Chapter XXXIX

667 17 0
                                    

KAILANGAN niyang sabihin kaagad kay Andrius ang nararamdaman... Ayaw niya itong paasahin... Alam niya na masasaktan ang binata pero mas maganda naring malaman nito na wala talaga siyang pag-asa sa kaniya.

"Sorry, Andrius"

Ngumiti lang ang binata sa kaniya. "Nah. Hindi mo kailangang humingi ng sorry. Ginusto ko 'tong gawin, alam ko naman na wala talaga akong pag-asa sa'yo"

"Mabuti kang kaibigan, Andri. May balak talaga akong sagutin ka dati pero iba na ngayon... Sorry, hindi ko napigilan na mahulog kay Kevin"

"Okay lang, Leann. Basta ba wag kang sasaktan ng lalaking 'yun"

"Hindi ko nga alam kung totoo ba ang nararamdaman niya sa'kin. Knowing, Casanova 'yun. Baka pinag-lalaruan niya lang ako"

Napatingin si Leann ng makitang hinawakan ni Andrius ang kamay niya. "May kutob ako na seryoso si Kevin sa'yo. Laki kaya ng pag-babago niya simula nung mag-kalapit kayo"

"Sa tingin mo ganun?"

"Oo. Totoo ang sinasabi niya na gusto ka niya Leann. Hindi naman 'yun magagalit at magseselos kung hindi"

Napa-isip si Leann sa sinabi ni Andrius. Papano nalang kung pareho sila ni Kevin ng nararamdaman?

Sigurado siya na masasaktang ang Ate niya.

"Hm. Andri" tawag niya sa lalake. "Salamat nga pala dito sa effort mo ah"

"Anything for you, Leann" sagot ng binata at nginitian siya. "Kain na tayo?"

"Sure" nakangiti niyang sagot at inumpisahan ng kinain ang inihanda ni Andrius.

Pagtapos ng isang oras ay natapos na sila sa pagkain at pagkwekwentuhan. Si Andrius narin ang naghatid sa kaniya pauwi.

"Mabuti naman at nakilala mo na ang totoo mong mga magulang, Leann" ani Andrius.

Nasa harapan na sila ngayon ng bahay ng dalaga. Habang pauwi sila ng bahay kanina ay inkwento na niya sa binata ang nangyari.

"Kaya nga eh. Kahit na may nangyaring medyo hindi maganda, ang importante buo kami ngayon at masaya"

"Basta pakatatag ka Leann. Kahit na nabasted ako ulit, nandito parin ako para sa'yo" sabi ng binata at niyakap siya.

Tinugon niya ang yakap ng binata. "Salamat ng sobra, Andri"

"Salamat din sa'yo, Leann"

"Fuck?! Bakit kayakap mo si Lena!"

Napahiwalay sila sa pagkakayap ng marinig ang boses ni Kevin. Humarap siya sa binata dahilan para makita niya ang kasama nito—Ang ate niya.

"Bakit kayo magkayap?" Bakas sa boses nito ang pagka-inis.

"Nagpasalamat lang kasi siya"

Nagtatangis ang bagang ni Kevin at hinarap si Andrius. "Wag na wag mong yayakapin ulit si Lena kung hindi makakatikim kana ng suntok sakin"

"At bakit naman ako matatakot sa suntok mo? Tandaan mo Kevin, hindi pa sa'yo si Leann"

Napangisi si Kevin sa sinabi ni Andrius. "Fuck you, Andrius. Saakin si Lena!"

"Well. Fuck you too, Kevin. Hindi pa kayo ni Leann kaya wag kang umasta na parang sa'yo na siya"

Handa na si Kevin para suntukin ang lalaki ng umawat na siya sa gitna nila. "Magtigil nga kayo!!" Sigaw niya dalawa at binalingan ng tingin si Andrius. "Umuwi kana, Andri. Bukas nalang ulit tayo mag-usap"

Tumango ang binata sa kaniya. "Mauna nako, Leann. Goodnight" aniya at tuluyan ng umalis sakay ng kotse niya.

Mabuti nalang at madaling kausapin si Andrius. Humarap siya sa Ate niya at kay Kevin ng makaalis ang kaibigan.

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon