Chapter XXVIII

645 19 0
                                    

MAAGANG pumasok si Leann sa klase. Naalala kasi nitong may assignment pa pala siyang hindi nagawa. Kailangan niya 'yung masagot bago ang pagpasok ng teacher nila.

Nang makarating siya ng room ay inilapag niya bag at umupo sa upuan niya. "Leann" tawag sa kaniya kaya nag-angat ito ng tingin.

Ngayon niya lang napansin na nandito na pala si Andrius. Ang aga yata nito masyado ngayon? Sila palang dalawa sa loob ng room. "Hmm. Hi Andri" bati niya sa binata.

Umupo ito sa harapan niya habang siya naman ay tinutuloy na ang ginagawang assignment. "Ow hindi ka pa tapos diyan?" Tanong sa kaniya ng binata ng makitang gagawin palang niya ito.

"Hindi pa eh"

"Eh bakit naman? Kilala kita Leann alan kong uunahin mong gawin ang assignments mo kesa sa ibang bagay, anong nangyari at hindi mo 'yan nagawa sa bahay?"

Napatitig siya kay Andrius, kilalang-kilal na talaga siya nito. Huminga siya ng malalim at sinagit ang binata. "Nakatulog kasi ako kaagad kagabi"

Lie. Lie. Lie. Lie.

Halos hindi nga siya makatulog kagabi. Alam niyang hindi maganda ang mag-sinungaling pero ano nalang ang sasabihin ni Andrius kapag nalaman niya itong nadidioras na ng uwi dahil nagtatrabaho siya sa bar?

"Ahh ganun ba" sabi ng binata at tumikhim. "Amm, Leann. Pwede ba kitang maaya?" Tanong nito habang ginagawa na ng dalawa ang assignment niya.

"Saan naman?"

"Date" sagot ni Andrius kaya naman nag-angat ng tingin si Leann sa kaniya. "Amm please, Leann? Kung inisip mong panliligaw 'to hindi. Amm friendly date?" Alanganin niyang sabi.

Nag-isip si Leann sa sinabi ng binata. Friday ngayon at day-off nya bukas. "Hmm sige. Tomorrow morning?" Sabi nito sa kaibigan.

"Yess!! Salamat, Leann!"

"No prob. Saan ba nun tayo pupunta?"

"Hmm secret"

"Psh pa-secret secret ka pa!"

NAYUKOM ni Kevin ang kamao niya ng makitang ng uusap nanaman sina Leann at Andrius. Kakapasok niya lang ng silid pero ito agad ang napansin niya.

Lalo siyang nagalit ng marinig ang pinag-uusapan nila, inaaya siya ng lalaki na mag-date? Fucking fuck?

Hindi niya hahayaan na matuloy 'yun.

Pagtapos ng ilang minuto ay natapos na ang maghapon na klase at tumungo na si Kevin sa bar para makita si Leann. Hanggang ngayon iniisip parin neto ang usap nilang dalawa ni Andrius.

Papano niya kaya mapipigilan ang dalawa?

Habang nag-iisip ay bigla niyang nakita si Leann na nagsesrve ng orders, hindi niya mapigilang sundan ng tingin ang dalaga. Lagi niya itong bantay habang nagtatrabaho siya sa bar, hindi niya hahayaang bastusin siya ng lalaki sa loob.

Ilang araw nalang at makikilala na niya ang sarili. Ilang araw nalang ay malalaman na niya ang totoo niyang pag-katao. Katulad ng sinabi ng Tito niyang si Leandro ay talagang binantayan niya si Leann.

Gustong gusto niyang alisin si Leann sa trabahong 'yun kaso mukha namang hindi papayag ang babae kaya naman hinayaan niya nalabg ito. Hindi na din naman matagal, aayos na ang buhay niya.

"Yow, Bud" biglang sulpot ni Trevor sa tabi niya. "Kanina ka pa nakatitig dun sa babae ah. Why don't you pull her and send her to your place?"

Matalim ang titig ang sinalubong niya sa kaibigan. "Fuck you, hindi siya katulad ng mga babaeng nakakama ko" aniya sa kaibigan kaya napatango ito. "She's different, hindi ko siya kayang itrato tulad ng pagtrato ko sa ibang babae"

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon