Text
Nandito na kami sa mall ngayon at napagkasunduan namin na mag sine kami kasi maaga pa naman para mag dinner kami. Nakasunod lang ako sa kanila ng may tumabi sa akin sa paglalakad. Nasa tabi ko si Benjie at gusto kong lumayo sa kanya kasi naiilang ako sa kanya. Hindi ko pa rin kasi nakalimutan yung nangyari sa kotse niya.
"Ang tahimik mo ata?" Tanong ni Benjie sa akin habang tumitingin sa mga boutique na nadadaanan namin.
"Tahimik naman talaga ako." Sabi ko.
Tahimik naman talaga ako kaya hindi na bago yun okay. Para namang hindi siya sanay na hindi ako dumadaldal. Nakarating na kami sa may sine at pumili na sila ng panunuorin namin. Sakto naman ang dating namin kasi ilang minuto nalang ay magsisimula na ang palabas.
Namili naman sila ng popcorn at inumin. Umupo lang ako sa may waiting area at hinintay sila kasi wala akong balak gumastos, nakakatamad gumastos. Habang naghihintay ay may bigla nalang nag abot ng popcorn sa akin, tiningala ko naman kung sino ang nagbigay. Akala ko pinsan ko pero si Benjie pala.
"Peace offering ko." Sabi niya sa akin habang inaabot ang pinakamalaking size ata ng popcorn. Tinitigan ko naman siya at tumitig din siya pabalik sa akin.
"Sayo nalang." Sabi ko sa kanya at iniiwas na ang titig ko kasi may kakaiba sa titig niya na nakakailang.
"Binili ko talaga to para sayo okay, or kung hindi mo mauubos to nandito naman ako. Makikishare din naman ako sa popcorn na to hehehe." Sabi niya sabay lapit ng popcorn sa mukha ko. Inilayo ko naman ang mukha ko at tumango-tango nalang habang nakayuko kasi baka mailang na naman ako kapag tinitigan ko ang isang to.
Inalis niya naman ang pagkakaharang ng popcorn sa mukha ko kaya akala ko aalis na siya pero nagkamali ako. Ang mukha niya na ngayon ang lumapit sa mukha ko at hindi ko maiwasang mabigla. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin at hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. Lumayo ako sa kanya pero inilapit niya agad ang mukha niya. Itinutulak ko naman siya sa braso para lumayo siya kasi hindi na ako makahinga.
"Ang cute mo palang mamula miss hahah." Sabi niya sa akin sabay pisil sa pisngi ko, naramdaman ko naman ang pag iinit lalo ng pisngi ko kaya iniwas ko ang mukha sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa niya, tss inaasar ata ako ng bwisit na to.
"Wag mo na uulitin yun makakatikim ka talaga sa akin." Banta ko sa kanya habang nakatingin sa kanya ng masama pero ang mokong ngitian lang ako.
"Makakatikim ako ng halik? Sige no problem miss. Buong galak kong sasalubongin ang halik na ipapatikim mo sa akin." Sabi niya sa akin na halatang nang aasar talaga. Mas sinamaan ko naman siya ng tingin. Ano ba pinagsasabi ng lalaking to?
"Salubongin mo ang kamaong hahalik sa nguso mo." Banta ko sa kanya at itinaas ko pa ang kamao ko pero tinawanan niya lang ulit ako na parang aliw na aliw siya sa akin.
"Hoy kayong dalawa diyan tara na." Tawag sa amin ni Migz kaya naglakad na ako papunta sa kanila at iniwan si Benjie tss.
Nakaupo na ako sa pwesto ko at sobrang saya ko kasi ako ang nasa pinakadulo at ang katabi ko naman ay si Kaylee hindi si Benjie. Magsasaya na sana ako sa isipan ko ng narinig kong nakipagpalit si Benjie kay Kaylee kasi share daw kami sa popcorn. Pipigilan ko na sana si Kaylee pero nakaupo na si Benjie kaya wala na akong nagawa. Tinitigan ko lang siya ng masama at inirapan ko naman siya.
Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang palabas, inalok naman ako ni Benjie ng popcorn at kumuha naman ako. Maganda ang napili nilang movie at doon lang talaga ako nakafocus habang kumakain ng popcorn. Kukuha na sana ako ng popcorn ng maramdaman ko ang kamay ni Benjie na kukuha din kaya naman mabilis kong inalis ang kamay ko kasi para akong nakuryente. Nagfocus nalang ulit ako sa palabas at wala na sana akong balak kumuha ng popcorn pero naramdaman ko nalang na kinuha ni Benjie ang kamay ko at pinapakuha ako ng popcorn. Kumuha naman agad ako para mabitawan na niya ang kamay ko kasi nakukuryente ako eh.
Nasa kalagitnaan na ng movie ng may maramdaman akong nakatitig sa akin. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya na nakatitig ulit sa akin. Tinitigan ko naman siya pabalik at binigyan ko siya ng nagtatanong look. Umiling lang si Benjie at nag smile lang ulit siya sa akin bago tumingin ulit sa palabas. Kahit kailan ang weirdo talaga ng lalaking to.
Natapos na namin ang movie at nagpasya na kaming kumain sa Pizza Hut kasi trip nilang mag pizza. Nakasunod pa rin ako sa kanila ng mapansin ko ulit na nasa tabi ko na naman si Benjie. Pinabayaan ko lang siya at nagpatuloy nalang sa paglalakad ng bigla nalang may humablot sa akin at napayakap tuloy ako sa taong yun.
"Muntik ka ng mabangga sa poste kasi tulala ka. Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin at kita ko sa mga mata niya na nag aalala siya. Malapit nga akong mabangga sa poste kung hindi niya lang ako hinablot papunta sa kanya. Bakit ba kasi ako tulala?
"Okay lang ako salamat." Sabi ko sa kanya at nginitian siya ng tipid. Nagpatuloy kami sa paglalakad kasi nauuna na ang mga kaibigan namin.
Nakarating kami sa Pizza Hut at nag order na agad sila kasi mga gutom na. Tahimik lang ulit ako at napagpasyahan kong pumunta muna sa cr. Dumiretso ako sa salamin at naghilamos kasi feeling ko kailangan ko yun. Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyayari sa akin.
"Umayos ka nga Marriane, mapapahamak ka kung magpapatuloy ka sa pagiging ganito mo." Sermon ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ko. Nagpunas ako ng mukha at lumabas na ako sa cr. Tamang tama naman at dumating na ang order namin pagbalik ko kaya kumain na kami agad at napagpasyahan na naming umuwi pagkatapos.
Nakasakay na ako ngayon kay Tyler kasama si Liyah. Kami lang tatlo kasi ang iba ay sa ibang direksyon ang bahay nila kaya naman nagsama sama na ang pareho lang ang direksyon ng bahay para mas mapadali.
Nakarating ako sa bahay at umakyat agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga na kasi feeling ko napagod ako sa gala namin kahit hindi naman nakakapagod ang panunuod ng sine at pagkain. Naligo lang ako at nagbihis na ng pantulog, nag blow dry lang ako ng buhok at nahiga na agad sa bed ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table para mag check ng social media ng makita ko ang story ni Benjie. Madilim yung kuha ng picture pero alam kong ako yun, tinignan ko naman ang maliit na text na nasa baba 'I can't stop starring at you miss." Sabi doon sa text at napatulala nalang ako. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at alam ko na mali talaga yun, dapat hindi ako magpaapekto kay Benjie kasi playboy siya.
"Playboy siya Marriane, tama playboy siya. Minsan ka ng nasaktan ng isang playboy kaya tama na ang isa at wag ka ng umulit." Paalala ko sa sarili ko at pinatay na ang cellphone ko at nagpasyang matulog. Hindi pa ako nakakapikit ng may nag text sa akin, kinuha ko ang phone ko kasi baka sila mom or dad yun pero hindi.
From: Weirdo
Good night miss :)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Gly :D
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.