Chapter XXXIV

651 21 0
                                    

HINDI parin umalis si Leann sa pagkakakulobg ng kwarto. Wala siyang balak na lumabas ng silid at makita ang totoo niyang mga magulang. Hanggang ngayon hindi niya parin kayang harapin ang ama niya.

"Claire" tawag sa kaniya ng mama niya at pumasok ng kwarto.

"Bakit ho kayo nandito? Gusto ko po munang mapag-isa"

"Claire, anak. Ilang araw ka ng nagkukulong dito. Alam ko nabigla ka sa mga nalaman mo pero please anak, kausapin mo kami ng daddy mo." Napatitig siya sa sinabi ng mama niya. "Simula ng dumating sa bahay. Parang wala ring nangyari...Ang tagal naming nangulila sa'yo, Claire.. Ang tagal ka naming hinanap... Masaya kami ng daddy mo kasi kasama kana namin pero hindi kami tuluyang sasaya kapag hindi mo kami kinausap... Alam kong galit ka samin pero Pease, intindihan mo rin ang nagawa ng daddy mo, hindi niya 'yun ginusto"

"Naiintindihan ko naman po, hindi ko lang talaga matanggap na kayo 'yung rason kung bakit namatay ang magulang ko na nagpalaki sa'kin. Pinalabas niyo pa na aksidente ang nangyari kahit hindi naman"

"G-gusto mo bang magbayad ang daddy mo?" Bakas sa boses ng ina niya ang pag-aalala.

"Hindi naman po sa ganun" sagot niya kaya napangiti ang ginang. "Hindi ko rin kasi matanggap na kayang gawin nina mama 'yun... Mabait silang tao"

Bakit kasi nagawa nina nanay na ilayo siya sa tunay nitong mga magulang? Hanggang ngayon hindi niya parin maintindihan ang nangyari.

"Oo alam ko mabait silang tao. Pinalaki ka nila ng maayos, inalagaan ng mabuti kahit alam nilang hindi ka nila tunay na anak... Pero kahit ganun, hindi parin tama ang ginawa nilang ilayo ka sa'min."

"Hindi ko parin matanggap. Ang hirap po sobra" aniya at hindi na napigilabg maluha. "Masaya ho ako kasi nalaman kong dalawa ang magulang ko pero mas masaya kung hindi humantong dito... Mas masaya sana kung hindi namatay sina nanay at tatay"

Yumakap sa kaniya ang mama niya. "Shh. Alam kong nahihirapan ka, isipin mo nalang na ang daddy mo ang mapapahamak kapag hindi niya nilabanan ang mga magulang mo... Hindi niya ginusto 'yung nangyari, pero nagawa niya dahil kung hindi baka siya 'yung mapahamak. Matatanggap mo ba kapag ang totoo mong daddy ang nawala?"

Umiling siya. "A-ayoko rin po"

"Hindi masamang tao ang daddy mo, Claire. Umabot lang talaga sa puntong 'yun kaya niya 'yun nagawa..."

Hindi na siya makasagot sa mama niya. Hindi niya na alam ang sasabihin... Gusto niyang tanggapin ang mga nangyari pero masakit parin. "May kakilala ako na makapagsasabi sa'yo ng lahat para malaman mo kung anong ginawa ng kinalakihan mong mga magulang"

"S-sino po?"

"Ang ate mo"

"S-si Ate?" Naalala ni Leann na alam nga pala ng Ate niya ang tungkol sa kaniya. "Pero wala po siya ngayon sa pilipinas, nasa japan ho siya"

"Nah. She's here" aniya at nabigla ng iniluwal ng pintuan ang ate niya— what the hell?! Nakauwi na ito ng bansa?

Dali dali siyang tumakbo at niyakap ng mahigpit ang ate niya. "I miss you, Ate"

"I miss you too, Leann" sagot nito at bumaklas ng yakap.

"Osiya maiwan ko na muna kayo. Bea, ikaw ng bahala kay Claire, ok?" Sabi ng mama niya kaya naman dali daling tumango ang ate niya.

"Kamusta kana?" Tanong ng ate niy ng makalabas ang ina.

Ngumiti siya. "Medyo hindi lang ok, Ate"

"Narinig kong nalaman mo na ang tungkol sa'yo"

Hindi mapigilan ni Leann na malugkot ulit, isa rin kasi ang ate niya sa mga nagtago ng totoong nangyari. "Bakit hindi mo kaagad sinabi ate?"

"Kasi ayaw nina mama. Tinurin ka nilang tunay na anak kaya naman ayaw nilang ipaalam sa'yo na ampon ka lang nun"

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon