Chapter 5

15 3 1
                                    

Dare

AN: Para hindi kayo malito guys, ang scene na ito ay 1 week pa lang so hindi pa nangyari yung mall scene sa Chapter 3 at 4. Sana wag po kayong malito hehe.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

COLE'S POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Benjie kasi gusto nilang mag inuman dahil kakatapos lang ng first week namin sa school kaya gusto nilang mag chill. Nagkakatuwaan na kami dito ng mag suggest si Trina na maglaro daw kami ng truth or dare kaya naglaro nga kami. 

Pinapaikot na ang bote at naghihintay nalang kami kung saan ito tatapat. Lima lang kami ngayon kasi wala si Tyler kasi may family dinner sila at si Kaylee naman ay may lakad din with her family kaya kami lang. Natapat naman ang bote kay Sienna. 

"Okay Sienna, truth or dare?" Tanong ni Migz sa kanya at pinili niya naman ang dare.

"Wala akong maisip eh kayo may pang dare kayo?" Sabi ni Migz habang nagkakamot ng batok niya.

"Tawagan mo ang ex mo at sabihin mo na makikipagbalikan ka sa kanya." Sabi naman ni Trina kay Sienna. Nagulat naman kami doon at ang sama na ng tingin ni Sienna kaya natawa nalang kami.

"What the heck Trina ayaw ko nga, hindi ako makikipagbalikan sa gagong yun!" Pagalit na sabi niya at ininom ang shot ng tequila na nakahanda if ever hindi gagawin ang dare or sasagutin ang tanong kapag truth. Tumawa naman kami sa kanya at nagpatuloy na sa laro. 

Patuloy lang kami sa paglaro hanggang sa may mga intense na dare at truth na. May nalalasing na rin dahil sa shot na iniinom nila kapag ayaw nilang gawin or sagutin ang dapat para sa kanila. Hinihintay namin ang boteng may tapatan ng tumigil ito sa pwesto ni Benjie.

"Dare" Simpleng sabi niya at ngumisi pa, confident ang loko ah.

"Diba mahilig kang maglaro lalo na kapag babae?" Tanong ko naman sa kanya at alam kong na gets din ng iba yun. Si Benjie ay isang playboy at alam kong madali lang ito sa kanya pero baka rin hindi kasi mahalaga ang taong paglalaruan niya sa isa sa mga kaibigan namin. 

Nag smirk naman si Benjie at alam ko na na may idea siya sa gusto kong idare sa kanya at tumawa naman ang mga babae kasi alam kong alam na din nila yun. Natahimik lang kami ng magsalita si Migz.

"Bro wag niyo yan ituloy iba nalang." Sabi niya at alam naming seryoso na siya ngayon.

"Mabuti nga yun Migz para naman mahirapan ng konti tong si Benjie. Lahat ng nilaro niyang babae noon ay hindi naman siya nahirapan kasi madali lang para sa kanya yun." Sabi naman ni Trina at sumang ayon naman ako doon kasi naman ang bilis niyang maging girlfriend yung dinedare namin sa kanya pero ngayon baka abutin ng buwan to.

"Alam kong naiiba si Marriane sa mga babaeng patay na patay sayo kaya gusto kong paibigin mo yun bro pagkatapos ibreak mo katulad ng dati lang." Sabi ko naman sa kanya at nag smirk naman ang loko. 

"Hindi kaya magagalit si Tyler kung malaman niya to? Pinsan niya yun guys kaya mahalaga yun kay Tyler. Baka nga masira pa pagkakaibigan natin dahil si Marriane ang paglalaruan ni Benjie kaya iba nalang." Sabi naman ni Migz. 

"Hindi naman siguro magagalit yun si Tyler, hindi naman siguro sila close ng pinsan niya." Sabi naman ni Liyah na nililigawan ni Tyler.

"Wag kang kj Migz okay, challenge ito para kay Benjie. So ano na Benjie g ka ba?" Tanong naman sa kanya ni Sienna at hinintay namin ang sagot niya. 

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon