Chapter XVII

688 19 2
                                    

GUMISING ng maaga si Leann para makapag handa sa pag-pasok sa akademiya. Mahirap para sa kaniya na mag-adjust lalo na't parehong nawala ang magulang niya. Sanay siya na gumising habang pinaglilingkuran ng mama niya, pinagluluto, pinaghahanda ng almusal, dinadalhan ng meryenda at marami pang iba— pero ngayon wala na.

Mas pinili niya nalang na mag stay sa iniwan na bahay ng mga magulang niya, inalok siya ng tita at tito nito para doon nalang tumira sa bahay nila pero ayaw niya, Iniisip niya kasi na ito nalang ang naiwang memorya ng magulang niya...Ayaw niyang umalis sa bahay na'yun, lalo na't siya nalang ang taong nakatira dun.

Mag-iisang buwan narin ng namatay ang mga magulang niya. Mahirap pero kailangan ng mag move-on sa nangyari.

Dahil dun, natuto siyang gumising ng maaga para ihanda ang sarili at maglinis ng kaunti sa bahay bago umalis.

Naghanda na siya sa pagpasok pagtapos niyang maglinis ng bahay. Aalis na sana ito ng maalala niyang wala na siyang baon pag pasok, nahihiya naman kasi siyang humingi sa tita nito. Napasinghap siya ng malalim at hinayaan nalang ang sarili na pumasok parin kahit wala ng perang baon.

Naisip nalang niya na kailangan na nitong makahanap ng pera para may pag-pagastos sa eskwela.

Pagtapos ng ilang minuto ay nakapaunta na siya sa QA. Naglakad siya papasok ng akademiya ng bigla siyang inakbayan ng isang lalaki. "Andrius?"

Akbay parin siya ng lalaki habang naglalakad sila. "Ako nga, Leann" ani neto at kinindatan pa siya. "Sabay na tayo pumasok"

"Sure" sabi ng dalaga at hinayaan ng binata na akbayan siya patungo sa room nila.

Tumikhin sa kaniya ang binata at tumingib sa gawi niya. "Amm, Pwede bang sabay tayo mamayang mag lunch, Leann?" Tanong nito sa kaniya.

Napaisip si Leann sa sinabi sinabi nito. "W-wala ka bang ibang kasabay? May mga kaibigan kang kasabay lagi mag lunch diba?"

Ngumiti lang si Andrius dito. "Don't worry, ok lang naman na iwanan ko sila basta makasabay ka"

Ramdam ni Leann nanamula ang pisngi niya sa sinabi ni Andrius sa kaniya. Hindi ba magsasawa ang binata na pakiligin siya? Alam ni Leann na dadating din ang araw na sasagutin niya si Andrius. Pero hindi muna ngayon.

Masyado siyang busy sa pag-aaral niya lalo na't naghahanap siya ng trabaho na pwedeng pasukan.

Akbay parin siya ni Andrius hanggang sa makarating sila sa room nila. "Good morning, Your Highness" bati niya kay Precious ng makita niya ito.

"Ano ka ba, Leann! No need to use 'Your Highness' whenever you call me." Sabi ng ni Precious sabay pinakutan siya nito ng mata.

Hayy hindi na talaga siya nasanay sa tawag sa kaniya. Napailing nalang siya dito, ayaw niya kasing napupunta sa kaniya ang atensiyon kapag tinatawag itong 'Your Highness'

Naging magkaibigan na din sila ni Precious, at dahil kilalang-kilala na niya ang dalaga, mukhang mahihirapan si Zrel dito na mapatino siya.

Mukhang 'yun kasi ang pinaplano ni Don. Ced sa dalawa eh.

"Hayst hindi ka pa nasanay" ani Leann sa kaniya.

"Wait, boyfriend mo ba siya?" Precious said while pointering to Andrius. Napaalis ang akbay ni Andrius sa kaniya ng mapansin ito.

"Ay hindi, magkaibigan lang kami" ani Leann.

"Soon magiging kami rin, mas mabuti ng mag-umpisa muna sa pagkakaibigan" sabi naman ni Andrius kaya napatitig si Leann dito.

Napangiti naman si Precious sa narinig niya. "Ayieeee!! Bagay kayoooo!!" Sabi niya na para bang kinikilig sa dalawa.

"Baby girl" Napatingin si Leann sa bagong dating, It's Kevin. Teka bakit niya sinabing 'baby girl'? Habang nakatingin  ito sa kaniya? "Tawag ka ni bro" aniya at binalingan ng tingin si Precious.

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon