Chapter XI

758 18 0
                                    

PAGTAPOS ng klase ni Leann ay nagtungo siya kung saan posibleng pumunta ang binata. Eto nanaman siya at susunod nanaman sa binata kung saan man ito pumunta.

Nalaman niya kasing pumasok ito kaninang umaga at hindi pumasok ng hapon. Nang malapit na siya sa bar ay biglang nagvibrate ang cellphone niya kaya tinignan niya ito.

From: Mrs. Jang

Sorry, Leann. Ikaw lang ang maasahan ko kay Kevin. Please be safe.

Huminga siya ng malalim ng mabasa ang text sa kaniya ng president ng office o ng principal nila. Kinausap niya ito bago siya pumunta ng bar dahil alam niyang mamatayan siya ng magulang. At sinabing wala talaga siyang aasahan na iba kung hindi siya dahil halos lahat ng babaeng studyante sa academy ay mapapasunod ni Kevin.

Pumasok siya ng bar at pumunta sa dati niyang inuupuan kapag hinahanap abg binata. Ilang araw narin siyang hindi nakapunta dito dahil sa nangyari sa pamilya niya. At buti nalang hindi nag absent si Kevin habang burol ng magulang niya kung hindi mapapasunod siya dito kahit na burol pa ng magulang niya.

Ang ganda nga ng timing eh, pagpasok niya sa school ay doon lang ulit nag bar ang binata.

"L-leann?" Nag-angat siya ng tingin ng bigla siyang tawagin ng isang pamilyar na boses.

Tumayo siya dito at tumingin sa binatang nasa harapan niya. "A-andrius" utal nutong sabi. The heck? Ano nalang ang iisipin nito ng makita siya sa bar? Shit!

"B-bakit ka nandito? I thought—"

"No. Mali ka nang akala, Andri. Pumunta ako rito para kay Kevin, ako ang inuutusan ni Mrs.Jang para bantayin 'yun" aniya sa binata. Ayaw niya kasi na may isipin itong mali sa kaniya.

"So ikaw 'yun? Alam mo bang pinapahanap ni Kevin sa mga babae nya ang nagbabantay sa kaniya? Baka kung ano ang gawin nun sayo kapag nalaman nyang ikaw 'yun"

"Don't worry. Kaya ko ang sarili ko, may hawak akong alas sa kaniya. Hindi niya ko masasaktan" casual niyang sabi. Well, meron siyang hawak voice record na paniguradong guguho sa buhay niya once na pinarinig niya to kay Mrs.Jang.

Tsaka mukha naman hindi ganun kasama si Kevin dahil nagawa pa niya itong tulungan nung nahimatay siya. Mukha naman na may mabuti parin siyang kalooban kahit na may kamanyakan ito.

"Good. So, paano mo siya babantayan? Hindi ka nyan makakauwi hangga't hindi siya uuwi? Ganun?" medyo iritadibg sabi ni Andrius. Syempre, concern ito sa dalaga dahil matagal niya na itong nililigawan at lalo na't ngayon na magkaibigan na sila.

"Hindi ganun, Andri. Kailangan ko lang makasiguro na nandito siya then kapag nalaman ko na, Pwede nakong makauwi" sabi niya kaya naman napatango si Andrius dito.

"Nandito siya, Leann. Nasa VIP room 'yun panigurado, nakita ko siya kanina. Sapat na ba 'yun para makauwi kana?" Tanong pa ng binata sa kaniya. Naramdaman ni Leann ang pag-aalala nito sa kaniya kaya ngumiti siya.

"Oo man. 'Yun lang naman ang pinupunta ko dito. At ngayon nalaman ko nang nandito si Kevin, Pwede nakong umuwi" sabi niya sa binata. "Salamat, Andri ha? Bye!" paalam niya dito pero bago pa siya makaalis ay hinawakan siya nito sa kamay.

"Ihahatid na kita. Baka mapano ka pa sa daan" aniya at akmang hahatakin na ang dalaga sa labas ng biglang may humarang sa kanila.

"Ikaw ang babaeng bumubuntot kay Kevin, right?" Tanong ng isang lalaking familiar kay Leann. Ito 'yung babaeng nakausap niya habang umiinom ito ng pineapple!

"Eh ano naman ngayon?" Mataray nyang sabi kaya naman napangiti 'yung lalaki at may kung anong sinenyas sa kasama niya.

"Kanina ka pa hinihintay ni Buddy" sabi nito at siyang lapit sa kanila ng isang lalaking ngising ngisi habang nakatitig sa kaniya. Hell? Edi alam na ni Kevin na ako ang bumabantay sa kaniya? Oh-no.

Mabuti nalang talaga at may hawak siyang alas sa lalaki.

"Sorry pero iuuwi ko na siya" biglang sabi ni Andrius at hinawakan ang pulsuhan ni Leann at akmang aalis na ng sumabat si Kevin sa dinadaanan nila.

Inis na hinarap nito ni Leann. "Ano bang kailangan mo sakin. Ha?" tanong nito sa binata.

"Ikaw pala ang nagbabantay sakin. Diba may kasunduan na tayo? Hindi ba't pumayag kana sa gusto ko? Alam ko naman na hindi mahirap ang hinihingi ko sa'yo so pwede bang pati ang pagbabantay mo sakin ay alisin mo? Pwede?" Sabi sa kaniya ni Kevin kaya naman napangisi siya.

Akala niya ba talaga at magiging sunod sunuran siya sa lahat ng gusto niya?

"FYI, Mr. Peralta. Hindi ako klase ng babaeng mauuto mo. Hindi moko mapapatigil sa kakasunod sayo kahit ano pa ang gawin mo" aniya sa binata.

"What? At ngayon nag mamalinis ka? Hindi ba't pumayag kana sa gusto ko? You even say na tatawagin mo kapag kinailangan moko and now, You deny it? Bakit? Porket ba nasa harapan ka ng manililgaw mo ha?" Dahil sa sinabi ni Kevin ay lalong nainis si Leann kaya humakbang ito papalapit sa kaniya.

"You're such a fucking idiot, Mr. Peralta! Kung ganun talaga ang gusto ko, bakit sa palagay mo hanggang ngayon hindi parin kita tinatawagan? Bakit? Nanghingi ba ako ng pera sa'yo? Hindi naman diba? So ano 'yang pinagsasasabi mo? Tang'na hindi ako katulad ng mga babaeng patay na patay sayo! Mas gugustuhin ko pang maging isang alila kesa sa tanggapin talaga ang deal mo sakin. Ano 'yun? Akala mo talaga ganung klaseng babae ako? Oh fuck you, Kevin! Hindi ako katulad ng dating monitor na nauto mo!" Sigaw niya sa lalake sabay hila kay Andrius papalabas ng bar.

Fuck that man! Grrrrr!! Ang init talaga ng loob niya dito kahit na tinulungan niya siya nung isang araw. Shit! Nasira tuloy ang araw ko sa kanya!

"Ano 'yung sinabi mo kay Kevin?" Tanong sa kaniya ni Andrius ng makalabas sila ng bar.

Ewan pero kailangan nyang sabihin sa binata ang totoo. Andrius is a good man at alam netong concern ito sa kaniya kaya naman ayaw niya itong mag-alala sa kaniya.

"Remember nung kinausap ako ni Kevin nung nasa cafeteria tayo?" Tanong niya sa binata at siya namang pagtango nito. "That day inoffer niya sakin 'yung naging 'deal' sa dating monitor. Akala niya na totoo ang pagtanggap ko dun pero hindi. Nirecord ko 'yung usapan namin para iparinig kay Mrs.Jang kaso hindi ko 'yun naiparinig sa kaniya kasi ilang araw akong umabsent. Pakunware kong pinatulan ang sinabi niya para lang marecord kung anong klaseng deal ang sasabihin niya. And there, hindi ako nagkamali, napaka ignorante niyang tao at napakamanyak"

"Damn. Akala ko totoo ang sinabi niya. Paano niyan? Kailan mo ipaparinig 'yan kay Mrs.Jang?"

"Humahanap talaga ako ng tiempo at balak kong ipang blackmail ito sa kaniya pero wag nalang, Bukas na bukas sasabihin ko na tutal nalaman narin naman niya na ako ang inutusan ni Mrs.Jang na  sumusunod sa kaniya"

"Please be safe kapag sumusunod ka sa lalakeng 'yun. Delekado sayo na pumasok sa isang bar lalo na't babae ka pa naman"

Napangiti siya sa sinabi ni Andrius. Napakaconcern talaga neto sa kaniya. Super baliktad sila ni Kevin ng ugali. Buti nalang at isang mabait at maginoong lalaki ang nagkagusto sa kaniya.

"Salamat sa concern mo, Andri." sabi niya at nginitian ang binata. "Sige mauna nako" akmang aalis ma sama siya ng pinigilan siya ng lalaki.

"No. Ako ang maghahatid sayo, gabi na baka mapano ka pa sa daan" aniya dito. "Opps! Wag na wag kang tatangi! Sinabi mo nung isang araw sakin na sasabay ka pero hindi naman. Kaya ngayon kana sumakay, late na pa naman"

Hindi na siya nagdalawang isip na sumakay sa kotse ng binata. This is the first time na hinayaan niya itong ihatid sa bahay nila. Ilang beses niya rin kasing tinaggihan ang alok ni Andrius.

Mabuti nalang at meron pang lalaking kasing gentelman ni Andrius.

×××××

Yieeee!! One point for Andrius!
Enjoy reading!💖
#AndriusForTheWin!

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon