Naglalakad na ako ngayon papuntang arrival area dito sa airport. Nandito ako sa Manila ngayon kasi inimbitahan ako ni Kaylee kasi engagement party niya ngayon at gusto niya nandoon ako. Nagdadalawang isip pa nga ako pero sobrang tagal na ng pangyayaring yun at siguro naman okay na akong makita sila ulit. Hinahanap ko yung pinsan ko kasi siya yung susundo sa akin ngayon. Hindi naman ako nahirapan kasi nakita ko siya agad na kumakaway sa akin, kinawayan ko naman siya pabalik at lumapit na agad ako sa kanya.
"Hi cuz welcome back." Salubong ni Tyler sa akin sabay bigay ng isang mahigpit na yakap. Kinuha niya agad ang luggage ko at iginaya niya agad ako sa sasakyan niya.
"Tyler pwede ba tayong mag drive thru? Gutom na gutom na kasi ako eh." Sabi ko habang nagpapaawa effect sa pinsan ko.
"Hahaha pasalamat ka hindi kita matiis Yanyan sige na wag ka ng magpaawa effect hindi bagay sayo." Sabi niya sabay tawa ng malakas. Tss nakakainis talaga tong mokong na to. Tinignan ko ang oras sa relo ko at 4:26 am palang pala, may oras pa ako para makatulog kasi hapon pa naman ang party.
---
Nagising ako around 11 at nagmamadali na akong kumilos kasi malalate ako sa party. Nandito ako ngayon sa bahay namin dito sa Manila katabi lang naman ng bahay namin ang bahay nila Tyler. Naligo ako at nag ayos na agad dahil late na talaga ako panigurado. Nagsuot nalang ako ng ruffled wrap dress na pink na ngayon ko lang na realize na maikli pala siya pero keri lang naman at simpleng silver glitter low block heel sandals. Nagsuot na rin ako ng silver accessories at hinanda na ang chanel sling bag ko na white para sa mga dapat kong dalhin na gamit.
"Kaya mo to Marriane." Pagpapalakas ko ng loob ko habang nakaharap sa salamin. Bumaba na agad ako at pumunta na sa labas at nag abang na ako ng taxi para makapunta na sa bahay nila Kaylee kasi late na talaga ako, mabuti nalang hindi ko nakalimutan gift ko para sa kanila ni Migz. Nandito na ako sa harap ng gate nila at pinapasok naman ako ng kasambahay nila papunta sa loob ng bahay nila Kaylee.
"Riane long time no see mabuti nakapunta ka dito." Sinalubong ako ni Kaylee ng mahigpit na yakap, halos hindi na ako makahinga dahil sobrang higpit ng yakap niya. Hindi ko namalayan na nasa sala pala siya kasama ang parents nila ni Migz.
"Kaylee bitaw na di ako makahinga." Binitawan niya naman agad ako dahil sa sinabi ko. Nagmano naman ako sa parents ni Kaylee at ni Migz at niyakap naman ako ni Migz pagkatapos.
"Sorry Riane hehe namiss kasi talaga kita ang tagal na nating hindi nagkita eh. Labas na nga tayo nasa garden kasi sila." Sabi niya sabay hila sa akin. Ewan ko ba kung kaya ko na ba silang harapin dahil hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga pangyayaring ikinawasak ng puso ko.
"Hey Riane wala pa siya kung yan ang ikinakatakot mo kaya chill ka lang kasi namumutla ka." Sabi ni Migz kaya naman napatigil ako sa paglalakad at ganon na din si Kaylee.
"Ohhhh shooootttt nakalimutan ko. Bes sorry nakalimutan ko." Sabi ni Kaylee at nakikita ko naman ang pag aalala sa mga mata niya.
"I'm fine Kaylee don't worry. Okay lang naman past is past nga diba? Sige na tara na." Sabay hila ko sa kanya at ngumiti ako ng todo para naman hindi na siya mag alala kasi naman okay lang talaga. Kaya ko silang harapin, kaya ko siyang harapin kasi okay na ako. Tama okay na ako.
Nandito na kami sa garden at naririnig ko na ang tawanan nila na namiss ko din naman kahit ganun ang nangyari. Napaangat nalang ako ng tingin ng tumahimik sila bigla at nakita ko na nakatingin silang lahat sa akin. May nakangiti, nanlalaki mga mata,nakanganga, at may naiiyak pa. Halo halo kasi ang nakikita ko sa mga reaksyon nila ngayon habang nakatingin ng diretso sa akin. Nailang naman ako at binigyan nalang sila ng pilit na ngiti kasi hindi ko alam kung ano din ang irereact ko.
"Marriane." Napalingon ako sa likod at nakita ko siya, ang babaeng naging best friend ko kasama ang lalaking minahal ko. Sila na pala.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Enjoy reading :D
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.