Parents
TYLER'S POV
Break time na namin ngayon at gusto kong makausap si Benjie na kami lang dalawa.
Hindi ko alam kong papaniwalaan ko ba siya na nililigawan niya ang pinsan ko. Hindi naman siya bobo para hindi maintindihan ang sinabi ko na wag niyang dadamayin pinsan ko sa mga laro niya.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Parang ang dami ko kasing problema kahit hindi naman akin.
Una ay si Benjie na nanliligaw daw, tapos dumating pa tong tarantadong ex ni Yanyan na si Lucas.
"Liyah, mauna nalang kayo, kakausapin ko muna sandali si Benjie." Paalam ko sa kanya.
"Ah sige, gusto mo orderan nalang kita?" Tanong niya.
"Wag na hindi naman ako gutom." Sabi ko at lumapit na ako kay Benjie na nasa likod kasama ang pinsan ko.
Nakita kong nagtatawanan silang dalawa ng pinsan ko. Napangiti naman ako dahil alam ko na talagang masaya ang pinsan ko hindi katulad ng dati na minsan pilit.
Napawi lang ang ngiti ko ng marealize ko kung sino ang nagpapatawa sa kanya, na alam kong siya ding magtatanggal sa saya na nararanasan niya ngayon.
Nagkasalubong naman ang titig namin ng pinsan ko at natigilan siya. Nagtaka naman si Benjie kaya sinundan niya ang tingin ni Marriane na nakatitig sa akin.
"Pwede ba tayong mag usap?" Seryosong tanong ko kay Benjie at nakita ko naman ang pagtingin niya sa pinsan ko.
Ano ba talagang balak mo?
"Sige." Sagot niya at tinawag niya naman si Kaylee para may kasabay si Marriane sa paglalakad.
Naglakad na kami papunta sa lugar kung saan wala masyadong tao.
"Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ko sayo?" Tanong ko agad ng makarating kami sa may garden.
"Naiintindihan ko naman yun Ty sadyang wala lang talaga akong balak sundin ka." Sabi niya at naupo sa bench.
"Benjie ang daming ibang babae diyan bakit pinsan ko pa balak mong paglaruan ha?" Pinipigilan kong hindi sumigaw at maging kalmado lang.
"Sinabi ko bang paglalaruan ko pinsan mo?" Tanong niya at natawa naman ako. Wag mong sabihin magtitino na to?
"Gago ka pala eh. Wag mong sabihin na nagseseryoso ka na? Sinong niloloko mo?" Gago pala to eh.
"Paano kung oo?" Tanong niya at nabigla naman ako kasi seryosong seryoso siya, pero sino bang maniniwala dito?
"Kung talagang magseseryoso ka na sige pagbibigyan kita, pero kapag nalaman ko na pinaglalaruan mo lang ang pinsan ko hindi ko maipapangako na wala akong gagawin sayo. Minsan na din yung nasaktan ng isang tulad mo kaya sana hindi ka tutulad don sa gagong yun." Seryoso kong sabi sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pinagbibigyan ko siya pero nakikita ko kasing seryoso siya. Kahit na seryoso siya ay hindi parin ako kampante, basta siguraduhin niya lang na hindi lang isang laro para sa kanya ang pinsan ko.
"Hindi ko rin maipapangako na hindi ko masasaktan pinsan mo pero wag kang mag alala hindi ako tutulad sa gagong ex niya." Sabi niya at nauna ng umalis para siguro puntahan ang barkada namin.
Sana nga pare hindi ka katulad ng ex niya kasi hindi ko makakayanan makita siyang nag iiba dahil sa sakit na ipinaramdam sa kanya. Masakit na malaman yung nangyari sa kanya galing kay tita pero yung makitang harap harapan ay siguradong makakabugbog ako ng kaibigan.
Naglakad na ako papuntang room para doon nalang sila hintayin ng makita ko ang pinsan ko na nakatayo sa harapan ko. May inabot naman siya sa akin na paper bag at nakita ko naman na chocolate cake yun na favorite ko.
"Alam kong tungkol sa akin ang pinag-usapan niyo ni Benj." Sabi niya at nanahimik lang ako bago siya nagsalita ulit. "Sa tingin mo Ty, tama lang ba ang ginawa kong pagsugal ulit sa isang katulad niyang babaero?" Tanong niya sa akin at nilingon niya ako. Sa totoo lang hindi ko alam kong tama ba o hindi.
Natatakot akong masaktan siya ulit pero parte naman yan ng pagmamahal at pagpasok sa isang relasyon diba?
"Hindi ko rin alam Yanyan eh. Dalawa lang kasi yan, ang masasaktan ka sa huli dahil pinaglaruan ka lang pala ulit at ang pagiging masaya kasi sa wakas ay nagseryoso na siya. Kailangan mo din naman talagang sumugal pero sana lang talaga ay tama ang pinagsugalan mo." Sabi ko at nabigla naman ako ng niyakap niya ako.
"Natatakot ako Ty, natatakot akong mas masaktan ngayon sa pinagsugalan ko." Sabi niya at hinagod ko lang ang likod niya.
"Wag kang mag alala, kung masaktan ka man ay narito lang ako palagi sa tabi mo. Ako bubugbog sa gagong yun kapag sinaktan ka niya." Sabi ko at kumalas naman siya sa pagyakap sa akin at nginitian ako.
"Tara na at baka malate pa tayo. Kainin mo nalang yan habang naglalakad tayo pabalik sa room." Aya niya na sa akin at tumango naman ako.
MARRIANE'S POV
Nakarating na kami ni Tyler sa room at nandoon naman ang mga barkada namin.
"Saan kayo nanggaling ni Ty?" Tanong ni Trina ng makaupo ako, nakita ko naman si Lucas na nakatingin sa akin pero binalewala ko lang siya.
"Nagpahangin lang kami sa may garden." Sabi ko at itinuon nalang sa notebook ko ang atensyon.
Nakarating na ang teacher namin at nagsimula na siyang mag discuss. Sinubukan kong makinig pero wala akong maintindihan dahil iniisip ko yung pinag usapan namin ni Ty kanina. Yan kasi, pasok pasok sa isang relasyon ayan tuloy hindi na makapagconcentrate.
Tama ba talagang binigyan ko ng chance si Benjie? Tama ba na sumugal ako sa isang playboy ulit? Minsan ka na ngang nasaktan ng isang playboy tapos ngayon playboy ulit? Hay ang sarap din iuntog ng ulo ko eh.
Natapos ang klase na wala akong naintindihan kahit isa. Sa bahay nalang ako mag aaral kasi hindi ata ako lulubayan nitong mga iniisip ko eh. Laking problema nga naman ng pag ibig.
"Yan may family dinner daw tayo text ni mama, hindi ka ba tinext ni tita?" Sabi ng pinsan ko kaya naman napatingin ako sa phone ko.
From: Mom
Uwi kayo agad ni Tyler kasi may family dinner tayo. Dadating kasi lolo at lola mo. Ingat kayo ni Ty sa byahe okay? Loveyou.
To: Mom
Okay po mom love you too.
"Tara na?" Yaya ni Tyler sa akin.
"Paano si Liyah Ty?" Tanong ko habang nakatingin kay Liyah.
"Si Benjie na maghahatid sa kanya." Sabi niya at nilingon ko naman si Benjie na nakatingin na pala sa akin. Nginitian ko lang siya at tinanguan lang si Ty.
"Mauna na kami sa inyo, kita kita nalang tom." Sabi ni Tyler sa mga kaibigan namin.
"Hey, text me when you're home." Sabi ni Benjie na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin at nakahawak na sa braso ko.
"Okay, mag ingat ka sa pagdadrive." Sabi ko at nabigla naman ako ng hinalikan niya yung noo ko.
"Kayo din miss." Sabi niya at nginitian ko lang siya bago lumapit kay Tyler para makaalis na kami.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Finally nakaupdate din sa wakas. Sorry for the very late ud guys, wala kasi kaming net kaya hindi nakapag ud. Sorry din medyo sabaw ud ko.
Gly :D
BINABASA MO ANG
A Heartbreaking Dare
Teen FictionMarriane is from Cebu who transferred in his cousin's school because of her parent's decision. There she met her cousins friends who helped her to be happy again. Everything was okay but things changed when that day happened.