ILANG oras din ang trabaho ni Leann sa bar. Pabagsak itong umupo ng upuan niya. Shocks! Kakapagod! Halos anim na oras itong nakatayo at nag sesserve ng maiinom ng mga customers.
Napatingin siya sa orasan niya. 11:40pm. Malapit na siyang makauwi,
"Leann"
Nag-angat siya ng tingin at nakitang si Josh ang tumawag sa kaniya.
"Bakit?"
"Uuwi kana diba?"
"Hmm oo. Bakit?"
Habang hinihintay niya ang sagot ng binata, halatang nahihiya ito sa kaniyang sasabihin. Ano bang sasabihin nito? "Ano 'yun, Josh?"
"Amm— sabay na tayong umuwi"
Pareho sila ni Josh na umuuwi pagkarating ng 12:00 kaya naman inaaya siya nito. Pero ai Beth naman ay nakaextend pa hanggang mamayang madaling araw.
"Sa Zamora's subdivision ka nakatira diba?" Napatingin siya sa sinabi ni Josh. Paano niya nalaman na dun siya nakatira.
"Oo. Papano mo nalaman?"
"Sabi kasi ni 'Mama Pearl na sabay na tayo araw araw sa pag-uwi. Lalo na't pareho lang tayo ng uuwian. Tsaka para makasure siya na walang mangyayaring masaya sayo dahil kasama moko"
Napatango siya sa sinabi ni Josh. Mabuti na ngang meron siyang kasama sa pag-uwi, masyado na kasing late.
"O kayong dalawa mag-ayos na kayo para makauwi na kayo, Ikaw Leann sumabay kana kay Josh, delikado sa daan" ani 'Mama Pearl sa mga ito.
"Opo" ani Leann.
Nag-ayos na siya ng sarili at inayos ang gamit at sabay silang dalawa ni Josh na lumabas ng bar. 24 hours kasing bukas 'yun kaya naman marami paring customers ang nasa loob.
Hindi naman siya naramdam ng antok sa loob ng bar dahil sa malilikot na ilaw dun at laging may tugtugan.
"Teka papara lang ako nang taxi ha?" Ani Josh sa kaniya at iniwan siya sa harapan ng bar. Hindi siya nagdalawang isip na makisabay sa binata dahil alam niya namang mabuti ito. Pareho nga silang dalawa na working student eh, kaso mag-kaiba sila ng school na pinapasukan.
Naghihintay si Leann sa harapan ng school habang nakatingin kay Josh na naghahanap ng taxi ng biglang—
"Lena"
What the hell? B-bakit siya nandito? Napatitig siya sa lalaking nasa harapan nito. "Kevin?"
"Yeah. Tara na" aniya saka hinawakan siya sa may pulsuhan.
Nagpumiglas siya at hinarap ang binata. "Teka! Bakit moko hinahawakan? Tsaka, anong tara? May kasabay akong uuwi!" Aniya kay Kevin.
"Sakin ka sasabay sa ayaw mo at sa hindi" aniya dito at sapilitan siyang pinasakay sa nakaparada nitong mustang.
Walang nagawa si Leann at napasakay nalang siya sa kotse ng binata. "Ano ka ba?! Bakit moko pinapasok dito sa kotse mo ha? May kasabay ako!"
Hindi parin makapaniwala si Leann sa ginawa ni Kevin. Bigla nalang siyang nagpakita sa harapn ng bar at hahatakin siya niyo?
"Shut up, woman" seryosong sabi ni Kevin sa kaniya at inumpisahan nang ipatakbo ang sasayan nito. Wala ng nagawa si Leann kung hindi makalabi habang nakasakay sa kotse ng binata. Ahhh! Tang'na ng lalaki 'to! Bakit ba kasi siya bigla biglang manghahatak?
Ano nalang ang sasabihin ni Josh sa kaniya bukas? Hell! Kakahiya naiwan 'yung tao dun!
"Hindi nakakatuwa ang ginawa mo, Kevin" seryosong sabi ni Leann sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]
RandomUW SERIES #2: KEVIN PERALTA BTS Park Jimin as Kevin Dale Peralta G-FRIEND Hwang Eunbi as Leanna Agustin A casanova said, "They don't fucking deserve to be respected. Every woman is a trash." He's totally perfect kind of a man but one thing is surely...