Chapter 22

7 3 8
                                    

Letting Go

Kumakain na ako ngayon ng breakfast ng may biglang tumabi sa akin. 

"Good morning." Bati sa akin ni Benjie.

Ang aga naman ng lalaking to? 

"Good morning, ba't ang aga mo?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto lang kitang makita ng maaga. Namiss kasi kita." Sabi niya habang nakatutok lang sa akin kaya nailang ako.

"Magkasama tayo kahapon Benj wag kang oa." Sabi ko sa kanya at nag pout pa siya, ang bakla talaga kahit kailan. Babaero ba talaga to? 

"Eh sa namiss kita eh, walang basagan ng trip." Sabi niya at nagkibit balikat nalang ako.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang siya patuloy lang sa pagtitig sa akin.

"Kumain ka na?" Tanong ko para hindi ako mailang masyado.

"Hindi pa nga eh, susubuan mo ba ako?" Tanong niya at nagpacute pa. Baklang weirdo tss. Pero hindi ko maiwasang isipin na ang cute niya pala talaga, I mean gwapo talaga siya. Hay ano ba tong iniisip ko.

"May kamay ka naman magpapasubo ka pa?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng plato niya. 

"Nagpapalambing lang naman ako sayo." Sabi niya kaya ako nalang kumuha ng kakainin niya.

"Oh ayan pinagsandok na kita, kumain ka na dyan at baka malate pa tayo." Sabi ko sa kanya pero nakatitig pa rin siya sa akin.

"Ano?" Tanong ko at nagpipigil ng tawa kasi naman nakasimangot siya at para siyang bata.

"Pasubo lang kahit isa pagkatapos ako na magkukusang kumain." Sabi niya kaya napabuntong hininga nalang ako at sinubuan siya.

Ang laki naman ng ngisi niya pagkatapos ko siyang subuan kaya inirapan ko nalang at natawa ng bahagya kasi para siyang bata eh.

Natapos kaming kumain at pinaghintay ko nalang siya sa baba habang kinukuha ko na ang mga gamit ko sa kwarto.

"Tara na?" Tanong niya ng makababa ako at tumango lang ako, kinuha niya agad yung bag ko at siya na ang nagdala papunta sa sasakyan niya.

Nakaupo na ako sa passenger seat at inopen ang cellphone ko ng magtext si mom na mag iingat daw ako sa school. Laging nagtetext si mom sa akin na mag ingat lalo na kapag nauna silang umalis ni dad.

Nabigla naman ako ng lumapit si Benjie sa akin at inabot ni yung seat belt sa side ko.

"Ako na." Sabi ko pero nakatitig lang siya sa mukha ko at hindi pa rin niya itinutuloy yung pagseseat belt.

"May dumi ba ako sa mukha." Nang mapansin ko na nakatitig siya sa mukha ko, bumaba naman ang tingin niya sa labi ko kaya napalunok nalang ako.

"Ang ganda mo." Sabi niya bigla at tinapos na ang pagseseat belt sa akin ng biglang lumapit yung mukha niya sa akin.

Muntik na kaming magkahalikan, mabuti nalang talaga at nakaiwas ako agad. Nabigla naman ako ng hinalikan niya ako sa pisngi at lumayo agad sa akin at inistart na ang sasakyan.

Napatingin nalang ako sa labas at kinakalma ang puso ko na sobrang bilis ng tibok nito. 

---

Nasa classroom na kami ngayon at nakikinig lang ako sa discussion ng teacher namin. 

"Okay class so we will have an activity today, it will be by pair." Sabi niya at nag ingay naman ang klase dahil nagkanya kanyang pili na ng partner nila.

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon