pero syempre ay joke lang na nahihiya ako.





PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon