Chapter 23

8 3 4
                                    

Cebu

"Malapit na palang mag sembreak, anong plano natin guys?" Tanong ni Trina.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch. 

"Pupunta kami ni Yanyan sa Cebu." Sabi ni Tyler.

Dapat nga ako lang ang uuwi sa Cebu kasi namiss ko rin yung mga kaibigan ko doon pero nalaman ni Tyler na uuwi ako sa Cebu kaya sinabihan niya si mom na sasama daw siya. 

"May plano nga rin akong sumama sa kanila eh, hindi pa nga lang ako nakakapagpaalam kaila mom." Sabi naman ni Liyah.

Yep may plano siyang sumama sa amin kasi hindi pa daw siya nakakapuntang Cebu. Plano pa ata nilang maging third wheel ako hahay. Ayain ko kaya si Benjie? Tss ano ba namang tanong yan.

"Ang daya, ba't kayo lang? Sama din ako oy, wala naman akong gagawin ngayon sembreak." Sabi naman ni Kaylee. 

"Sama nalang kaya tayong lahat?" Tanong naman ni Migz na sinang ayunan agad ng lahat.

"Wala ba kayong mga plano? Yung mga may plano na ay wag ng sumama, mainggit nalang kayo." Sabi naman ni Benjie. So may plano siyang sumama? Okay na siguro yan para hindi ako third wheel kaila pinsan.

"Sige sa Cebu tayo ngayon sembreak, hindi pa rin kasi ako nakakapunta doon." Sabi naman ni Cole.

"Nakapunta na ako sa Cebu pero ang tagal na din nun eh." Sabi naman ni Sienna.

"So final na guys? Cebu na talaga tayo ngayon sembreak?" Tanong naman sa kanila nila Trina.

Nakikinig lang ako at nag iisip ng mga dapat naming gawin at puntahan kasi obvious naman na ako ang magiging host nila.

"Okay lang ba sayong sumama kami?" Tanong ni Benjie na nakatingin na pala sa akin ngayon.

Sumubo muna ako ng ice cream bago ko siya binalingan ng tingin.

"Okay lang naman sa akin. Mas marami edi mas masaya, tsaka hindi na ako ma thithird wheel kaila Tyler if ever sasama si Liyah." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ka magiging third wheel kasi sasamahan naman kita. Balak ko nga sanang itanong sayo kung saan ka ngayong sembreak para sasama ako sayo." Sabi niya na kumakain ng mansanas.

"Wala ba kayong lakad ng family mo?" Tanong ko sa kanya at sumubo na naman ng ice cream.

"Wala eh, busy sila kaya sasamahan nalang kita. Baka masolo din kita kapag sasama ako sayo." Sabi niya at nakangisi na sa akin ngayon. Inirapan ko lang siya at sumubo nalang ulit ng ice cream.

Napansin ko naman na nakatitig lang siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

Nabigla nalang ako ng itinaas niya yung kamay niya patungo sa mukha ko at naramdaman ko nalang ang pagpunas niya ng ice cream sa may sulok ng labi ko.

"Ang kalat kumain." Sabi niya habang nagpupunas sa thumb niya at pinunasan niya ulit yung sulok ng labi ko.

"Hoy kayong dalawa, hindi naman kayo nakikinig eh." Pagalit na sabi ng pinsan ko.

"Nakikinig kami." Sabi ko at sumubo ulit ng ice cream. Sinigurado ko na ngayon na walang ice cream sa kahit saang parte ng mukha ko.

"Nakikinig daw eh bakit may pa hawak hawak ng labi?" Kahit kailan talaga si Tyler ang ingay.

"Ang dungis kumain ng pinsan mo kaya pinunasan ko lang. Sige na mag salita ka na ulit." Sabi naman ni Benjie at umirap lang ang pinsan ko. Isa pa tong bakla eh.

"So yun na nga, saan tayo mananatili? Sa bahay niyo o sa beach house niyo?" Tanong naman ni Tyler.

"Sa bahay nalang namin, pero dadalhin ko rin kayo doon, pwede tayo mag stay sa beach house ng one night." Sabi ko sa kanila at tinapos na ang ice cream ko.

"Excited na tuloy ako, first time natin to ah." Sabi naman ni Trins.

"Oo nga, sana payagan tayong lahat." Sabi naman ni Kaylee.

---

"Hindi talaga ako nananaginip ngayon noh? Aalis talaga tayo papuntang Cebu?" Hindi makapaniwalang sabi ni Liyah.

Start ng sembreak namin bukas. Pagkatapos ng klase ay umuwi kami agad para mag bihis at pumunta na kami sa airport. Mamayang 11 pm pa naman ang flight namin.

Sobrang aga namin dito airport, 8:36 pm nandito na kami lahat at tapos na rin kaming mag check in.

"Mag dinner muna tayo guys?" Aya ni Sienna at sumang ayon naman kami kasi wala na naman kaming gagawin kundi ang mag hintay.

"Saan mo kami balak dalhin Riane?" Tanong naman ni Cole ng makaupo kami sa table.

"Bukas ay pupunta tayo sa Cebu Ocean Park. Tapos next day ay sa Sirao tayo kasi alam kong mahilig sila Kaylee at Trina sa mga bulaklak. Maganda doon kasi nakakarelax. Tapos pupunta tayo sa Temple of Leah. Pag iisipan ko pa ang iba nating pupuntahan ngayon." Sabi ko sa kanila.

So far, two days pa lang yung napaghahandaan ko kasi tinatamad ako eh hahaha. Ngayon ko nalang gagawin since matagal pa naman flight namin. 

"Na eexcite ako kahit yun pa lang tatlo ang pupuntahan natin." Sabi naman ni Trina.

"Mag bebeach tayo Riane?" Tanong naman ni Migz.

"Syempre, baka sa last 3 days natin doon tayo sa beach house mag stay." Sabi ko sa kanila.

---

Naghihintay nalang kami sa flight namin, nagsesearch lang ako ng mga pwede naming puntahan.

"Coffee?" Tinanggap ko naman ang ice coffee na binigay niya sa akin at tumabi na siya sa akin pagkatapos kong tanggapin.

"Hindi ka ba inaantok?" Tanong niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Lalo akong hindi aantukin kasi binilhan mo ko ng coffee." Sabi ko sa kanya. Uminom ako ng coffee at tinignan ko siya na parang bata lang na nakasandal sa akin. 

Hinimas himas ko ang pisngi niya habang nag titingin pa rin ng mapupuntahan namin sa phone ko. Naramdaman ko naman ang braso niya na nakapulupot na sa tiyan ko, bale nakayakap na siya sa akin ngayon.

Aangal na sana ako pero nakita ko naman na nakapikit na siya kaya pinagpatuloy ko nalang ang paghihimas sa pisngi niya habang nagtitingin pa rin sa phone ko.

---

9:56 pm na at tulog pa rin tong katabi ko. Tapos na rin akon mag search kaya inubos ko nalang yung kape na binili niya.

Naramdaman ko naman na gumalaw si Benjie kaya tinignan ko siya na nag uunat na ngayon. Tinignan niya naman ako at ngumiti siya sa akin. Ang gwapo pa rin kahit bagong gising. Sana all!

"Sorry nakatulog ako." Sabi niya at bumalik sa pagkakayakap sa akin.

"Okay lang.Bitaw ka na nga, umaabuso ka na ah." Sabi ko at tinanggal na yung kamay niya na nakapulupot sa akin.

Ngumisi lang siya sa akin at umayos na siya ng upo.

Naghintay lang kami hanggang sa tinawag na ang flight namin.

"Cebu here we go." Excited na sabi ni Kaylee at napangiti nalang ako.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gly :D




A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon