CHAPTER 34

25.6K 722 74
                                    

CHAPTER 34






"I WANT the full custody of my kids." Natulos ako sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi niya, miski sila tita ay nabigla rin.




"What? Are you out of your mind, Asmodeus? Joanna is still the mother of your children! Siya ang naghirap sa pagpapalaki sa tatlo kaya may karapata——"




"Tinanggalan niya rin ako ng karapatang makasama ang anak ko sa loob ng tatlong taon, siya ang umalis kaya wala siyang karapatang bumalik na lang ng basta-basta." Nanatili akong nakayuko habang pinagmasdan ang mag-ina nagtatalo.




"She left because you made her your mistress! Ginawa mong kabit yung tao, natural lalayo 'yan!" Panunumbat ni tita sa kanya, wala akong lakas na sumagot gano'ng puro pamilya nila ang kasama namin dito sa kanilang sala ng mansyon.




Ang asawa ni tita, ang dad ni Ashton at ang dalawa pang pinsan ni Ashtar na kasing edad lang niya.




"At sinong balak mong gawing nanay ng mga apo ko? Si Serene? Si Serene na nagpabuntis sa iba at nang ma-realized na mas mayaman ka, bumalik sa'yo! Ginawa kang bangko ng babae na 'yon, Asmodeus!" Dugtong pa ni tita, nakita ko kung paano ikuyom ni Ashtar ang kanyang kamao sa galit nang marinig ang panghuhusga ni tita sa kanyang asawa.




"Your mother is right, Asmodeus. Serene is no good for you, hindi ko nga alam sa'yo kung bakit kasama mo pa ang babae na 'yon gano'ng annu——" agad na pinutol ni Ashtar ang sasabihin ng dad ni Ashton.





"At sinong makakabuti sa akin? Siya?" Tanong niya sabay turo sa akin, natawa siya ng mapakla at napailing.




"Bumalik ka lang naman dahil akala mo may babalikan ka pa. You know what, why don't you just go back to where you came from? I don't want my children to be like you." Pang-iinsulto niya, kinalma ko ang aking sarili nang dahil sa sinabi niya.




Akmang susugurin ni Ashton si Ashtar nang pigilan siya ng dad niya at dalawa pa nitong pinsan.




"You asshole! Why don't you fucking go and take your Serene? Hindi siya bumalik dahil may babalikan pa siya, bumalik siya para makasama mo mga anak niyo! She sacrifice her health just to give birth to your kids and this is what she gets?" Tumawa ng mapakla si Ashton at hinablot ang aking pulsahan.




Napatayo ako ng marahas nang dahil sa paghila niya, "Hinding hindi na siya babalik sa'yo dahil akin na siya." Pagkatapos ay hinaltak ako ni Ashton palabas ng mansyon.




Tinawag pa nila tita ang pangalan namin ngunit hindi nag-abala si Ashton na tumigil.





Salubong ang makapal niyang kilay at halatang iritado dahil nanlilisik ang maamo niyang mata.




"I'm sorry.." Paghingi niya ng tawad habang nagmamaneho palayo ng mansyon.




Nanatili siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho.




"Niligtas mo na naman ako... Thank you." Pasasalamat ko habang pinagmamasdan ang naka-sideview niyang mukha.




"Let's go back to your unit, siguradong nami-miss ka na ng mga anak mo." Wika niya, inuwi sila ni Ashton kanina bago kami magtungo sa mansyon.



"Ashton," Bahagyang pumalig ang kanyang ulo sa akin ngunit nanatili ang kanyang paningin sa kalsada.



"Hmm?" Tugon niya.



PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon