Chapter 25

9 2 0
                                    

Vacation House

Naghahanda na kami ngayon para pumunta sa vacation house namin.

Sa mga nagdaang araw ay pumunta lang kami sa niready kong lugar na pupuntahan namin. 

Naging masaya naman ako kasi nagustohan naman nila ang mga pinuntahan namin lalo na ang mga pagkain na pinatikim ko sa kanila ay nagustohan nila.

Madaling araw kaming babyahe ngayon at excited na silang mag beach, ako rin naman ay excited na din pumunta sa beach house namin kasi namiss ko na ang tanawin doon.

"Excited na akong mag swimming with the whales." Parang bata na sabi ni Kaylee at pumapalakpak pa.

"Parang bata." Pang aasar naman ni Migz kaya nasapak tuloy siya ni Kaylee.

"Alam mo ikaw, ang epal mo talaga. Paiwan ka nalang dito Migz, panira ka ng araw." Asar na wika ni Kaylee at pumasok na sa van.

"Kailan ba titigil ang dalawang to? Walang araw na hindi sila nag aasaran o nag aaway eh." Sabi naman ni Sienna at tumango-tango nalang kami kasi totoo naman. Hindi ata mabubuo ang araw nila kung hindi sila nagkakaasaran.

"Hindi na ako mabibigla kong sa huli ay magiging sila." Sabi ni Trina na nasa tabi ko na pala ngayon.

"Agree ako diyan." Pag sasang-ayon ko. 

"Pasok na kayo kasi nandito na si manong." Sabi naman ni Tyler habang inaalalayan si Liyah na makapasok sa van.

Papasok na sana ako ng mamali ako ng hakbang pero mabuti nalang ay may nakasalo sa akin sa likod.

"Mag ingat kasi." Ramdam ko ang hininga niya sa may leeg ko kaya natigilan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. 

Ramdam ko pa rin ang dalawang kamay niya na nakahawak sa bewang ko.

Ang lapit lapit naman ata ng lalaking to sa akin. Napailing nalang ako para mawala tong nararamdaman ko at lumayo na sa kanya.

"Namali lang ng hakbang. Salamat." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagpasok sa van. 

Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na nasa bewang ko pa rin at naka alalay at ang isang kamay niya ay nasa ulo ko, siguro para protektahan ito kung sakaling mauntog ako.

"Mabuti nalang at lagi akong nakatingin sayo at mabilis agad kitang nalapitan." Sabi niya habang umuupo na ngayon sa tabi ko.

"Thanks Benj." Sabi ko nalang at nginitian siya.

"Wag mo nga akong ngitian, baka hindi ako makapagpigil at mahalikan kita bigla." Sabi niya at nanlaki naman bigla ang mata ko at napaiwas agad ng tingin sa kanya.

"Joke lang Riane. Kaya ko naman mag pigil, wag kang mag alala. Gusto ko rin lagi kang nakikitang nakangiti kahit na nakakatempt  din pero kaya pa naman." Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at hindi ko maipagkakaila na kinilig ako. Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat niya at naramdaman ko naman na ipinatong niya ang ulo niya sa ulo ko.

"Rest well love." Rinig kong sabi niya at naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa may noo ko.

Napahigpit naman ang kapit ko sa kamay niya at naramdaman ko agad ang antok dahil sa paghaplos niya sa  kamay ko.

---

Nagising ako at naramdaman ang pagbigat ng ulo ni Benj kaya naman pinasandal ko ito sa balikat ko at hinayaan siyang matulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon