Chapter XXV

695 20 1
                                    

PAGTAPOS ng ilang minuto ay bumalik si Leann sa sala para tawagin si Kevin kaso natigilan ito ng makitang mahimbing ang tulog ng binata sa sofa. Nakaya nyang matulog habang nakasandal sa sofa? ganun ba siya kapagod para makayulog dun?

Naglakad siya papalapit sa lalaki at tinapik ang balikat nito. "Wake up, Kevin. Nakahanda na ang hapunan"

Kaagad namang gumising si Kevin at napahilamos ng mukha. "Shit. Nakatulog ako?"

"Oo ang tagal nga eh" biro niya sa lalaki at naglakad na papuntang kusina ng bahay. Hindi ganun kalakihan ang bahay kaya naman madaling makita kung nasaan ang kusina.

Ramdam niyang sumunod ang lalaki sa kaniya. "Kain na tayo" sabi niya rito at umupo na sa isang upuan.

Kaagad namang sumunod si Kevin dito. Isang maliit na lamesa, habang kaharap ang binatang laging nangingielam sa kaniya. Awkward.

"Mag-isa mong nakatira rito?" Tanong ni Kevin sa kaniya.

"Oo"

Inumpisahan niya ng galawin ang niluto niya. "Fuck. You cooked all of this?" Gulat na sabi ng binata habang nakatingin sa ulam.

Tumango lang siya dito at inumpisahan ng kumain. Gusto niya rin kasing magpasalanat sa lalaki dahil binilhan niya ito nang grocery.

"Yan lang kasi ang hiningi mong kapalit. Kaya ayan, nilutuan kita ng marami para naman bumawi sa pera mong nagastos" aniya sa lalaki.

Napatingin lang sa kaniya si Kevin at excited na matikamn ang niluto ng dalaga para sa kaniya. "Wow. Ang sarap!" parang bata na sabi ni Kevin habang patuloy parin ang pagkain.

Napangiti naman si Leann ng makitang naeenjoy ng binata ang niluto niya sa kaniya. Wala siyang pinalagpas na ulam, lahat ng niluto niya ay sinubukan nito.

"I like this omelette" aniya sabay kain sa omelette niyang niluto. "And also this torta! Ang sarap!" Napangiti siya sa sinabi ng binata habang patuloy parin sa pag-subo.

"Tsk. Dahan dahan ka nga" awat niya sa binata dahil masyado itong excited sa pagkain.

"What do you call this soup? Vegy with thin noodles? What's this?"

Napatawa siya dahil sa sinabi ni Kevin. Ugh! Bakit ba ang cute nito? Para kasi siyang bata kung magtanong. Sa bagay, baka first time niya itong matikman.

"Hindi 'thin noodles' ang tawag dyan kundi 'misua'" aniya sa binata kaya naman napatango siya. "Simpling sabaw lang naman 'yan tapos nilagyan ko ng patola, nagustuhan mo ba?"tanong niya sa binata at lalong napangiti ng tumango ito.

"Ano naman 'tong bulaklak nato? Manok ba 'to? Laso kasing manok ih"

Napailing siya kay Kevin. "Nope, hindi 'yan manok. Pero tama ka kasi isa 'yang bulaklak, Cauliflower 'yan tapos di-neep ko sa egg at pinrito" explain niya sa lalaki.

"Wooaa!! Astig! Ang sarap nito" sabi pa niya habang patuloy parin sa pag-kain.

Nakangiti siya habang pinagmamasdan si Kevin sa harapan niya. Daing niya pa ang first time na makatikim ng pagkain. Super jolly nitong tignan habang kumakain at nagtatanong ng kung ano ano.

"Eto naman, anong tawag dito? Tofu with vegy?" Ani Kevin habang nakaturo sa isa pang ulam. Napailing nasiya rito. Mukhang hindi siya familiar sa mga niluto bg dalaga.

"Tofu with kakong tapos merong oyster sauce"

"Wooaa!! All of this are unfamiliar! Ang sarap!"

"Tsk. Hindi ka lang sanay, hindi kasi pang-mayaman ang ulam na 'yan eh"

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon