Chapter 16

18 3 3
                                    

Ex

Kararating lang namin sa school ngayon at kasama ko si Benjie kasi diba sabi niya susunduin niya ako. Hindi ko nga lang alam kung paano niya napapayag si Tyler na siya na ang susundo sa akin. Baba na sana ako sa kotse ng pigilan niya ako.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya. May kinuha naman siya sa likod at nakita ko na isa itong bulaklak, tulip to be exact. 

"Para sayo miss, tsaka ito din yung letter na kasama niyan." Sabi niya sabay abot sa akin ng tulip na color puti at isang envelope na sky blue. 

"Para saan naman to?" Tanong ko nalang kasi hindi ko din kasi alam ano sasabihin ko. Ba't may pa flower flower pa kasing nalalaman tong isang to.

"Gusto ko lang bigyan nililigawan ko. Tara na at baka malate pa tayo." Aya niya at nauna ng lumabas para pagbuksan ako ng pinto. 

"Salamat, hindi mo na dapat ginawa to. Okay lang naman kung wala kang ibibigay, wag ka na gumastos Benj." Sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami ngayon papuntang locker.

"Ako ang nanliligaw Marriane, at diskarte ko yan kaya wag mo na sirain. Tsaka alam kong magiging worth it naman lahat ng gagawin ko para sayo." Sabi niya at kinindatan pa ako, sobrang feelingero naman ng isang to. 

Sabagay may point din naman siya kasi diba bibigyan ko siya ng chance. Bibigyan ko sarili ko ng chance. Inilagay ko lang ang ibinigay niya doon at kinuha na ang mga kailangan ko. Nakasunod lang si Benj sa akin. 

Nagstart na yung class at nakikinig lang ako ngayon sa teacher namin. Puro lang naman discussion yung ganap ngayon kaya medyo boring din. Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng pumasok si Ms. Jean at kinausap ang teacher namin.

"Narinig ko na may bago daw tayong kaklase." Sabi ni Trina sa akin.

"Talaga? Ang late niya naman nakapag enroll kung ganon." Sabi ko.

"Oo nga eh pero balita ko gwapo daw ang isang to, nako magkakalovelife na ata ako nito Riane." Sabi niya na may pakiligkilig pa. 

"Tss." Sagot ko nalang at nagtawanan nalang kaming dalawa. 

Nabaling naman agad ang atensyon namin sa harap ng may pumasok na matangkad na lalaki. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako ng makita ko ang pamilyar na pigura sa harap ko. 

Mas lalo akong kinabahan ng mag angat ako ng tingin sa mukha niya at nagtama ang paningin naming dalawa. Bakit siya nandito? Feeling ko nananaginip lang ako.

"I'm Lucas Rodrigo." Pagpapakilala niya at napayuko nalang ako ng hindi niya pa rin ako tinatantanan sa mga titig niya. 

Anong ginagawa niya dito? Sa dinami dami ng paaralan dito pa talaga napadpad ang isang to? Nananadya ba talaga ang tadhana?

"Where are you from Mr. Rodrigo?" Tanong ng teacher namin.

"I'm from Cebu sir." Sagot niya.

"Ms. Alia is also from Cebu, right Ms. Alia?" Tanong ng guro ko sa amin.

"Yes sir." Sagot ko nalang.

"Kilala mo ba yan Riane? Bakit titig na titig ang isang yan sayo? Type ka ata ghorl." Sabi naman sa akin ni Trina.

"Malabo yan." Sagot ko nalang,

Malabong gusto pa ako niyang playboy na yan. Ahhh hindi pala yan nagkagusto sa akin kasi ako lang naman ang nagkagusto sa kanya. Ang ginawa niya lang naman ay ang paglaruan ako at pagmukhain na tanga. 

Nakita ko naman na naupo siya third row ng column namin, pero nabigla nalang ako ng tumayo yung nasa harap ko at nagpalit sila ni Lucas. Tang...mama ano to? Nanggagago ba tong isang to? 

"Hi Lucas I'm Trina, and this is my best friend Marriane." Pagpapakilala naman ng tabi ko, jusko Trina kilala na ako ng isang yan, or hindi rin kasi marami siyang babae eh.

"Nice to meet you." Sabi lang ni Lucas at nginitian pa si Trina bago siya ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kaya nginitian ko nalang ng pilit. 

Lunch na at nagliligpit nalang ako ng gamit ng napansin ko na nakatingin si Lucas sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa naligpit ko na lahat gamit ko.

"Hey Yanyan pwede bang makisabay ng lunch?" Tanong ni Lucas sa akin na ikanabigla ko. Hindi agad ako nakasagot kaya laking pasasalamat ko nang si Trina na ang sumagot sa kanya.

"Ay oo Lucas pwedeng pwede ka sumabay sa amin. Tara na?" Aya niya kay Lucas at tumango naman ang isang to. 

"Tulongan na kita Yanyan." Sabi niya sa akin at balak sana kunin ang mga gamit na hawak ko ng nilingon ko siya.

"I don't know why you're doing this Luca pero please lang lubayan mo na ako. Why are you even here?" Mahinang tanong ko sa kanya kasi baka marinig kami ng mga kaibigan ko. Hindi ko na siya hinintay na sagutin ang tanong ko at naglakad na.

"Hey ba't parang bad mood ka." Rinig kong sabi ni Benj.

"Hindi naman, inaantok lang ako Benj." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Kinuha niya naman ang kamay ko at hinilot hilot ito na para bang maiibsan ng paghihilot niya ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon. 

"Iniistorbo ka ba nung bagong student? Gusto mo ba tabi nalang tayo? Napansin ko kasi na panay ang kausap niya sayo." Sabi niya.

"Hindi naman, nagtanong lang siya kung pwede bang sumabay maglunch sa atin kaya ayon si Trina na sumagot." Sabi ko sa kanya at tumango tango lang siya.

"Bakit Yanyan tawag niya sayo? Diba yan din tawag ni Ty sayo? Magkakilala ba kayo Riane?" Nabigla naman ako sa mga tanong niya, hindi ko din inakala na maririnig niya yun.

Napatigil naman ako sa paglalakad namin at tinignan ko siya. Sobrang seryoso ng mukha niya ngayon at ewan ko kung anong iniisip ng isang to o kung ano ang nararamdaman niya. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo pero deserve niya naman lalo na't nanliligaw siya sa akin.

"He's my ex. Lucas Rodrigo is my damn ex." Sabi ko sa kanya at nakita ko naman na nabigla siya. 

Lucas Rodrigo is my freaking ex who played with my feelings just for the sake of a stupid game. We lasted almost a year when I learned that he was just playing with my feelings. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Short update kasi wala akong inspiration talaga for the past few days na di ako nag uupdate kaya sorry po. 

Gly :D



A Heartbreaking DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon