MASAYA si Kevin dahil sa nangyare kahapon. Buti nalang at naka pag-tapat na siya kay Leann. Hindi nya 'yun magagawa kung hindi siya tinulungan ni Beatrix.
Seryoso siya sa panliligaw sa dalaga, gagawin niya ang lahat para mahalin din siya nito.
"Saya mo 'yata?" Napalingon siya sa nagsalita.
Si Xavier. Naglakad ito patungo sa kaniya habang nakapamulsa. "Nalaman ko kasi na may gusto rin sa'kin si Leann. Fuck"
"Hm. Mabuti naman kung ganon. Sana hindi siya kamukha ng ex mo"
Seryoso siyang tumingin sa pinsan. "Cuz, may mabigat na rason si Beatrix kaya niya nagawa 'yun. Hindi pera ang habol niya at mas lalong hindi ganun si Leann."
"Oh I see. Tanggap na ba nung ex mo na hiwalay na kayo?"
"Actually, mahal parin niya 'ko. Pero mas pinili niyang tulungan ako kay Leann, siya ang rason kung bakit ako nakapag-tapat"
"Siguradong masakit para sa babae 'yun." Ani Xavier na para bang naapektuhan sa sinabi ni Kevin.
"Mukhang relate ka yata, Cuz?"
"Hm. Sa lagay namin ni Margo ngayon, Oo."
"Bakit naman?"
"Alam kong si Zrel ang mahal niya." Natutok si Kevin sa sinasabi ng pinsan niya. Alam ni Kevin kung gaano kahirap ang nangyayari kina Margo-Xavier-Zrel at Precious.
"Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko na nasasaktan siya dahil sa pagsasama nina Zrel at Precious sa iisang bahay"
Pereho sila. Si Margo ay na-aarrange marriage sa kaniya at ganun din si Precious kay Zrel. Diba ang hirap?
"Alam kona malabong mag-kagusto sa'kin si Margo, kaya hanggang ngayon ginagawa ko lahat ng makakaya ko para hindi siya matali sa'kin"
Mabuting fiancé si Xavier. Kahit na mahal niya si Margo, ayaw niyang pilitin ang dalaga na maipakasal sa kaniya.
Dahil alam niya sa bandang huli ay pareho lang silang masasaktan.
"Paano 'yun kung si Margo at si Zrel talaga ang magkakatuluyan? Alam kong pareho kayong sasaktan ni Precious"
Nakunot-noo si Xavier sa sinabi niya. "Masasaktan si Precious? Bakit naman? Ang alam ko ay hindi niya gusto si Zrel"
"Mali ka, cuz. Nararamdaman kong may namamagitan sa kanila.. Pati nga si bro ay nag-iba. Alam ko si Zrel, hindi siya magiging ganun sa babae kung hindi 'yun espesyal sa kaniya... At dahil dun, nakikita ko ring may pagtingin na si Lil'sis kay bro"
"Seryoso ka ba dyan?"
Tumango siya. "Oo. Pero ang hirap ng love story nila, takte! Sino kaya ang mag-kakatuluyan sa inyong apat. Ha? Buti nalang ay labas ako dyan. Tsk"
Si Xavier ay fiance niya si Margo at mahal niya ito habang si Margo naman ay mahal si Zrel pero si Zrel ay parang may-pagtingin na kay Precious.
Diba ang complicated?
Tae kasi ni bro eh. Dapat linawin niya na ang feelings niya, kailangan niyang mamili sa dalawa.. Ang girlfriend ba nito na si Margo o ang asawa niyang si Precious?
Hayst bahala sila. Ang gulo nila. Nakakaawa tuloy si cuz... Mahal niya si Margo pero sila parin ni Zrel kahit na sa kasal na ito kay Precious at fiance niya siya.
Hindi niyo gets? Well magegets niyo 'yan kapag binasa niyo ang story ni bro. Ang hirap explain eh.
"Osya puntahan ko na muna si Leann. Baka ahasin siya nung Andrius eh, alis nako cuz!"
BINABASA MO ANG
Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]
RandomUW SERIES #2: KEVIN PERALTA BTS Park Jimin as Kevin Dale Peralta G-FRIEND Hwang Eunbi as Leanna Agustin A casanova said, "They don't fucking deserve to be respected. Every woman is a trash." He's totally perfect kind of a man but one thing is surely...