Terrace
Nandito na kami ngayon sa sala at plano naming manuod ng movie. Nakaupo lang ako sa sofa habang namimili sila ng panunuorin.
"Popcorn?" Abot sa akin ni Benjie ng isang bowl ng popcorn.
"Thank you." Sabi ko at inilagay na sa kandungan ko ang bowl na may popcorn.
Akala ko tatabi si Benjie pero tumabi siya kay Trina kaya ang tumabi sa akin ay si Kaylee.
"Pahingi ako niyan." Sabi niya habang nakanguso sa popcorn kaya inilahad ko sa kanya.
Tinignan ko ulit si Benj and Trina na kumakain na ngayon ng chips habang nakatingin sa phone ni Trina. Iniwas ko nalang ang tingin ko at hindi ko namalayan na napabuntong hininga na pala ako.
"Laki ata ng problema mo ah?" Tanong ni Kaylee habang ngumunguya ng popcorn.
"Hindi naman, naiinip na ako kasi ang tagal pumili ng dalawang yan." Sabi ko habang nakanguso kay Tyler at Migz.
"Ito nalang kasi Ty, ang pangit niyan eh." Angal ni Migz.
"Kung makapangit ka, mas pangit yang pinili mo." Sabi naman ng pinsan ko.
Kanina pa sila diyan eh, mauubos nalang ni Kaylee ang popcorn hindi pa rin sila tapos.
"Ang iingay niyo, ito nalang ang panuorin natin." Sabi ni Sienna at siya na nga ang pumili kaya wala ng nagawa ang dalawang nagbabangayan.
Nagsisimula na ang movie at nagkanya kanyang pwesto na sila kaya umayos na rin ako ng upo. Napansin ko naman si Benjie na papalakad sa pwesto ko pero hindi ko siya nilingon.
Umupo siya sa lapag, bale nasa harapan ko siya ngayon. Napatingin naman ako sa kanya ng mapansin ko na nakatitig siya sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit mo ibinigay popcorn mo? Ako pa naman naghanda ng popcorn mo." Parang bata na reklamo niya, kinuha ko naman sa kandungan ni Kaylee ang popcorn at inilagay ko sa kandungan ko.
"Oh eto na po sir." Sabi ko at sumubo pa ng popcorn.
"Pasubo naman Riane." Sabi niya.
Tss ginawa pa akong taga subo eh may kamay naman siya. Sinubuan ko siya ng sobrang raming popcorn kaya sinamaan niya ako ng tingin pero sinuklian ko lang ng napakatamis na ngiti ko.
Nabigla naman ako ng kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito. Ano bang trip ng lalaking to? Pinabayaan ko nalang siya at ibinaling ang atensyon ko sa panunuod.
Napatingin naman ako sa paligid ng may mapansin ako na nakatingin sa direksyon namin, at nakita kong nakatingin si Trina sa mga kamay namin ni Benjie. Nabaling ang tingin niya sa akin kaya nagkatinginan kami, ngumiti siya at nag iwas agad ng tingin.
---
Natapos ang movie at napansin ko naman na ang iba sa amin ay inaantok na, lalo na itong babaeng nasa tabi ko na nakasandal na ngayon sa balikat ko.
"Hindi pa talaga ako inaantok." Kanina niya pa sinasabi kahit na halata namang antok na antok na siya.
"Hindi nga halata." Sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya, baliw na ata to.
"Hindi pa ba kayo inaantok? Pang apat na ata natin yun eh." Sabi ni Cole habang kinukusot na ang mata niya.
"Matulog na tayo." Sabi naman ni Liyah na nakapikit na ngayon at nakasandal na sa balikat ni Ty.
"Magligpit muna tayo dito tapos akyat na tayo." Sabi naman ni Tyler kaya nagsitayuan sila at nagkanya kanyang ligpit na sa mga kalat.
"Tulongan na kita." Sabi naman ni Benj habang kinukuha ang mga bowl na hawak ko.
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.