Okay
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga na ako ngayon pero hindi pa rin ako inaantok. Nabaling ang atensyon ko ng may kumatok sa kwarto ko.
"Pwede bang pumasok anak?" I heard my mom's voice from the other side. Bumangon ako sa pagkakahiga at pinagbuksan si mom ng pinto.
"Bakit mom?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad ako pabalik sa kama ko.
Sumunod naman si mom sa akin at naupo na rin sa kama ko. Hindi ko alam kong bakit nandito si mom. Nagtataka ako kung bakit napunta si mom bigla dito kasi bihira lang naman siya bumisita sa kwarto ko.
"How are you anak?" Tanong ni mom sa akin.
"I'm fine mom." Sagot ko sa kanya at nagtataka pa rin ako kung bakit nandito siya. Pinuntahan niya ba ako dito para kamustahin?
"How's school? Hindi ka ba nahihirapan mag adjust?" Tanong niya habang unti-unting lumilipat sa tabi ko.
"Okay lang naman mom kasi nandoon naman si Tyler to help me and nandoon din friends niya kaya hindi mahirap mag adjust." Sabi ko sa kanya habang unti-unting isinasandal ang ulo ko sa balikat ni mom.
Minsan lang talaga kaming ganito ni mom kasi busy sila parati ni dad. Kapag binibisita nila ako dito sa kwarto ay talagang sinusulit ko ang mga oras na iyon.
"Sinabihan ako ni Tyler about Lucas anak. Are you okay na nasa iisang school kayo ulit?" Maingat na sabi ni mom. Ang daldal din talaga nitong pinsan ko eh noh.
"To be honest mom hindi ko din alam. Ewan ko po ba kung nananadya lang siya, pero sana lang mom wag niya na akong istorbohin. Okay na ako ngayon at nakamove on na ako sa kanya. I'm already happy right now." Sabi ko kay mom at naramdaman ko naman ang bahagyang pagsuklay ni mom sa buhok ko gamit ang kamay niya.
"Kung may mangyari man again between the two of you, sabihin mo agad sa amin ng dad mo ha Yanyan. Hindi na namin kayang makita ka ulit na nagkakaganon anak." Sabi ni mom na tinutukoy yung nangyari sa nakaan.
"Don't worry mom, wala na po akong balak umulit." Sabi ko kay mom at nakakaramdam na ako ng antok dahil sa mga haplos ni mom sa buhok ko.
"How about Benjie anak? Manliligaw mo ba yun?" Nabigla naman ako sa tanong ni mom kasi akala ko nagpunta lang siya dito dahil kay Lucas pero pati pala si Benjie ay kasali din sa pag uusapan namin.
"Opo mom. Ewan ko po ba mom kung trip niya lang manligaw o seryoso siya." Sabi ko kay mom.
"Bakit ka naman hindi sigurado?" Mom.
"Kilala po kasi siyang babaero mom eh. Hindi ko nga po sigurado kong tama bang binigyan ko siya ng chance para manligaw sa akin." Sabi ko.
"Ano ba sa tingin mo ang nakikita mo anak?" Tanong naman ni mom.
"Sa nakikita ko naman ay seryoso siya. Sobrang maalaga niya mom at sweet din siya sa akin, pero diba mom gawain yan ng mga babaero? Paano kung isa lang pala akong laro sa kanya?" Sabi ko kay mom. Namiss ko ang ganitong bonding namin ni mom. Yung nakikinig siya sa mga problema ko at nagbibigay ng advice.
"Baka naman nagbago na si Benjie anak. Nakikita ko rin kasi sa kanya na seryoso siya, kung hindi mo lang sinabi sa akin na babaero siya e hindi ko talaga maiisip yun. Teka nga, kung ganyan din naman ang iniisip mo, bakit ka pa nagpaligaw?" Tanong ni mom at nakatingin na siya sa akin ngayon.
"Ayaw ko naman talaga sauna mom kasi nga parang na trauma ako sa mga kauri niyang babaero pero para kasing gusto ko naman magbigay ng chance. Gusto ko ulit bigyan ang sarili kong magkagusto ulit." Maikling paliwanag ko kay mom.
"Sa bagay, hindi naman pwedeng hindi ka na magkagusto ulit dahil lang nasaktan ka na. Parte na rin kasi ng pagmamahal ang masaktan anak. Kung magkasakitan man ulit, nandito lang kami ng dad mo." Sabi ni mom at niyakap niya ako.
Alam kong takot din si mom kasi naging iba ako nung nasaktan ako, at alam kung ayaw niya na yun maulit ulit. Pero sabi niya nga, parte na ng pagmamahal ang masaktan.
Nasaktan man ako ng sobra noon, sisiguraduhin ko na ngayon ay kontrolado ko na ang nararamdaman ko. Ibinuhos ko man ang lahat ng pag ibig ko kay Lucas, sisiguraduhin ko na magtitira na ako ngayon para sa akin.
"Sige na, matulog ka na kasi may class ka pa bukas." Sabi ni mom at tumayo na siya. Inayos niya ang kumot ko at hinalikan ako sa noo.
"Kahit anong mangyari ay wag kang magdadalawang-isip na magkwento sa akin or sa dad mo okay? Kahit busy kami, we will always find time to listen to you. Good night love." Sabi ni mom at pinatay niya na ang ilaw bago lumabas. Naramdaman ko naman ang antok kaya nakatulog agad ako.
---
Nandito na ako ngayon sa school at naglalakad na ako papuntang classroom. Hindi ko kasama si Ty or si Benj kasi si dad ang naghatid sa akin papuntang school, namiss niya daw kasi ako kaya siya na ang naghatid sa akin.
Hindi pa ako nakakapasok sa room ay rinig na rinig ko na ang kaingayan ni Kaylee. Nasa pintuan na ako ng may biglang lumabas at malapit pa akong mabunggo sa kanya.
"Yanyan sorry, okay ka lang ba? Hindi kita napansin." Sabi niya at hahawakan niya sana ako ng umatras ako.
"I'm okay, pasensya na hindi rin kita nakita." Sabi ko at papasok na sana ako ng pinigilan niya ako.
"I'm sorry Marriane." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin, tinggal ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko at tinignan ko siya.
"It's okay Lucas." Sabi ko at bahagyang nginitian siya bago tumuloy sa pagpasok. Napansin ko naman ang pagtingin ng barkada sa akin nagtuloy tuloy lang ako papunta sa pwesto ko.
"Good morning Yannnnnnn!" Sigaw ni Kaylee ng makabawi sa katahimikan. Lilingunin ko na sana siya pero nakayakap na siya sa likod ko kaya tinap ko nalang yung braso niyang nakapulupot sa akin.
"Good Morning." Bati naman ni Trina na nakaupo na ngayon sa tabi ko.
"Morning," Bati ko naman sa kanya. Kumalas na si Kaylee sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam na sila nila Migz kasi malapit na din mag bell.
"Hey." Nilingon ko naman si Benj na nasa likod ko na ngayon.
"Good morning." Bati ko sa kanya.
"You okay?" Tanong niya sa akin at naupo sa tapat ko. Para siyang bata na naghihintay bigyan ng candy. Ang sarap pisilin ng pisngi ng isang to.
"I'm good. How 'bout you?" Tanong ko sa kanya habang pinipisil ang magkabilang pisngi niya. Nakita ko naman siyang sumimangot kaya natawa ako sa itsura niya.
"Nakita na kita kaya my day is already complete." Sabi niya kaya napairap nalang ako, linyahan ng mga playboy ba yan?
Binitawan ko na ang pagkakapisil sa pisngi niya kasi namumula na, nakita ko naman na hinihimas niya ito. Kawawang bata naman.
"Hoy mamaya ka na nga lumandi Benj, nandito na teacher natin." Sabi naman ni Ty at hinila na siya. Nakita ko naman na kumindat siya sa akin kaya inirapan ko lang siya.
Napansin ko naman si Lucas sa may likod nila at nakatingin siya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya kasi nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya pero sino ba ang niloloko ko? Imposibleng masaktan ang taong naging dahilan ng naranasan kong sakit noon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Finally nakapag ud din. Sorry po pala sa sobrang late na late na update kasi wala pong internet, ngayon lang ulit nagkaroon ng internet.
Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Gly :D
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.