Champion
Last day na ng intramurals namin ngayon at nandito na kami sa bench at naghihintay lang sa laro nila Benjie. Para championship na ang laro nila ngayon, ang sa mga babae naman ay tapos na kahapon at panalo naman sila Trina. Hindi na rin ako nakapaglaro kasi nandoon naman na yung babaeng missing in action last time at may ibang sub na rin sila.
Nasa tabi ko lang si Benjie habang naglalagay ng tape pero napatigil siya ng mapansin niya na nakatingin ako sa ginagagawa niya. Inilahad niya naman ang kamay niya at ang tape sa akin, at alam ko na kung ano na naman ang balak niyang ipagawa sa akin.
"Please?" Sabi niya habang nagmamakaawa yung mukha.
"Kaya mo na yan, malaki ka na." Sabi ko sabay tingin sa phone ko pero hinablot niya ito at inilagay sa kamay ko ang tape.
"Sige na miss, pampaswerte lang." Sabi niya pa sa akin at nakanguso pa. Akala mo naman cute, eh sa cute naman talaga siya. Gwapo na nga cute pa ang unfair, tss ano ba tong pinagsasabi ko.
Kinuha ko nalang yung kamay niya at tinape ko na yung mga daliri niya. Nakafocus lang ako doon kahit na alam kong nakatitig na naman itong weirdong to sa akin. Pagkatapos ko ay binitawan ko agad ang kamay niya at ibinigay ang tape sa kanya pero nabigla naman ako ng halikan niya ako sa pisngi.
"Yaks kadiri ka." Sabi ko sabay punas sa parteng hinalikan niya, syempre joke ko lang yun kasi wala namang laway na kasali. Nasabi ko lang talaga yun para hindi maging awkward at hindi ako mas mailang sa kanya.
"Hoy miss grabe ka naman, wala namang laway na kasali yung halik ko. Thank you ko sana yun sayo eh." Sabi niya at ngumuso naman siya at parang aping api. Natawa naman ako sa reaksyon niya kasi parang bata lang eh hindi naman bagay.
"Bakit ba kasi kailangan mo pang humalik eh okay naman na sa akin ang isang simpleng thank you, alam mo tsansing ka rin sa akin eh." Sabi ko sa kanya at nakita ko naman na nakangisi na siya ngayon, abnormal talaga.
"Ba't mo nahulaan? Secret lang natin ang pantsatsansing ko sayo ha." Sabi pa ng weiro kaya naman sinapak ko na siya, may sapi na ata ang isang to. Tawa naman siya ng tawa ng bigla nalang lumapit si Ty.
"Hoy lalaki halika na dito at magsisimula na ang laro. Nakikipaglandian ka pa sa pinsan ko, mapapatay talaga kita." Seryosong sabi naman ni Tyler. Tumayo naman si Benjie at tumango na kay Tyler.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Benj ah, hindi niyo man lang napansin na nakatingin kami lahat sainyo." Sabi ni Trina sa akin habang lumilipat sa upuan ni Benjie kanina, nasa left ko naman si Kaylee na nakatingin na din sa akin.
"Riane, paalala lang, babaero si Benjie." Seryosong sabi ni Kaylee.
"Alam ko naman yun Kay, hinding hindi ko makakalimutan na isa siyang playboy." Sabi ko at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.
"Sana lang talaga Riane ay hindi ka magpapadala sa mga actions ni Benj towards you." Sabi naman ni Trina at tinanguan ko lang siya at nanuod na ng laro.
Panalo sila Benjie kahit na nakaabot sila ng third set. Maraming babae ang lumapit sa kanila at nagpapicture pa kaya naman hinintay nalang namin sila dito sa bench.
"Ang haharot naman ng mga babaeng to." Sabi ni Liyah habang nakatingin sa pinsan ko na may babaeng katabi na nagpapapicture, natawa naman kami dahil halatang nagseselos siya.
"Sagutin na kasi para wala ng mahaharot." Sabi naman ni Sienna pero inirapan lang siya ni Liyah, nagtawanan lang kami agad.
Hindi naman nagtagal ay nandito na sila Tyler at nakabihis na rin sila. Naglakad na kami papunta sa gymnasium kasi announcement na ng overall champion. Nasa likod lang ako nila ng hinawan ni Benjie ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.