Amusement Park
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kagigising ko lang. Matutulog sana ako ulit pero hindi na ako dinadapuan ng antok kaya naman bumangon nalang ako. Uminom ako ng tubig at pumunta na sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
Sabado ngayon kaya nandito lang ako sa bahay, wala sila mom at dad kaya sobrang tahimik ng bahay namin. Bumaba ako para mag almusal at nagpasyang umakyat ulit para magbasa ng libro. Bago ko kinuha libro ko na nasa side table ay kinuha ko muna ang cellphone ko at tinignan kung may importanteng text or notifications.
May mga notifications lang from my social medias pero wala namang importante. Tinignan ko naman ang mga gc namin baka kasi may biglaang meeting ng mga ka grupo ko para sa projects pero wala din naman. Ibaba ko na sana ang phone ko ng may nagtext.
From: Weirdo
Hi miss good morning :)
Text ng weirdo na alam niyo na kung sino, mag rereply sana ako pero wag na pala kasi nakakapagod mag type kaya pinabayaan ko nalang. Kinuha ko ang libro ko at pumunta na sa bean bag ko at umupo na doon.
Matatapos ko na ang binabasa ko ng may kumatok sa pinto ko kaya naman nairita ako kasi naman malapit na akong matapos eh. Sino naman kasing epal to? Tinignan ko ang orasan kung tanghali na ba baka kasi tinatawag na ako para mag lunch pero hindi pa naman. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang pinsan kong halatang bagong gising tss.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa bean bag ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro ko. Pumasok naman siya at umupo sa isa pang bean bag.
"Sama ka sa amin mamaya Yanyan." Sabi niya sa akin habang naglalakad na papunta sa kama ko.
"Ayoko." Sabi ko habang nagpapatuloy sa binabasa ko.
"Sa amusement park naman tayo pupunta kaya sige na sama ka na, masaya don." Sabi niya at nakita kong nakapikit na ang mga mata niya habang nakahiga sa kama ko.
"Kayo nalang, tinatamad akong gumala Tyler." Sabi ko sa kanya at sa wakas tapos ko na rin basahin ang libro. Kinuha ko ang laptop ko at planong gagawin nalang ang mga paper works na dapat ipasa next week. Mabuti ng advance kaysa nagkacram at late.
"Ang kj mo naman sige na sumama ka na. Aalis tayo ng 1 at susunduin kita dito. Kung ayaw mong pumuntang amusement park na nakapang bahay lang ako sayo mag ready ka na mamaya kasi isasama talaga kita bahala ng sapilitan." Sabi niya at tumayo na galing sa pagkakahiga sa kama ko, ngumisi naman ang loko at inirapan ko lang siya.
"Sasama ka o kakaladkarin kita? You choose cousin." Sabi niya at pinat pa ang ulo ko. Aso lang? Hinawi ko ang kamay niya at sinamaan siya ng titig pero tumawa lang siya.
"Kita nalang tayo mamaya, bye." Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko ng di man lang sinasarado pinto ko tss nakakainis.
"Ano pa bang choice ko? Bakit ba kasi isasama pa ako? Para namang hindi sila makakalakad ng wala ako." Sabi ko habang naglalakad papuntang pinto at bumaba na ako. Kumain na ako ng tanghalian para mamaya maliligo nalang ako at magbibihis kasi walang choice ang ate niyo.
Nakaupo ako sa study table habang gumagawa ng paperworks kasi 11: 52 palang naman ng mag ingay cellphone ko. Sinagot ko nalang agad yun at niloudspeaker para makapagpatuloy ako sa pagtatype.
"Hoy hello Riane!" Akala ko naman sino, si Kaylee lang pala. Mag iingay na naman to panigurado tss.
"Oh?" Sagot ko sa kanya habang binabasa ang gawa ko.
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.