Muse
Papunta ako ngayon sa faculty kasi may sasabihin daw ang adviser namin. Habang naglalakad ako papuntang faculty ay nakasalubong ko ang pinsan ko na pawis na pawis dahil siguro sa pagvovolleyball nila.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin habang may kinukuha sa bag ko na alam ko.
Kinuha niya lang naman ang water bottle ko at inubos ang natitirang tubig doon. Ibinigay niya naman sa akin ang wala na ngayong laman na water bottle at sumandal sa pader habang naghihintay sa isasagot ko ata sa kanya.
"Sa faculty lang may sasabihin daw si sir." Sabi ko habang isinasauli ang water bottle sa bag ko na hindi man lang magawang isauli ng pinsan ko.
"Ah oo nga pala pinapatawag ka nga pala niya. Sige pasok ka na at bibili na ako ng tubig." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko tss kaasar.
Kumatok na muna ako bago pumasok at hinanap ng mga mata ko si sir na nakangiting nakatingin sa akin. Sinenyasan niya akong lumapit sa table niya at naupo naman ako sa upuan na nakalaan para sa akin.
"Mabuti naman at nandito ka na Ms. Alia. Siguro naman alam mo na na nalalapit na ang intramurals." Sabi niya at tumango lang ako.
"Alam mo na din siguro na wala pa tayong muse." Sabi niya at mukhang alam ko na kung anong kasunod ng sasabihin ni sir. Tumango lang ako at hinintay kung ano ang sasabihin niya. Baka naman kasi hindi ako aayain mag muse kundi mag escort siguro haha joke, tumawa kayo please.
"Naisipan ko na ikaw ang maging muse para maiba naman. Maganda ka iha tsaka maganda din ang pangangatawan mo. Pasadong pasado ka sa criteria kaya sana pumayag ka kasi 2 days nalang intrams niyo na." Sabi niya sa akin.
"Sir wala na po bang iba?" Tanong ko kasi naman madami naman kaming STEM girls at impossible na ako lang ang choice niya noh.
"Actually ikaw lang talaga ang nasa isip ko na maging muse. Sana pumayag ka iha, may mga points naman din at magiging perfect ang grades mo if ever. Yung grade ng muse at escort ay parehas lang sa mga dancers at sa mga players hindi kagaya ng committe kaya sige na pumayag ka na iha." Pagmamakaawa ng teacher ko. Talagang ginamit pa ang grades na hindi ko matatanggihan kasi kailangan ko rin naman.
"Bibigyan kita ng isang araw iha para mag isip. Pagkatapos ng isang araw tatawagin ulit kita para malaman ang sagot mo." Sabi niya at dinismiss na ako. Tumango lang ako sa kanya at lumabas na ng faculty.
Pagkalabas ko ay nakita ko naman si Benjie na nakasandal sa may pader malapit lang sa pinto ng faculty. Bagong ligo ata siya kasi basa pa ang buhok niya at amoy na amoy ko pa ang sabon na ginamit niya. Ang bango naman ata ng lalaking to, napaka unfair naman.
"Nag usap kayo ni sir?" Tanong niya habang umiinom ng tubig niya. Tinignan ko naman ang pagtaas baba ng adams apple niya at nakakadistract yun kaya naman bago niya yun mahalata ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa halaman na nasa harap namin.
"May sinabi lang siya tungkol sa nalalapit na intrams. Ikaw ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya at naglakad na pabalik ng room. Sumunod naman siya sa akin at sabay na kaming naglakad.
"Sinusundo kita kasi sakin ka sasabay pag uwi." Sabi niya at natigilan naman ako.
Mukhang nasasanay na tong ihatid ako ah. Lagi kasi siyang may reason na maihatid ako kasi nakastay siya ngayon sa tita niya na malapit lang sa bahay namin kaya naman halos ngayong buwan na ito ay siya na ang naghahatid sa akin kulang nalang pati papuntang school magkasabay din kami.
"Nandyan naman si Tyler." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Wala siya, nagdate sila ni Liyah kaya binilin ka niya sa akin." Sabi niya at napalingon naman ako sa kanya. Kinindatan niya naman ako at inirapan ko lang siya. Nagligpit agad ako ng gamit ko at kukunin ko na sana bag ko ng kinuha ni Benjie at siya na ang nagdala.
"Akin na nga yan Benjie, kaya ko naman yan." Pinilit kong kunin ang bag ko pero ayaw niyang ibigay kaya naman hinayaan ko nalang siya. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na may text si Tyler.
From: Tyler
Sabay ka nalang kay Benjie kasi may date kami ni Liyah ngayon. Text mo ako kapag nakauwi ka na ha. Ingat kayo sa byahe bye.
So iniwan nga ako nitong pinsan ko kay Benjie. Nakakasama ko lang naman si Benjie kapag may date sila Ty o di kaya kung nag aaway si Ty at Liyah kaya naman napipilitan akong sumabay kay Benjie kaysa naman nasali ako sa away ng dalawa.
Napabuntong hininga nalang ako at sumabay na kay Benjie na naglalakad na din papuntang parking. Nakarating kami sa parking at pinagbuksan niya ako ng pinto, prinotektahan niya pa ulo ko habang papasok ako sa kotse. Ganyan siya palagi sa akin ewan ko kung talagang gentleman siya or kasali yan sa laro niya.
Nilagay niya naman ang mga gamit namin sa likod at pumunta na siya sa side niya. Pinaandar niya naman agad ang kotse. Habang nasa byahe ay nagpamusic ako kasi sobrang tahimik namin. Akala ko ililiko na niya papuntang bahay ng bigla nalang siyang nag diretso kaya naman nilingon ko agad siya.
"Hoy nakalimutan mo na ba kung saan bahay namin?" Tanong ko sa kanya at tinawanan niya lang ako.
"Of course not, chill ka lang okay. Gusto ko din magdate kaya magdadate tayo." Sabi niya naman at nagsmile siya sa akin.
"Date? Ibang klase din trip mo noh?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya kasi naman bigla bigla nalang magsasabi na gusto niya din magdate. At sa dinami dami ng babae niya eh ako pa talaga ang dinala niya? Sarap sapakin ng weirdong to.
"Nainggit ako kay Ty at Liyah kaya naman naisipan ko din na magdate tayo." Sabi niya naman at proud na proud pa ang loko.
"Sa dinami dami ng babae mo eh ako pa talaga ang naisipan mong dalhin para idate? Ibang klase na talaga ang pagkaweirdo mo." Sabi ko naman sa kanya at nakita ko naman na sumeryoso ang mukha niya.
"Wala akong ibang babae kasi ikaw lang kaya ikaw lang din ang idadate ko." Seryosong sabi niya at natigilan naman ako kasi parang na offend ko ata siya. Ano bang problema ng lalaking to?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Gly :D
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.