Volleyball
Nanunuod lang kami ngayon ng dance palabas dahil sila Kaylee ay sasayaw. Nakaupo lang ako ngayon ng dumating si Benjie na may dalang pagkain, ibinigay niya naman sa akin ito kasama na rin ng tubig. Tumabi naman siya sa akin at kumain na din ng pagkain na dala niya.
"Thank you, hindi ka ba nag breakfast?" Tanong ko kasi naman parang gutom na gutom siya eh, ang bilis niyang sumubo.
"Hindi na ako nakapag breakfast kasi nalate ako ng gising." Sabi niya sa akin habang nakangiti at nagpatuloy na ulit sa kinakain niya.
Natahimik nalang ako at kumain na lang din kasi ginutom talaga ako dahil sa sobrang kaba ko kanina. Habang kumakain ako ay nakita ko naman na nakatitig na si Benjie sa akin at tapos na siyang kumain. Gutom pa siguro to?
"Gusto mo ba? Sayo nalang nag breakfast naman ako." Alok ko sa kanya ng pagkain ko pero tinawanan niya naman ako.
"Hindi na ako gutom kainin mo lang yan, alam ko naman nagutom ka dahil sa kabang naramdaman mo kanina." Sabi niya habang pinupunasan ang sauce ata na nasa may labi ko. Bakit ba kasi ang hilig tumambay ng sauce sa labi ko?
"Ako na Benj." Sabi ko at aagawin na sana ang tissue na ginamit niya ng inilayo niya ito.
"Wag na tapos ko ng punasan." Sabi niya at nagpasalamat nalang ako sa kanya at tinapos na ang pagkain ko. Uminom ako ng tubig at bigla na naman akong kinabahan ng sinabi na iaannounce na daw kung sino sinu ang mga nanalo.
Hindi naman ako nag eexpect na mananalo ako kasi magagaling din naman ang mga nakalaban ko. Linapitan ako ng mga nag aayos sa akin para lagyan ako ng lipstick pero sinabi ko na wag nalang kasi para san pa pero nag insist sila kaya sige nalang.
"Tara na sa baba? Punta na tayo sa classmates natin." Sabi ni Benjie kaya naman tumango nalang ako. Nagpaalam ako kaila mom at inalalayan naman ako ni Benjie.
Nang makarating kami sa classmates namin ay nakita ko lang silang nag aabang sa announcement ng winners para sa muse and escort at pati na rin sa dance palabas. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Benjie na hinahawakan na ang kamay ko ngayon.
"Hey chill ka lang, ang lamig lamig ng kamay mo." Sabi niya.
"Kinakabahan kasi ako eh, alam ko naman maliit ang chance na manalo ako Benj." Sabi ko naman sa kanya. Okay lang naman matalo ako eh pero iniisip ko ang mga classmates ko na grabe yung expectations nila pati na rin sa adviser namin kaya naman na pressure ako.
"Manalo man o matalo proud pa rin kami sayo okay?" Sabi niya habang nakahawak na ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko. Tinignan ko naman siya at sobrang seryoso niya, tumango naman ako at yumuko nalang para hindi ko makasalubong ang seryosong titig niya.
"Let's go to category D! Sinong bet niyo students? 1,2,3,4?!" Napapikit nalang ako ng category na namin ang susunod na iaannounce. Napakapit ako sa laylayan ng shirt ni Benjie at gusto ko nalang takpan ang tenga ko.
"Congratulations to..." Pasuspense na sabi ng announcer kaya naman mas napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng shirt ni Benjie.
"D...4!" Sabi niya at nag ingay ang mga kaklase ko habang dinudumog na nila ako. Napatingin naman ako kay Benjie na nakangiti na sa akin.
"Congrats miss! Sabi ko naman sayo eh!" Sigaw niya kasi sobrang ingay na ng mga classmates namin. Sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya.
"Benjieeee I won." Sabi ko habang nakayakap sa kanya at napabitaw lang ako ng marealize na nakayakap ako sa kanya.
"Get your reward na miss, hinihintay ka na ng mga admin." Sabi niya at tumango naman ako bago naglakad papunta sa gitna ng gymnasium.
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.