Chapter 2

17 3 6
                                    

New

Ang bilis ng panahon kasi ngayon nandito na ako sa gate ng school nila Tyler na magiging school ko na rin. Kasama ko ngayon si Tyler para hindi ako maligaw kasi ang laki ng school, mabuti nalang talaga nandito pinsan ko. 

"Welcome to your new school Yanyan." Sabi niya habang naglalakad na kami papasok. Nagsmile lang ako sa kanya at inilibot ko na ang paningin ko sa kabuohan ng school. Habang naglalakad kami ay may bumabati kay Tyler at ngumingiti lang ang pinsan ko. Mukhang famous pa tong pinsan ko dito ah.

Hinatid ako ni Tyler sa may guidance office kasi kailangan ko daw muna pumunta doon. Winelcome naman agad ako ng guidance counselor nila na si Ms. Jean. May mga sinasabi lang naman siya sa amin ng mga kapwa ko bago din dito, hindi naman kami marami.  Maya-maya lang ay may mga  students na nakauniform na pumasok din. Sila na daw ang bahalang maghatid sa kanya kanyang room namin. 

"Hi ako nga pala si Athena, ako maghahatid sayo sa room mo." Pakilala nitong babaeng mataas sa akin. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman ito.

"Hi I'm Marriane." Sabi ko sa kanya at nginitian niya naman ako.

"Tara na sa room, kanina pa kasi nag bell." Sabi niya at sumunod naman ako sa kanya. Habang naglalakad kami ay may mga sinasabi siya about sa school at itinuturo niya ang mga dapat kong malaman katulad ng faculty, comfort room, multi-purpose area, property custodian, at ang canteen. 

"Nandito na tayo sa area ng Senior High. Dito ang mga grade 11 at tayo namang grade 12 ay sa may chapel tayo doon sa may open space. Halika na." Sabi niya sa akin. Hindi naman magkalayo ang room ng grade 11 at 12 kaya nakarating na kami sa room ko daw. 

"Ito na yung room mo, ang room ko naman ay itong katabi lang. Kung may mga tanong ka pwede mo akong puntahan dito sa kabilang room para masamahan kita or masagot ko tanong mo." Sabi niya sa akin. Nagthank you ako sa kanya at huminga ng malalim bago kumatok sa pinto. 

Natigilan naman yung teacher na adviser ko siguro. Lumapit siya sa akin at pinapasok niya naman ako. Nasa harapan na ako at nilibot ko ang paningin ko sa mga magiging kaklase ko. Nakita ko naman ang pinsan ko at nginitian niya ako.

"Okay class we have a new student here. Please introduce yourself." Sabi ni sir sa akin. Huminga naman ako ng malalim at inayos ang salamin ko bago nagsalita.

"I'm Marriane Celeste Alia." Maikling sabi ko.

"Yun lang? How about your age, hobby, or saan ka galing?" Curious na tanong ng adviser ko. Kailangan pa ba talaga nilang malaman  yun? 

"17 years old, I love reading, and I'm from Cebu." Sabi ko nalang kasi gusto ko ng maupo. Ayaw ko talaga ng mga attention eh kaya sobrang ikli lang ng sagot ko.

"Mukhang mahiyain ka iha, sige umupo ka na doon sa likod." Sabi ni sir at naglakad naman ako papuntang likod kung saan katabi ko ang bintana at isang babae. 

"Hi I'm Trina, umm Marriane right?" Tanong nong babaeng katabi ko pagkaupo ko sa upuan. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman yun. Baka kasi masabihan pa ako ng bastos kung hindi ko tatanggapin at ngingitian ko lang siya ng tipid.

"Yep." Sabi ko nalang at inayos na ang bag ko at nakinig na sa teacher ko. Hindi naman ako ganito dati, masiyahin naman ako, may mga kaibigan din naman pero dahil sa nangyari noon ay nagbago ako.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na sumusulyap si Trina sa akin. Gusto siguro nitong makipag-usap? Pero hindi talaga ako madaldal eh kaya hinayaan ko nalang siya. Mga rules lang naman ang diniscuss at mga dapat malaman namin. 

---

Nagbell na para lunch at tumayo na ako at inayos yung notebook ko na sinulat-sulatan ko kasi naboringan ako at hindi naman importante mga dinidiscuss kaya ayun. Lumapit naman ang pinsan ko sa akin at inakbayan ako.

"Tara lunch? Sama ka sa amin ng barkada ko." Sabi niya at nakita ko namang may apat na taong nakatayo na at nakatingin sa akin. Barkada niya na siguro itong mga to. Nagdadalawang-isip pa ako kasi mas gugustuhin kong mapag-isa pero bahala na nga.

"Tara Marriane sama ka na sa amin." Sabi nung Trina ata pangalan niya. Tumango nalang ako at sumabay na sa kanila

"Ba't ang tahimik mo ata? Ayaw mo bang sumabay sa amin? Hindi ka ba komportable?" Tanong ng pinsan ko habang nakasunod kami sa barkada niya. 

"Alam mo namang hindi ako madaldal at mas pipiliin kong mapag-isa pero okay lang naman Ty." Sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanya upang iparating na okay lang naman talaga. Sasama ako ngayon pero baka bukas tatanggi nalang ako kung aayain ako ulit. 

Habang naglalakad kami ay panay naman ang tingin ng mga studyante sa kanila, may mga nagbubulongan pa at may kinikilig din. So famous ang barkada nila? Dapat na talaga akong lumayo sa barkada nila kasi ayaw ko ng ganitong attention eh, nakakailang kasi. 

Nakarating na kami sa canteen at tapos ng umorder. Sinundan ko naman sila at nung umupo na sila ay umupo na rin ako. Tahimik lang ako habang kumakain ng may dumating na tatlong tao na barkada pa rin siguro nila. Bakit ang dami naman nila?

"Sabi ko naman sayo Migz nauna na sila." Sabi nung babaeng nakaponytail na maganda. Nilibot niya ang paningin niya at napansin niya ako. 

"Hi! I'm Kaylee and you are?" Tanong niya habang ang lawak ng ngiti niya.

"Marriane" Sabi ko at nginitian siya ng tipid.

"Btw guys pinsan ko pala si Marriane. Ito naman ang barkada ko Yanyan." Sabi naman ni Tyler sa akin. "Ito si Kaylee." Turo niya doon sa babaeng maganda na nakaponytail na kakasabi lang ng pangalan sa akin. "Ito naman si Migz." Turo niya sa lalaking parang amerikano, hmmm half siguro. Nginitian naman ako ng Migz. "Si Sienna." Turo niya sa babaeng maikli ang buhok at may pagkamaldita ang mukha. "Si Cole." sa lalaking singkit at sobrang puti. "Si Trina na seatmate mo, kilala mo na siguro siya." Sabi niya at nginitian naman ako ni Trina na tinugunan ko lang din ng ngiti. Maganda siya, mahaba ang buhok niya at morena. "Ito naman si Liyah na nililigawan ko pinsan heheh ang ganda niya noh?" Hinampas naman siya ni Liyah at ngumiti sa akin. Maganda din siya at kulot ang buhok niya pero hindi magulo, basta maganda siya. "At ang lalaki namang ito ay si Benjie, pero wag mo nalang tong lapitan kasi baka mapabilang ka pa sa collection niya ng mga babae. Mahirap na baka mapatay ko pa to kapag nagkataong isali ka." Sabi ni Tyler habang nakaturo sa lalaking nasa harapan niya.

Tinignan ko naman ang lalaki at nakatingin siya sa akin, tinitigan ko naman siya pabalik kasi wala lang trip ko lang. Gwapo siya actually pero halatang play boy naman siya. Nag smirk siya sa akin, umiwas naman ako ng tingin sa kanya at nagkibit balikat nalang. Wag kang mag-alala Ty, last ko na tong sama sa inyo ng barkada mo.

"Tahimik ka ba talaga?" Tanong ni Cole sa akin.

"Oo" Sabi ko at tinignan siya, binalik ko agad yung attention ko sa pagkain ko at tinapos na agad ito.

"Grabe ang tipid ng pinsan mong sumagot hahaha pero hindi ko inakala may maganda kang pinsan na nerd?" Sabi nong Cole kay Tyler. Nerd? Tss porke't naka glasses nerd agad?

"Hahaha bago pa kasi kaya hayaan mo muna." Sabi naman ni Tyler kay Cole.

"Mahiyain ka siguro noh?" Sabi ni Trina.

"Hindi naman, hindi lang talaga ako palasalita kaya pasensya na sa inyo." Sabi ko sa kanya at nginitian ko lang sila ng tipid.

Nakita ko naman si Benjie na nakatitig sa akin habang umiinom sa juice niya. Problema ba nitong lalaking ito?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ewan ko kung nakabawi ba ako pero sana nakabawi ako kahit maliit lang. Sa mga nagbabasa po na appreciate ko po kayo.

Gly :D

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon