Chapter XXIV

633 19 0
                                    

NAPAKO si Leann sa kinatatayuan niya. Wala siyang lakas sa katawan para sagutin ang lalaki. Hindi niya lubos akalain na sasabihin ni Kevin 'yun sa kaniya.

Kapag narinig itong humalik, hahalikan siya ulit nito?

Tangina niya pala ehh!! Hindi pwedee!

Napabalik siya sa realidad ng umalis si Kevin sa harapan niya at kitang kinausap si Gael at pagtapos, kaagad din siyang bumalik sa harapan ng dalaga.

"Let's go" ani Kevin sa kaniya at hahatakin nanaman ulit sana siya ng mag-salita na ito.

"Bakit ba ang hilig mong manghatak ha?" Tanong niya sa binata kaya naman napatingil ito sa paghatak sa kaniya.

Hinawakan ulit siya ni Kevin sa pulsuhan. "Tara na, aalis na tayo" sabi pa nito.

Nagulat si Leann sa sinabi ni Kevin. "Ano? Anong aalis? Baka nakakalimutan mong may trabaho ako dito?" Aniya sa lalaki.

"Alam ko. Kinausap ko na si Gael at uuwi ka ng maaga ngayon"

Napatanga siya sa lalaki. Kinausap niya si Gael para makauwi siya ng maaga? Shit!

"Hindi pwede ano ba! May trabaho ako tas kailangan ko ng pera, hindi ako pwedeng umabsent!"

"Alam ko kaya tara na" aniya at tuluyan na siyang hinatak ni Kevin pasakay sa kotse nito. Tang'na talagaaa!! Bakit lagi nalang siyang pinapakielaman ng lalaki?!

"Damn you, Mr.Peralta! Hindi mo hawak ang buhay ko para pakielaman ako!!!" Sigaw niya sa lalaki ng sapilitan niya itong pinasakay sa kotse niya.

"Binilin ka sa'kin, kaya wag kang magreklamo dyan" sabi sa kaniya ni Kevin at pinaandar na ang sasakyan.

Kunot-noong tinignan ito ni Leann. "Ano? Binili? Sino naman?"

"Nothing"

Dahil sa sobrang inis, binato ni Leann sa kaniya ang suot nyang takong. Tumama 'yun sa braso niya kaya naman napahinto ito sa pag dadrive. "Bakit mo ko binatuhan?! Gusto mo bang maaksidente tayo ha!"

Pinaikutan niya lang ito ng mata. Kanina pa kasi siya banas na banas sa lalaki. "You deserve it. Amp! Kulang pa 'yan eh—" aniya at takang ibabato ang isa pang takong ng bigla na siyang pigilan ni Kevin.

"Subukan mong ihagis 'yan, hahalikan kita" seryosong sabi ng lalaki kaya naman napalunok siya. Ibinaba niya ang hawak na takong at humalukipkip sa upuan niya.

Damn him!!! I hate him urgh!!!

Gustong gusto ni Leann na murahin ang binata pero hindi niya magawa, ayaw kasi nitong mahalikan siya ulit. Ampp!! Nakakagigillll! Pinigilan niya ang sarili na hindi na patulan si Kevin hanggang sa huminto na ang sasakyan.

Napatingin siya sa labas nito. Napakunot-noo siya ng makitang wala sila sa subdivision. "Nasan tayo?" Tanong niya sa kasama.

"Let's go" sagot nito at lumabas ng sasakyan. Abat kelan pa naging sagot ang 'let's go' sa 'nasan tayo?'

Padabog itong lumabas ng sasakyan at tinignan kung nasan sila. Supermarket? Napatingin siya sa binata ng naglakad ito patungo sa loob. Sinenyasan niya itong sumunod kaya naman sinundan niya ito sa loob.

Hindi niya alintana ang damit na suot niya, hindi naman siya mukhang waitress sa suot, bagkus magandang tignan sa kaniya ang uniporme.

Mabilis niyang sinundan ang binata na kumuha ng cart at nagtungo sa diary products. Kumuha ito ng maraming canned goods at inilagay sa cart.

Tsk. Ano 'yun sinama siya nito para may makasama siyang mag grocery?

"Mahilig ka sa tsokolate?" Tanong ni Kevin habang busy itong naglalagay ng iba't ibang pagkain sa cart.

"Oo" tipid na sagot ni Leann.

Hanggang ngayon kasi nababanas parin siya sa lalaki. Kung maaari, ayaw niya muna itong makausap. Sinundan niya parin ang binata ng pumunta ito sa 'Sweet section'

Hindi niya alintana ang perang magagastos sa mga tsokolateng nilalagay niya sa cart. Ang dami kasi masyado nitong nilagay! Hindi ba siya mag kaka-diabetes sa dami ng kinuha niyang chocolates?

Pagtapos nitong malagay ang lahat ng gusto, pumunta naman ito sa 'Meet section'
Halos mapuno na niya ang cart sa sobrang dami nitong kinuha. The hell?

At hindi pa siya natapos, kumuha rin ito ng madaming prutas, gulay, tinapay at iba't ibang inumin. Napansin ni Leann na dinamihan ni Kevin ang pineapple can.

Paborito niya rin ba 'yun?

Pagtapos ng ilang minuto ay natapos na si Kevin sa pag-gogrocery. Halos dalawang malalaking cart ang napuno nito sa dami niyang nilagay! Ano 'yun isang taon niyang stock?

Matapos buhatin ng mga sales man ang binili ay sumakay na ulit sila sa kotse ng binata. Bahagya niyang hinilot ang binti na dahil sa sobrang tagal ng paglalakad nila sa loob.

"Feeling tired?"

"Ano sa palagay mo?" Masungit niyang sagot. Bakit naman kasi sinama pa niya ito sa pag gogrocery niya? Tsk!

Naging tahimik ang byahe nila ni Kevin hangang sa makarating sila sa subdivision. Dali daling lumabas sa kotse nito ang dalaga, wala na siyang balak magpaalam pa sa lalaki, kanina pa niya pa gustong malayo sa binata.

Binuksan niya ang pinto at pumasok ng bahay. Akmang isasarado niya na ito ng bigla syang pigilan ni Kevin. Gulat na gulat siya ng pumasok ang binata habang buhat ang apat na malalaking paper bag at nilapag 'yun sa sofa niya.

"Wait me, may natira pa" sabi ng binata at bumalik ulit sa sasakyan para kunin ang iba pang pinamili.

Hindi niya magawang makareact sa ginawa ni Kevin. Bakit nya pinasok ang mga pinamili sa loob ng bahay niya?

Nang matapos ang binata ay casual siyang umupo sa sofa niya at iniangat pa ang paa nito sa may lamesa. Seryoso? "T-teka bakit mo pinasok 'yung pinamili mo sa bahay ko?"

Nakapikit lang ito at nakaupo parin sa sofa. "Sayo 'yang mga yan, pasalamat ka at pinang-grocery kita" aniya kaya naman gulat na gulay siya.

Para sa kanila lahat ng binili nito kanina? Seryoso??

"P-pero bakit mo naman 'yun ginawa? Halos singkwenta-mil ang binayad mo sa dami ng binili mo! Wala akong pambayad sa'yo"

"Tsk. Don't worry, hindi ko naman pinapabayad sayo ang ginastos ko. Just let me rest here for awhile."

Napatitig siya sa binata. Binili niya ang mga 'yun para sa kaniya? What the hell? Napatingin siya sa mga binili nito, halos mapuno ang sofa niya!!

Hinayaan niya si Kevin na mag-pahinga sa sala niya. Hindi niya magawang magalit sa lalaki dahil binilhan niya ito ng maraming stock. "Pakainin moko ngayong gabi bilang kabayaran sa pinamili ko sa'yo" sabi ni Kevin sa kaniya.

Napasinghap siya ng malalim. Seryoso talaga siya. Talagang gumastos siya ng halos singkwenta-mil tapos ang kapalit lang nun ay ipagluto siya ng hapunan?

Hindi na nakipag-argumento si Leann sa kaniya. Hinayaan niyang magpahinga sa sala ang lalaki habang siya naman ay busy sa pag ayos ng pinamili at nagluto na din ng hapunan nila.

Hayst. Napaisip siya kung anong pwedeng iluto sa binaya. Hmm.

Having a dinner with him is really awkward. Sana lang at maging maayos ang pagsasama nila mamaya sa pagkain. Ito ang first time niyang magpapasok ng lalaki sa loob ng bahay nila at sana lang din, hindi siya nag-kamali na pinapasok niya si Kevin sa bahay. Kung sa bagay, may tiwala naman siya sa binata kahit na manyak ito.

Maginoong manyak? Hmm. Weird.

×××××

Continue reading!💖
#withHim

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon