Chapter 24

6 2 1
                                    

Ocean Park

Naghahanda na kami ngayon kasi pupunta kami ngayon sa Ocean Park. Excited akong pumunta doon kasi naman nakakarelax lang kapag nandoon ka. Ang ganda kasi ng tanawin, worth it din ang paglalakad mo doon.

Nakakatuwa lang talaga ang mga sea creatures at nakakakalma ang tubig para sa akin. Doon ko pinili ang una naming pupuntahan kasi gusto ko lang rin siguro silang marelax at mamangha na rin.

"Kaylee kunting bilis naman diyan." Reklamo naman ni Migz kasi nasa baba na kami ngayon e si Kaylee nasa taas pa.

"Maghintay ka nga. Excited na excited ka atang makita mga kauri mo." Pang aasar naman ni Kaylee na pababa na ngayon. 

Wala talagang araw na hindi nag aasaran tong dalawa.

"Tara na guys?" Pag aaya ko sa kanila at nagsipuntahan na kami sa labas.

"Ano ba Migz, diyan ako uupo!" Sigaw ni Kaylee ng umupo sa pinakalikuran si Migz at katabi ang bintana.

"Ako ang nakauna dito kaya maghanap ka ng ibang mauupuan." Sabi naman ni Migz.

"Hindi ako uupo sa ibang upuan kundi diyan lang kaya tabi." Pagsusungit na ngayon ni Kaylee.

"Ang daming upuan diyan Kaylee eh, ang arte arte mo talaga kahit kailan." Reklamo naman ni Migz.

Kami naman ay nasa labas pa at nakatingin lang sa dalawa, hinihintay lang naming matapos sila.

"Alam mo naman palang maarte ako edi sana umalis ka na agad diyan. Kilala mo ako Migz, kung saan ko gustong umupo ay doon ako uupo!" Sigaw ni Kaylee at nagagalit na siya.

"Sabi ko nga aalis na ako, sakit sa tenga ng bunganga mong babae ka. Kaya ka hindi nagkakaboyfriend eh." Sabi naman ni Migz habang unti unting lumilipat sa kabilang side kung saan katabi din ng bintana.

"Anong sabi mo?!" Galit na galit na sabi ni Kaylee kaya naman pumasok na si Sienna at naupo sa gitna nila.

"Manahimik na nga kayong dalawa, kahit ngayon araw lang ay itikom niyo na muna yang mga bibig niyo. Kaimbyerna nitong dalawang to." Pagtataray ni Sienna kaya naman natahimik na ang dalawa.

Umirap lang si Kaylee at si Migz naman ay kinuha ang earphones at cellphone niya at nagpamusic nalang ata.

Pumasok na rin ang iba habang hinihintay ko lang si Manong Tasyo.

"Ako nalang dito sa passenger seat Yanyan." Sabi naman ni Ty kaya naman siya nalang din ang pinaghintay ko kay manong para masabihan kong saan kami pupunta.

"Baka mauntog ka." Sabi ni Benjie habang inaalalayan ako. Nasa may ulo ko pa ang kamay niya para masiguro na hindi ako mauuntog.

"Salamat." Sabi ko at isinara na ni Tyler ang pinto.

Dumating na rin si manong at agad na kaming bumyahe papuntang Ocean Park.

---

"Wow! Ang ganda naman dito." Manghang sabi ni Liyah habang nililibot niya ang paningin niya.

"Picture tayo guys!" Excited na sabi naman ni Trina at humanap na ng makakapicture sa amin.

"Smile!" 

Nag smile naman kami at nag wacky din kami. Matapos ang group picture ay hinila naman ako bigla ni Benjie.

"Picture tayo." Sabi niya at tumango lang ako. Mahilig din pala to sa picture? Akala ko hindi eh.

"Trina pwede mo ba kaming picture'an?" Tanong ni Benjie, nakita ko naman na medyo nagulat si Trina pero nakabawi naman siya agad.

"Sige ba." Masiglang sabi niya pero parang pilit naman. Binigay ni Benjie yung phone niya kay Trina.

Nahigit ko yung hininga ko ng maramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Benjie sa bewang ko. Kahit medyo gulat ay pinilit ko pa ring ngumiti sa camera baka kasi ang pangit ko tapos tong katabi ko ay sobrang gwapo.

Naramdaman ko naman ang titig ni Benjie kaya napatingin ako sa kanya. Napasmile naman ako kasi ang gwapo lang niya lalo na at ang ganda ganda ng view sa likod niya.

"Ang ganda ng kuha ni Trina sa inyo." Sabi ni Cole at naramdaman ko naman na bumitaw si Benjie sa akin at lumapit sa kanila para makita ang kuha ni Trina.

"Love tignan mo." Sabi ni Benjie ng makalapit siya sa akin. Nabigla naman ako sa tinawag niya sa akin kaya napatitig ako sa kanya saglit.

"Tulala ka ata. Sobrang na gagwapuhan ka na ba sa akin?" Pang aasar niya.

"Asa!." Sabi ko na ikinatawa niya lang.

Tinignan ko naman ang kuha ni Trina at ang ganda nga nito. 

"Thanks Trina." Pagpapasalamat ko sa kanya. 

"No problem." At umalis na siya kasama si Cole.

"Amina phone mo at ipapasa ko to sayo." Sabi niya kaya naman binigay ko nalang ang phone ko.

Naglalakad lang kami at minsan tumitigil din para mag picture o di kaya ay pagmasdan ang kapaligiran.

Nakakapagod man maglakad pero ang ganda kasi talaga dito, masasabi mong worth it talaga. Nakapunta kami sa Jungle Trek nila, sa Crocodile Tank at ang iba pang mga destinasyon. Nagpapahinga lang kami ngayon dito sa Fish Spa.

"Nakakakiliti." Sabi naman ni Kaylee at natatawa pa siya.

"Hindi ba yan nangangagat?" Takot na tanong ni Sienna na inaasar ngayon ni Cole.

"Kanina pa sana kami kinagat kung nangangagat yan." Sabi ni Cole habang pilit ibinababa ang paa ni Sienna.

"Wag mo nga akong pilitin ungas ka." Pagtataray ni Sienna at sinipa si Cole.

Nagtatawanan lang kami dahil sa kanilang dalawa.

Tinignan ko naman ang katabi ko na natutuwang tinitignan ang mga isda na nakapalibot sa paa niya. Pasimple ko naman siyang pinicture'an at mabuti nalang ay hindi niya napansin.

Napatingin naman ako sa kuha ko at napangiti na lang kasi ang gwapo ng lalaking to. Mas lumaki ang ngiti ko ng makita ko ang wallpaper ko na picture na naming dalawa. Ito yung kuha ni Trina kanina.

Nabigla nga ako dahil hindi naman ito yung wallpaper ko pero si Benjie pala ang nag change habang nasa kanya yung phone ko kanina. Nakita ko rin na kami ding dalawa ang wallpaper niya sa phone niya.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit kasi medyo napagod din ako sa paglilibot dito sa Ocean Park. Ang laki kasi nitong Ocean Park sa Cebu.

"Napagod ka ba?" Bulong ni Benjie at naramdaman ko naman na hinahaplos niya na ang buhok ko.

"Medyo. Nakakapagod din maglibot eh." Sabi ko at mas lalo akong inantok sa ginagawa ni Benjie.

Naramdaman ko naman ang paghalik ni Benjie sa may ulo ko at napangiti nalang ako doon.

Hindi ko alam pero ang saya saya ko kapag may moment kami na ganito. Yung ang payapa lang ang paligid at nararamdaman ko ang pagiging maalaga niya. 

Inaamin ko na natatakot pa rin ako pero hindi ko rin maiwasan na maging masaya at umasang nagbago na siya para sa akin.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Benjie sa kamay ko at hinigpitan ang pagkakapit dito.

"Pahinga ka muna love." Sabi niya at hinalikan ulit ako sa ulo.

Ang masasabi ko lang ngayon ay hindi ako nagsisisi na binigyan ko siya at ako ng pagkakataon. Sana nga lang ay hindi ko ito pagsisisihan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gly :D

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon