CHAPTER 14

26K 733 43
                                    

A/N: Short update for now.





CHAPTER 14




ILANG araw na simula nang umalis si Ashtar papunta raw sa reunion nila ng mga ka-batchmate niya noong high school.



Naging madalang ang text niya at halatang nag-e-enjoy doon, hinayaan ko na lang dahil wala naman akong magagawa. Hindi naman niya ako girlfriend para magdemand sa oras niya.




"Alam mo, kanina ka pa wala sa mood. Ano bang problema?" Tanong ni Jona nang makitang salubong na naman ang kilay ko.




"Wala, masakit lang ang ulo ko." Palusot ko sa kanya at tinalikuran siya. Kanina ko pa siya tinatadtad ng messages pero hindi man lang sumasagot nakakainis.



Ako,

Ashtar

Hoy

Busy ka ba?

Ashtar

Montavius

Deustri

Vigneroux

Commander

I miss you.




Ngunit wala siyang nirereplyan kahit isa, tanghali na at kaninang umaga ko pa siya kino-contact. Nakakainis siya. Akala niya ah, 'di ko rin siya rereplyan agad.




Tinapon ko ang aking cellphone sa kama at nahiga doon ng inis na inis, nakakabwisit siya.



Kung kailan handa na 'kong sabihin sa kanya na mahal ko rin siya ay 'di naman siya nagre-reply.




Nakarinig ako ng sigawan sa baba kaya kumunot ang aking noo, agad akong tumayo at bumaba upang tignan kung sino ang dumating.




Naabutan kong nakaupo ang isang matandang babae sa sofa habang may dalawang men in black na nakatayo sa kanyang likod.




"Mawalang galang na po, madame, pero wala ho kayong karapatang pumasok na lang ng basta-basta di——" Agad na pinutol ng matanda ang sasabihin ni Nads.




"I didn't came here to listen to your bullshits, ija. Just tell to your gold digging friend to come down and talk to me." Diretsong ingles na sagot ng matanda. Kahit nakatalikod pa ito sa akin ay kitang kita ko ang karangyaan sa kanyang kasuotan.




Agad akong bumaba at nagpakita sa matanda.




"Ako ho ba ang hinahanap niyo?" Tanong ko, otomatikong dumako ang tingin ng matanda sa akin at pinasadahan ng mapanghusgang tingin mula ulo hanggang paa.




Bahagyang yumuko ang isa sa mga men in black at may binulong sa matandang babae.




"So you are the slut." Aniya, napakunot ang noo ko. Akmang susugurin siya ni Grace nang pigilin ko siya.




"Pasmado ang bunganga ng matanda na 'to e." Nanggagalaiting aniya.




"Wala ka pong karapatang laitin ako dahil nasa loob ka ng pamamahay namin, kung ako man ang pinunta niyo rito, pwes makakaalis na kayo. Hindi ako nakikipag-usap sa mga taong parang walang pinag-aralan." Dire-diretsong wika ko.




"So it's all true, mayabang at walang modo ang natitipuhan ng apo ko." Nakangising aniya.




"Makakaalis na kayo." Pagtataboy ko, namayani ang nakakapangilabot na tawa sa buong sala.




PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon