Chapter 9

9 3 4
                                    

Date

Hindi ko alam kong natitrip lang ba to si Benjie o seryoso talaga kasi naman nandito kami ngayon sa super market. Tinignan ko naman siya at tinawanan niya lang ang reaksyon ko na nagtatanong kong seryoso ba talaga siya.

"Baba ka na dyan kasi magdedate pa tayo." Sabi niya habang papalabas ng sasakyan. 

So sa supermarket niya ako balak idate? Eh gago pala tong lalaking to eh. Seryoso ba siya dito? Bumaba na ako kahit na hindi pa rin ako makapaniwala sa naging choice of place niya para date namin.

 Kala ko naman romantic tong loko na to kasi playboy pero nakalimutan ko na weirdo din pala to. Hindi naman sa gusto kong makipagdate sa kanya sa isang romantic place noh, mas gugustohin ko pang idate niya ko sa park at kumain ng dirty ice cream tss.

Sumunod ako sa kanya at hindi ako sumasabay kasi baka sabihin niyang prank lang to at babalik na kami sa sasakyan niya pero mali ako kasi hinila niya ako at pinasabay sa kanya. Kumuha siya ng basket at ako naman ay sinusubukang makawala sa pagkakahaway niya sa kamay ko pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dito.

"Hoy weirdo bitaw nga." Sabi ko habang hinihila pa rin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya pa kaysa sa pagkakahawak niya kanina kaya naman nasaktan ako ng sinubukan ko ulit.

"Aray masakit." Sabi ko at napabitaw naman siya at sinuri ang kamay ko.

"Yan kasi, wag mong pilitin kasi talagang masasaktan ka. Bakit ba ayaw mong hawakan ko kamay mo ha? Ang oa naman nito, wala naman akong virus miss." Sabi niya at hinimas himas ang kamay ko na namumula dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya. 

"Bakit ba kasi gusto mong hawakan kamay ko? Pwede naman kasing hindi magkaholding hands." Sabi ko at seryosong tinignan siya, naramdaman niya naman ang pagtitig ko kaya tinuon niya rin ang titig niya sa akin.

"Gusto kong hawakan ang kamay mo kasi ang ganda sa feeling. Habang hawak ko ang kamay mo, feeling ko akin ka at ako na ang pinakamaswerteng tao kasi nahahawakan ko kamay mo." Sabi niya habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. 

Alam kong playboy siya pero ang puso ko, sobrang bilis ng tibok nito na parang kakawala na kasi yung titig niya parang may pinapahiwatig na hindi ko alam kung ano. Iniwas ko ang mga mata ko sa titig niya kasi naiilang na ako.

"Umm tara na nga." Sabi ko nalang kasi hindi ko na alam kung ano sasabihin ko. Lalakad na sana ako pero naramdaman ko na naman ang kamay niya sa kamay ko, tinignan ko naman siya at balak na bawiin ang kamay ko kasi hindi na humupa ang napakabilis na tibok ng puso ko.

"Please? Kahit ngayon lang miss." Sabi niya at nagmamakaawa pa ang mukha kaya naman inirapan ko nalang siya at naglakad na. Nakita ko naman na ngumiti siya pero hindi ko na siya nilingon kasi yung puso ko. 

Hila hila lang ako ni Benjie at siya lang ang kumukuha ng mga pagkain at mga inumin at kung ano anu pa. Hindi naman marami ang pinamili niya kaya naman nandito na kami sa may counter para mabayaran na niya. Akala ko ba dito kami magdadate? Baka sa kotse niya? Hay ewan pero at least hindi na niya hawak kamay ko ngayon.

Natapos na niyang bayaran mga pinamili niya kaya naman pumunta na kami sa kotse niya at sumakay na doon. Pinaandar na niya ang sasakyan niya pero hindi pa ito umaandar kaya nagtaka naman ako at nilingon siya pero naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Babawiin ko na sana pero hindi ko na naman mabawi kaya pinabayaan ko nalang. 

Nagdrive thru din kami kasi para sa dinner daw namin. Akala ko mga chichirya lang ipapakain niya sa akin eh. 

Tumigil si Benjie sa isang lugar kung saan pwedeng mag picnic at na excite naman ako kasi gusto ko talaga makaranas ng picnic date para sa first date ko. Bumaba naman ako at tinignan ang lugar na napakapeaceful. 

A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon