Chapter XLI

641 14 0
                                    

PAGTAPOS ng klase ay napagdesisyunan ni Leann na puntahin si Beatrix sa condo nito. Buti nalang at nag-stay muna dito sa pilipinas ang ate niya.

Si Kevin ang naghatid sa kaniya sa condominium. At heto nandito na siya sa harapan ng tirahan ni Beatrix.

Pinindot niya ang door bell sa gilid dahilan para pagbuksan siya nito ng pinto. Napangiti siya ng makita ate niya. "Pwede ba akong tumuloy ate?"

Ngumiti ng malapad ang kapatid niya. "Oo naman. Halika pasok"

Tumungo sila sa salas ng bahay. Malaki ito at sobrang aliwalas ng kabuuan. "Ang ganda netong condo mo ate."

"Hindi naman. Mas maganda parin 'yung mansion niyo kesa dito no" sagot ni Beatrix at kaunting natawa.

"Hm. Ate"

Humarap sa kaniya ang kapatid. "Bakit Leann?"

"Masaya ka ba dahil tinulungan mo si Kevin na magtapat sa'kin? Alam kong mahal po parin siya, Ate... Ayaw kitang makitang nasasaktan"

Ngumiti lang si Beatrix. "Syempre naman masaya ako. Mas ok narin 'yun kesa naman pilitin ko si Kevin na mahalin ulit ako... Kasalanan ko naman kung bakit kami naghiwalay eh"

"Sigurado ka ate? Ayokong masaktan ka. Sorry ate kasi si Kevin pa ang nagustuhan ko."

Umiling si Beatrix. "Nah. You don't have to say sorry, hindi mo naman alam na ex ko 'yun. Tsaka wag kang mag-alala, madali lang namang mag-move on"

"Eh pero, ang hirap kasi. Gusto ko si Kevin pero ayokong makita ka na nahihirapan. Ang dami ko ng nagawang masakit sa'yo, ayoko ng dagdagan pa 'yun."

"Look, Leann. Hindi ako galit sa'yo at lalo na kay Kevin. Kasalanan ko ang nangyari kaya nag hiwalay kami. Oo bumalik ako sa pinas habang umaasa na magkakaayos kami kaso nalaman kong mahal ka na niya... Kung iisipin, wala akong rason para magalit sa'yo o sa kaniya. Iniwan ko siya ng walang paalam. Napariwara siya ng mahabang panahon—

"At ngayon, nagpapasalamat ako dahil nakilala ka niya, nagawa mo siyang patinuin. Masaya ako Leann dahil ikaw ang nagustuhan ni Kevin... Sure ako na hindi mo siya iiwan katulad ng ginawa ko. Huwag kang mag-alala, hindi makitid ang utak ko para magalit sa inyo eh ako naman talaga ang may kasalan. Mahal ko kayong dalawa ni Kevin... At gusto kong sumaya kayo."

Hindi na napigilan ni Leann na maluha sa sinabi ng ate niya. "Maraming salamat, Ate."

Yinakap siya nito. "Shh, don't cry. Wag kang mag-alala, hindi naman ako masyadong nasaktan sa nangyari. Masaya ako para sa inyong dalawa. Alam kong napamahal kana rin kay Kevin..."

Bumaklas si Leann sa pagkakayakap at hinarap siya nito. "Papaano mo nasabing napamahal nako sa kaniya, ate?"

Oo iba ang nararamdaman ni Leann kay Kevin...  Pero ang buong akala niya ay simpiling 'gusto' lang ang nararamdama nito.

"I know you very well, Leann. You're my sister, halos 18 years na tayong magkasama... Alam ko na napapamahal kana kay Kevin."

"Ako ang pinaka masayang tao kapag kayo ang nagkatuluyan" dagdag pa nito.

"Really?"

Tumango ang kapatid niya. "Oo naman. Deserve niyo ang isa't isa, Leann. Sobrang bait at caring ni Kevin once na mainlove siya sa isang babae."

Nanatiling nakatutok si Leann sa sinasabi ng ate niya.

"Nakilala mo siya bilang bastos pero swear to God, Leann. Sobrang gentelman ni Kevin, malaki ang respeto niya sa mga babae.. Tumagal nga kami ng almost 2 years pero walang nangyari."

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon